Pagbati sa TO ng NPA Mindoro laban sa pasistang 203rd Brigade!
Binabati ng Melito Glor Command (MGC), NPA ng Southern Tagalog (ST) ang matagumpay na taktikal na opensiba (TO) ng Lucio de Guzman Command ng NPA Mindoro laban sa pasistang 203rd Brigade sa Bulalacao, Oriental Mindoro noong Agosto 14.
Nasapol ng pinasabog na command detonated explosive (CDX) ang isang sasakyan sa convoy ng anim na 6×6 truck ng mga sundalo sa Sityo Tambangan, Brgy. San Juan, Bulalacao, alas-diyes ng gabi. Napatigil ang trak at naantala ang convoy na naglalaman ng nag-ooperasyong tropa ng 203rd Brigade. Tinatayang isang seksyon ng pasistang tropa ang napinsala.
Ipinagbunyi ng mamamayang Mindoreño ang TO na ikalawang bigwas sa palalong 203rd Brigade ngayong Agosto. Noong Agosto 4, pinalasap ng Pulang Hukbo ang mga pasista ng kaswalti na 4 patay at 2 sugatan sa labanan sa Brgy. Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro. Patunay ang magkasunod na matagumpay na aksyong militar ng palabang postura ng NPA Mindoro sa gitna ng papabagsik na kontra-rebolusyonaryong gera ng rehimeng Duterte.
Ang mga opensiba ng NPA ST ay bahagi ng aming panata na panagutin ang mga pasistang nang-aapi sa mamamayan. Pagbabayarin ng rebolusyonaryong kilusan ang mga yunit sa FMO at RCSPO ng AFP-PNP na naghahasik ng teror at sumisikil sa karapatan ng mamamayan.###