NTF-ELCAC Buwagin! Papanagutin at pagbayarin sina Lorenzana, Esperon, Parlade at iba pang mga opisyal nito sa mga krimen sa bayan!
Mababaw at hindi sapat ang naging rekomendasyon ng Senado na tanggalin lamang si Parlade bilang tagapagsalita ng NTF-ELCAC. Dapat kay Parlade ay tuluyan nang sibakin sa AFP at kasuhan dahil sa kanyang mga nagawang karumal-dumal na krimen sa bayan. Si Parlade at ang NTF-ELCAC ay nagsilbi lamang marahas na instrumento ng pasistang rehimeng US-Duterte sa pagsupil, pandarahas at terorismo sa bayan. Ang malakas na panawagan ng mamamayan: buwagin ang anti-mamamayang NTF-ELCAC, papanagutin at pagbayarin ang mga berdugo nitong opisyal, at ibasura ang Anti-Terror Law (ATL).
Hindi maitago at lantarang ipinakita ng mga pasista ang kanilang disgusto sa resulta ng ginawang imbestigasyon sa Senado sa red-tagging at mga kalabisan ng NTF-ELCAC. Hinamon pa ni Secretary Lorenzana na tanggalin na ang AFP sa anti-komunistang task force. Hindi niya matanggap at ikinapipikon ang harapang pamumuna ng mga senador na hindi konstitusyonal ang paghirang kay Parlade sa isang sibilyang opisina dahil ang huli ay nasa aktibong serbisyo pa sa AFP. Astang pilosopo naman si Parlade na nagsabi pa ng “Berigud” kahit ang totoo’y nasasaktan siya dahil ikalawang beses na niyang matatanggal bilang spokesperson. Noong 2011, na-dismiss siya bilang tagapagsalita ng Philippine Army dahil sa pag-uudyok ng gera laban sa Moro Islamic Liberation Front sa kabila ng deklarasyong tigil-putukan ng GRP.
Hindi kataka-taka ang mariing pagdedepensa ni Lorenzana kay Parlade sa naging rekomendasyon ng Senado. Magkabaro ang dalawa sa pagiging matatapat at masusugid na mga alagad ng imperyalismong US. Dating military attaché sa Washington si Lorenzana. Kilala siyang masugid na tagahingi ng suportang militar mula sa US at kontrapelo sa pakikipagmabutihan ng GRP sa China. Tiyak na hindi lamang biro ang mga sabi-sabi ni Duterte na siya ang pangunahing “CIA Agent” sa bansa. Sa kabilang banda, kinalulugdan ng US si Parlade dahil sa kanyang pagiging utak-pulbura at uhaw-sa-dugong anti-komunista. Nag-aral siya sa US at doon binuo ang kanyang mga walang kwentang tesis at libro hinggil sa rebolusyonaryong kilusan.
Sina Lorenzana, Esperon at Parlade ay kapwa naging bantog sa pagiging kontra-kapayapaan at sagadsaring militarista. Lagi nilang hinahadlangan ang pagbubukas ng usapang pangkapayaan sa pagitan ng NDFP at GRP. Tagasunod sila ng doktrina ng US hinggil sa todong gera laban sa mga “kalaban ng estado.” Ang mga buktot at pasista nilang paniniwala ang dahilan kaya sila ang inilagay ni Duterte sa NTF-ELCAC.
Napakabigat ng kriminal na mga pananagutan nina Duterte, Lorenzana, Esperon, Parlade at ng buong NTF-ELCAC sa bayan. Partikular kay Parlade, hinahabol at pinagbabayad siya ng mamamayan ng Timog Luzon sa dami ng kanyang mga kaso at krimen sa tagal ng kanyang pamamalagi bilang pinuno ng Southern Luzon Command. Dati siyang tumayong pinuno ng 203rd Brigade sa isla ng Mindoro at ngayon nama’y naghahasik ng terorismo sa rehiyon ng TK at Bikol bilang hepe ng SOLCOM.
Hinihimok namin ang mga biktima ng pambobomba, walang habas na pamamaril, pagharang sa pagkain at iba pang paglabag sa karapatang pantao at internasyunal na makataong batas, sampu ng mga kaanak ng mga brutal na pinatay ng mga yunit sa ilalim ng 2nd ID/ SOLCOM na sampahan ng kasong kriminal si Parlade. Paabutin hanggang sa mga internasyunal na korte at UNHRC ang kabatiran sa mga kaso ni Parlade. Dapat siyang usigin at papanagutin ng lahat ng mamamayang nagtataguyod sa karapatang tao.
Samantala, dapat patuloy na kumilos ang taumbayan para ilantad at labanan ang madugong kontra-mamamayang gyera na pinatutupad ni Duterte at ng kanyang anti-komunistang task force. Kumilos at makibaka para sa pagbubuwag sa NTF-ELCAC at pagpapanagot sa mga kasalanan ng mga opisyales nito. Patuloy na igiit at ipaglaban ang mga karapatang sibil at demokratiko ng mamamayang Pilipino mula sa matinding panunupil ng pasistang rehimeng US-Duterte.
Nanawagan din ang NDFP-ST sa taumbayan na paigtingin ang paglaban para pabagsakin si Duterte kasama ang kanyang mga uhaw-sa-dugong heneral. Laging handa ang mga sona’t larangang gerilya ng rehiyon na tanggapin ang sinumang nagnanais sumapi sa NPA at magsulong ng armadong pakikibaka para bigyan ng katarungan ang kanilang kaapihan. Ang mahabang kamay ng rebolusyonaryong hustisya ay igagawad ng rebolusyonaryong kilusan sa tamang panahon at pagkakataon sa mga berdugo’t pasista, lalo ang mga sangkot at may kagagawan sa nangyaring Bloody Sunday noong Marso 7, 2021. Determinado at hindi makakalimot ang rebolusyonaryong kilusan sa TK na papanagutin ang mga kriminal at may utang na dugo sa mamamayan.###