Paggunita sa 1972 Martial Law, Paglaban sa pasismo ng rehimeng Duterte ngayon
Nakikiisa ang Lejo Cawilan Command (LCC-NPA Kalinga) sa sambayanang Pilipino sa paggunita ng ika-48 taon mula ng naideklara ang batas militar noong Setyembre21 1972.Ginugunita ito ng mamamayang Pilipino ng may labis na puot at panghihinagpis lalo na ng mga biktima nito na niyurakan ang karapatan at dangal.
Ngunit dahil sa matibay ang pagkakaisa ng mamamayan, gaano man ito kalupit ay naibagsak ng nila ang diktadurang US-Marcos sa pamamagitan ng hayag at lihim na pagkilos ng sambayanan na dumulo sa EDSA People Power 1 noong Pebrero 1986. Ngunit ganun paman, dahil napalitan lang ang mga nakaupo sa pwesto at hindi ang sistema ng estado, tuloy-tuloy parin ang pagsasamantala at pang-aapi ng nagharing sistema sa mamamayang Pilipino hanggang sa ngayon
Sa kasalukuyan, hindi man pormal na idineklara ng rehimeng Duterte, mas pinatindi pa nito ang pagpataw niya ng batas militar sa pamamagitan ng Oplan Tokhang at ng kanyang Executive Order 70 (EO70).
Sa pamamagitan ng EO70, todo-larga nitong ipinatutupad ang– Oplan Kapanatagan sa pamamagitan ng pagbuo ng Task Force to End Local Communist Armed Conflict (TF-ELCAC) mula antas nasyunal hanggang sa mga barangay. Layunin nitong pag-ibayuhin pa ang paghahari ng rehimen sa pamamagitan ng pagsupil sa mga tinukoy nitong kalaban ng estado. Pinatibay pa ni Duterte ang kanyang batas-militar sa pamamagitan ng bagong pasang batas na Anti-Terror Act kung saan sinasaad nito ang pag-apak sa mga batayang karapatang pangtao gaya ng pagtitipon-tipon, pag martsa rally, pagpapahayag sa sariling pananaw at mga kagaya nito. Ginagamit ito ni Duterte para sa balak niyang gupuin ang rebolusyonaryongkilusan. Pinapatupad ito sa pamamagitan ng red tagging, pagpapalaganap ng fake news, pekeng pasurender at matinding focus military operations para wasakin ang pagkakaisa ng sambayanan.Pangunahing diin ng batas na ito ang paigtingin ang pagsupil sa paglaban ng mamamayan kaya sa aktwal ay ang sambayanang Pilipino talaga ang target nito. Mas lalo pang tumitindi ang pagdurusa ng mamamayan sa patuloy na paglaganap ng pandemyang COVID-19. Sa kabila ng paghihikahos ng mamamayan at pagsisikap nila na na makaiwas sapandimyang ito, mas lumilitaw ang pagkaburukrata kapitalista ng rehimeng Duterte. Mas inuna pa niya ang interes ng mga kalyado niya sa estado-poder sa usapin pagprayoridad sa mga ito sa testing kaysa sa mass testing para sa lahat ng bulnerableng sektor ng sambayanang Pilipino. Pagbili ng mga overpriced at maanomalyang PPE sa mga dayuhang kapitalista habang kulang ang suporta para sa lokal na manupaktura. Inuuna ng rehimen ang interes nito sa pulitika at ekonomiya habang binabalewa nito ang kaligtasan, kapakanan at kalusugan ng sambayanang Pilipino.
Sa kabilang banda nag-aaksaya ng rekurso ang rehimen sa patuloy ang pananalasa ng mga operasyong militar sa kanayunan na gumagamit ngmaramihang pwersa, pambobomba, mga attack helicopters at fighter jets, surveillance, drones at iba pang kagamitang militar imbes na tugunan ang pangangailangan para lutasin ang COVID-19. Patuloy na binubuhusan ng malaking pondo ng rehimen ang kampanyang militar nito habang kakarampot ang nilalaan na budget para sa pampublikong serbisyo, kalusugan at agrikultura. Masa ang kanilang pinapahamak at pinagkakaitan na mabuhay ng matahimik at payapa.
Dahil sa mga pangyayaring ito, wala ng ibang mapagbalingan ang taong bayan kundi ang tumindig at lumaban para sa tunay na hustisya at kapayapaan. Napagtanto nila na ang laban na kanilang sinimulan sa panahon ng diktadurang US-Marcos ay nagpapatuloy parin hanggang sa kasalukuyang rehimeng Duterte.
Nasa interes ng malawak na hanay ng masa na ipagpatuloy ang laban para sa tunay na hustisya at kapayapaan kasabay ng panawagan nila para sa pagsusulong ng kanilang mga demokratikong karapatan sa harap ng pandemyang COVID-19 at pasismo ng rehimen.
Ituloy ang laban hanggang sa tagumpay!
Ilaban ang libreng mass testing at pagpapamahagi ng mga PPE! Serbisyong medikal, hindi militar!
Ibagsak ang pasistang rehimeng Duterte! Labanan ang batas-militar! Sumampa sa New People’s Army!
Mabuhay ang nakikibakang mamamayan!