P20 Milyong Patong sa Ulo ng mga Rebolusyunaryo sa Palawan..Patunay sa kainutilan at kabiguan ng PTF-ELCAC
“Anong mararating ng 20 mo?” Sumikat ang tanong na ito sa isang komersyal ng ice cream, kakatwang pagsasalawaran na maliit na talaga ang halagang 20 pesos. Pero ano nga ba ang mararating ng 20 milyong piso para sa mamamayang Palawenyo?
Para sa mahihirap na mga Palawento ay isang napakalaking kayamanan ito. Makakabili ito ng 8,000 sako ng bigas na pwedeng pakinabangan ng 8,000 pamilyang Palawenyo. Higit 6,000 kahon ng de latang sardinas, Makakapagpatayo ng 20 silid aralan sa mga pampublikong elementarya at hayskul sa mga kanayunang nagtitiis sa iskemang multi-grade(samasama sa isang silid ang 2 o tatlong grado) dahil sa kakakulangan ng pasilidad. Makakapagpa-iskolar ng 4 na doktor sa kursong medisina, makakabili ng 10 ambulansya at 10, 000 piraso ng test kit na maaring gamitin para mass testing laban sa nakamamatay na na CoVidl9. Maaari din itong makapag-benepisyo sa 4, 000 pamilya kung bibigyan ng 5, 000 piso ang kada pamilya, hindi man sapat ay makakaagapay ito sa pang-araw araw na pangangailangan ng mga Palawenyong apektado ang hanabuhay.
Sa gitna ng krisis ng pandemyang CoVid-19, lahat ng serbisyong ito na maaaring ibigay ng lokal na pamahalaan ni Jose Chavez Alvarez ay buong giliw niyang ipinagkakait sa mga Palawenyo. Sa kabila ng halos ay di mabigyan ng Social Amelioration Fund batay sa kanilang binalangkas mismong Social Amelioration Program(SAP). Sa halip na gawing seryoso ang pagtulong sa mga biktima ng Covid-19, Nakalaan ang 20 milyong pisong ito sa desperadong piano ng PTF-ELCAC at Joint Task Force Peacock sa pangunguna ng 3rd Marine Brigade upang habulin ang kanilang paulit-ulit na pinapahabang deadline ng pagdurog ng rebolusyunaryong kilusan sa Palawan.
Tila mga bangaw sa basurahan sina Alvarez at Nestor Herico na gustong makapiraso sa 20 milyong pisong inilaan sa sinumang masisilaw sa kinang ng salapi. Ito ang tunay na motibo sa paglalaan ng malaking halagang pabuya upang sa dakong huli sa kanilang mga bulsa lamang ito mapupunta at sa kapahamakan naman ng mga mamamayang mabiktima ng ilulunsad na mga Focus Military Operation(FMO) at Retooled Community Support Program(RCSP). Gagamitin ng JTF-Peacock ay mga dating NPA bilang mga “show case” o patunay sa katumpakan umano ng kanilang mga pamamaraan upang durugin ang kilusan. Nariyan pa rin ang E – CLIP(Enhance Comprehensive Local Integration Program)para sa mga sapilitang pagpapasuko at balik-balik na pagpapasuko (recycled surrenderees). Nais ni Alvarez at Herico na silawin sa pera ang nagugutom na mga Palawenyong nasa gipit na gipit ang kalagayan dahil sa pandemyang Covid-19. Pakapitin ang masa sa patalim at ipamahamak sa kontra-insurhensyang kampanya ng Rehimeng US-Duterte, hamakin at dustahin ang kanilang prinsipyo at paninindigan.
Ang paglalaan ng 20 milyong piso ng lokal na pamahalaan ni Alvarez at ng buong Joint Task Force Peacock para sa 5 katao na tinagurian nilang mga lider ng CPP – NPA ay pagpapatunay na hirap na hirap silang imaniobra ang Palawan Provincial Task Force – End Local Communist Armed Conflict (PPTF – ELCAC). Sunod-sunuran lamang sila sa kanilang among si Duterte na walang ibang hangad upang ipinapatupad ang de facto martial law dahil sa pagkaganid nito sa kapangyarihan. Habang libu-libong pamilyang Palawenyo ang nagugutom ngayon dulot ng lockdown, pinili ng Provincial Government ng Palawan na magsagawa pa ng ‘bounty hunting’ para sa 5 kataong mga lider umano ng CPP-NPA-NDFP sa Palawan.
Mga Palawenyo huwag palilinlang sa matatamis na pangako ni Governor Jose Chavez Alvarez at ni Gen.Nestor Herico ng 3rd Marine Brigade. Magkaisa at biguin ang NTF-ELCAC!
Mabuhay ang mga lumalalaban para sa Kalayaan!
Mabuhay ang CPP-NPA-NDFP!
Mabuhay ang Rebolusyon!