Pabatid: Libing ni Ka Oris sa Nobyembre 20
“Sa sambayanan ang rebolusyon” – Ka Oris
Bilang pagpaparangal kay Ka Oris (Jorge Madlos), dating kumander at tagapagsalita ng Bagong Hukbong Bayan, nananawagan ang Partido sa lahat ng mga rebolusyonaryo at pwersang makabayan at demokratiko, na mag-alay ng isang minutong katahimikan sa tanghaling tapat ng Nobyembre 20, Sabado, araw ng paglilibing sa kanyang mga abo.
Kasunod nito, ang mga bandila ng Partido Komunista ng Pilipinas at Bagong Hukbong Bayan ay ilaladlad at iwawagayway, habang nakatindig ang lahat ng kadre ng Partido at Pulang mandirigma ng BHB, upang saluduhan si Ka Oris at ipahayag ang panata na laging pananatilihing buhay ang kanyang alaala.
Mabuhay si Ka Oris, bayani at martir ng sambayanang Pilipino! Mabuhay si Ka Oris, Andres Bonifacio ng bagong panahon! Habampanahong mabubuhay ang alaala ni Ka Oris!
Mabuhay ang New People’s Army! Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas! Mabuhay ang sambayanang Pilipino!
#KaOrisLives