Pagbati sa 9 na opensiba ng NPA sa Timog Katagalugan laban sa AFP-PNP-CAA — NPA-Southern Tagalog

Pinakamataas na pulang saludo ang iginagawad ng Melito Glor Command – New People’s Army Southern Tagalog (MGC-NPA ST) sa magigiting na Pulang mandirigma ng Lucio de Guzman Command (LdGC) – NPA Mindoro at Bienvenido Vallever Command (BVC) – NPA Palawan sa paglulunsad ng aabot sa 9 na opensiba sa buwan lamang ng Mayo. Iniresulta nito ang 8 kaswalti sa hanay ng AFP-PNP-CAA, habang sinisiyasat pa ang iba pang napinsala sa apat pang labanan.

Mayo 6 – alas singko y medya ng umaga, pinaulanan ng putok ng isang tim ng NPA Mindoro ang dalawang elementong nasa labas ng kampo ng CAA sa Kilometer 10 So. Cabuyao, Brgy. Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro. Sugatan ang 1 CAA at ang CO nito na si Rosales. Namatay sa proseso si Rosales. Samantala, sa umaga ring iyon, hinaras naman ng isang tim ng LdGC ang kampo ng CAA sa Brgy. Benli, Bulalacao, Oriental Mindoro. Kinagabihan, hinaras din ng LdGC ang isa pang kampo ng CAA sa Brgy. Canturoy, Rizal, Occidental Mindoro.

Mayo 12 – Tatlo ang sugatan sa PNP-RMFB sa operasyong haras ng NPA Mindoro sa kampo ng huli sa Brgy. Cabalwa, Mansalay, Oriental Mindoro.

Mayo 18 – 11:30 ng umaga, naglunsad ng operasyong isnayp ang NPA Mindoro sa mga nag-ooperasyong 76th IB sa So. Camilian, Brgy. Bugtong na Tuog, Socorro, Oriental Mindoro. Isang sugatan ang natamo ng pasistang 76th IB. Pagsapit naman ng 11:30 ng gabi, hinagisan ng granada at pinaputukan ng NPA Mindoro ang headquarters ng 4th IB sa F.F. Cruz, Brgy. Cambayang, Bulalacao.

Mayo 19 – hinaras naman ng LdGC ang mga nag-ooperasyong 76th IB sa So. Tigao, Brgy. La Fortuna, Socorro, alas onse y medya ng umaga, kung saan nakatamo ng 2 sugatan ang kaaway.

Mayo 22 – alas otso ng gabi, hinagisan ng mga Pulang mandirigma ng BVC ang kampo detatsment ng 3rd Marine Brigade sa Brgy. Magara, Roxas, Palawan. Sumabog ang granada sa loob mismo ng naturang kampo.

Mayo 28 – alas singko y medya ng umaga, pinaulanan ng putok ng isamg tim ng NPA Palawan ang kampo ng 18th SFC sa Mantayog Falls, Brgy. Bunog, Rizal. Isa ang sugatan sa kaaway. Sa karuwagan ng mersenaryong tropa, pinatay nila ang sibilyang si Jeferson Abella upang pagtakpan ang kanilang kahihiyan.

Ang mga aksyong militar ng NPA sa rehiyon ay tugon sa patuloy na paghahasik ng teror at pasismo ng AFP-PNP-CAA sa kanayunan sa tabing ng mga tinatagurian nitong “Covid-related missions”. Bahagi ito ng pagtatanggol ng NPA sa mamamayang biktima ng karahasan sa mga walang tigil na focused military operations ng AFP-PNP-CAA sa rehiyon.

Patuloy na bibiguin ng NPA at mamamayan ang NTF-ELCAC at JCP Kapanatagan na ginagamit ang sakit na Covid-19 para malayang maniktik at humalihaw sa mga sona at larangang gerilya. Asahan ng mamamayan sa Timog Katagalugan ang paparami pang bilang ng mga aksyong militar ng ng NPA upang labanan ang kasalukuyang pinaiiral na de facto Martial Law ng rehimen.###

Pagbati sa 9 na opensiba ng NPA sa Timog Katagalugan laban sa AFP-PNP-CAA -- NPA-Southern Tagalog