Pagbisita ng Berdugong Heneral na si Debold Sinas sa Calapan City, Malaking Banta sa Buhay ng mga Mindoreño!
Labis na nakababahala ang pagbisita ng punong mamamatay tao ng PNP na si National Director Gen. Debold Sinas sa opisina ng PNP-MIMAROPA sa Calapan City noong nakaraang mga araw. Nagbabadya ito ng masamang pangitain at paramdam na isusunod ang isla ng Mindoro sa pag-arangkada ng makahayop at mapanindak na pampulitikang Tokhang sa kamay ng mga sundalo’t pulis. Kilala ang ganitong uri ng operasyon bilang Simultaneous Enhanced Managing Police Operation (SEMPO) na target ang mga aktibista, progresibo at karaniwang mamamayan.
Bukod pa dito, pananagutan ni Sinas ang muling pagkalat ng nakamamatay na Covid-19 sa isla ng Mindoro dahil sa walang pakundangang paglabag nito sa health protocol standard sa panahon ng pandemya. Matapos ang pagbisita tsaka nalaman na positibo sa COVID-19 ang punong mamamatay tao sa PNP.
Sariwang-sariwa pa sa ating ala-ala ang naganap na Bloody Sunday noon lamang Marso 7 kung saan isinagawa ng PNP-CALABARZON ang SEMPO na nagmasaker sa 9 na mga aktibista at pag-aresto sa 6 pa. Pinaghahanap pa ng mamamatay taong PNP ang siyam na bibiktimahin ng pampultikang Tokhang gamit ang palsipikadong mga warrant of arrest at search warrant. Ang kaganapang ito ay nagmumulat sa atin sa tindi at lupit ng karahasang inihahasik ng naghihingalong rehimeng US-Duterte gamit ang kanyang mga alagang armadong pwersa.
Sabay-sabay at sinkronisado ang ginawang operasyon ng AFP- PNP laban sa mga lider at aktibista sa CALABARZON. Tulad sa iba pang operasyong Tokhang, gabi at madaling araw sumalakay ang mga ito sa mga opisina at bahay ng kanilang target, at sa araw pa ng Linggo, bagay na magpapatunay na ang layunin ng mga ito ay patayin ang kanilang target at hindi arestuhin. Tulad ng dati nakagawian na ng PNP, walang kahihiyan din nilang tinaniman ng ebidensya ang mga biktima tulad ng mga armas at eksplosibo ang bahay ng kanilang mga biktima kasabay ng pagpalutang ng kasinungalingan na nanlaban ang target sa panahong inihahain ang kautusan ng korte.
Impunity o kawalan ng pananagutan sa krimen ng mga sundalo at pulis ang nalikhang klima ng paulit-ulit na pagtutulak ng rehimen na patayin, ubusin at tapusin ang mga komunista sa pamamagitan ng Executive Order No. 70 na nagbuo ng NTF-ELCAC at pagsasabatas ng Anti-Terrorism Law. Katatapos lamang na muling nag-utos si Duterte na patayin ang komunista at huwag nang isaalang-alang ang karapatang-tao nang naganap ang pag-atakeng Bloody Sunday. Masugid namang ipinagtanggol ni Harry Roque ang Bloody Sunday dahil diumano may digmaang nagaganap sa bansa. Sa ganitong pagtrato, itinuring ng estado na mga kombatant ang mga sibilyan na tinarget ng nasabing operasyon.
Kumukulo ang dugo sa galit ang mga mamamayan sa ginawa at ginagawang pagpatay at iligal na pag-aresto ng AFP-PNP sa mga aktibista sa rehiyon at buong bansa. Mariin nilang kinondena ang masaker at nagsagawa ng sunud-sunod na mga kilos protesta ang iba’t ibang progresibong organisasyon. Pati ang ilang kilalang personahe ay nagpahayag ng pagbatikos sa naganap na pag-atake.
Hindi kailanman mapatatahimik, matatakot at magigimbal ang mga Mindoreño sa ginagawang karahasan at paggamit ng kamay-na-bakal ng mamamatay-taong rehimen. Kabaliktaran, lalu lamang nitong itutulak ang mamamayan na lumaban sa lahat ng paraang maaari upang kamtin ang katarungan sa kanilang sinasapit na kaapihan, pagsasamantala at pambubusabos.
Kaugnay nito, kailangang ihanda ang mga Mindoreño na labanan at biguin ng buong tapang ang maitim na balak nina Duterte at Sinas, gamit ang PNP-MIMAROPA at 203rd Infantry Brigade na gawin ang kahalintulad na masaker sa isla.
Nananawagan ang LDGC sa lahat ng mga Mindorefno sa kabayanan, kalunsuran hanggang kanayunan na sumapi sa Bagong Hukbong Bayan. Bukas ang lahat ng mga yunit ng LDGC na tumanggap ng mga boluntaryo at may kakayahan sa pagsusulong ng Digmang Bayan at paglaban sa kaaway ng sambayanan.
Tanging sa armadong paglaban magkakaroon ng sapat na lakas ang mga pinaghaharian, inaapi at pinagsasamantalahang mamamayan upang epektibong depensahan ang sarili, labanan at gapiin ang armadong pwersa ng teroristang rehimeng Duterte. Sa pamamagitan lamang nito maaaring makamit ng mga biktima at mamamayan ang katarungan, tunay na kalayaan, demokrasya at kasaganaan.###