Pagbati sa Ika-50 Anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas ngayong Disyembre 26,2018!
Ang ating Partido ay 50 taon na ngayon ñ dumaan sa mga liku-likong landas pero kinayang alpasan dahil sa napapanghawakan ang Teoryang Gabay na Marxismo-Leninismo-Maoismo (MLM). Bagamat dumaan tayo sa mga paglihis sa nakaraan, kinaya natin itong pangibabawan sa pamamagitan ng Ikalawang Dakilang KiIusang Pagwawasto (IDKP) na nagresulta ng panibagong pagsulong ng Pambansa Demokratikong Rebolusyon. Kaya nitong harapin ang hamon ng panahon lalo na ang MEMO 32 at EO 70 ng pasistang diktadurang rehimeng Us Duterte.
Tiwala ang Partido, katuwang ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) at Pambansang Nagkakaisang Prente, na dalhin ang pambansa Demokratikong Rebolusyon sa mas mataas na antas sa pamamagitan ng pagpukaw, pag-organisa at pagpapakilos sa milyun-milyong mamayang inaapi at pinagsasamantalahan ng naghaharing sistemang malakolonyal at malapyudal para maabot ang bungad ng estratehikong pagkapatas at marating ang pambansang tagumpay ng pambansa demokratikong rebolusyon.
Hamon sa lahat ng pwersa ng rebolusyon, partikular sa rehiyong Bikol, na huwag magpatumpik-tumpik sa paggampan sa mga naitakdang mga gawain, maging mapangahas sa paggampan ng mga tungkulin at Gawain at basagin ang kasinungalingang dala-dala ng Enchanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ng pasistang diktadurang rehimeng US-Duterte. Paghusayin ang mga tit-for-tat na propaganda, maglunsad ng mga matatagumpay na taktikal na opensiba sa kanayunan at daang libong mga kilos protesta sa kalunsuran.
Mamamayang api, sampa na sa BHB ñ BHB suldados san pubre.
Mabuhay ang Ika 50 taon ng muling pagkakatatag ng PKP-MLM!