Opisyal na pahayag ng Kabataang Makabayan-TK sa pang-aabuso sa mga magsasaka sa Haciena Yulo
Sa pagpasok ng bagong taon, walang bago sa papet at pasistang Rehimen ni Duterte, hanggang sa kaniyang mga berdugong galamay sa Timog Katagalugan. Anim na araw matapos lamang ang pagpasok ng taon, nilusob at pinagbantaang palayasin ng mga armadong ng mga goons ng Pamilya Yulo ang kabahayan ng mga magsasaka sa Sitio Buntog.
Parte ang Sitio Buntog ng Hacienda Yulo, lupaing pagmamay-ari ng mga magsasaka at kanilang mga ninuno simula na pilit kinakamkam ng mga ganid na panginoong-may-lupa sa katauhan ng mga Yulo, Ayala, at Tan.
Matapos ang pangaabuso na naranasan ng mga magsasaka ng Sitio Buntog noong ika-6 ng Enero, ay muli na naman silang sinalakay. Isang araw lamang matapos ang paggunita sa anibersaryo ng Masaker sa Mendiola ay sinunog ang naman ang kabahayan ng mga magsasaka sa Hacienda Yulo. Isang payapang hapon ang bumulabog sa mga magsasaka ng Sitio Buntog nang sila ay tutukan ng baril at sunugin ang kanilang kabahayan habang sila ay nasa loob.
Buong lakas na kinukundena ng KABATAANG MAKABAYAN – TK ang pang-aabuso sa mga magsasaka ng Sitio Buntog, Hacienda Yulo! Tunay na walang pinag-iba ang rehimeng nagluwal sa Masaker sa Mediola noon at sa rehimeng patuloy na umaabuso sa mga magsasaka ngayon. Walang iniinda ang mga berdugong panginoong-may-lupa, bagyo man o pandemya.
Ngunit patunay ang pananatili ng mga magsasaka sa mga bungkalan at hacienda ng patuloy na pag-alab ng pakikibaka para sa tunay na reporma sa lupa. Kasabay nito ang umiigting na laban sa kanayunan na upang ipabatid sa masang magsasaka ang kanilang karapatan sa lupang sinasaka.
Ang pagsusulong ng Partido ng rebolusyong agraryo kasabay ng armadong pakikibaka ang tunay na makapagpapalaya sa masang magsasaka. Ang hindi nagmamaliw na suporta mula sa kanayunan ang nagpapatunay sa pagiging wasto ng ating pakikibaka.
Kabataan, ubos-kayang suportahan ang ating mga kasamang magsasaka sa Hacienda Yulo! Buong-sikhay na lumubog sa kanilang produksyon at protektahan ang kanilang lupang ninuno mula sa mga ganid na panginoong may lupa sa pamamagitan ng pagtindig kasama ng kanilang hanay. Patuloy na paigtingin ang laban para sa libreng pamamahagi ng lupa! Makiisa sa hanay ng mga magsasaka!
Isulong ang Rebolusyong Agraryo! Lupa para sa mga magsasaka, makakamtan sa armadong pakikibaka! Suportahan ang digma para sa tunay na reporma sa lupa!
Kabataan, sumama sa Bagong Hukbong Bayan!