Pagharap sa Pasismo ng Estado at Krisis sa Kabuhayan sa Likod ng COVID19 — NPA-East Camarines Sur

Ginawang sangkalan ng rehimeng US-Duterte ang isyu ng COVID – 19 para madulas na ipatupad ang Batas Militar sa buong bansa sa tabing ng Enhanced Community Quarantine at Lockdown sa loob ng isang buwan mula Marso 15 hanggang Abril 15 at maaaring lumawig pa.
Ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine ay isang desperadong hakbang ng rehimen na magdudulot pang lalo ng kahirapan at kagutuman sa mamamayan, direktang apektado nito ang masang manggagawa at magsasaka, na malaon nang inaapi at pinagsasamantalan.
Masaklaw na ilinatag ang mga militar at pulis sa mga checkpoint sa buong bansa, idinidit e ne ang mga pinaghihinalaang infected ng virus na walang karampatang aksyong medikal at iniinteroga kahit walang batayang kaso. Malinaw kung gayon na isa itong panggigipit sa mamamayan, isang batas militar na makasaysayan sa paglabag ng karapatang tao.
Dahil sa neoliberal na programa, pangunahing umaasa ang ekonomya ng Pilipinas sa mga dayuhang negosyo, dayuhang ayuda at pautang, turismo, at remittance mula sa mga OFW, hindi kinontrol ng gobyerno o isinara ang daluyan ng mga produkto sa ibayong dagat at pagpasok ng mga dayuhan sa Pilipinas na maaaring pagmulan ng sakit na COVID – 19. Imbes na i-abot ng reaksyunaryong gobyerno ang tulong at suporta sa mamamayan para sa serbisyong pangkalusugan, puro satsat at walang kongkretong hakbang ang reaksyunaryong gobyerno para resolbahin ang lumalaganap na sakit kundi ang pasistang atakeng militar.
Sa kabila ng ipinapalaganap na isterya, inutil ang reaksyunaryong gobyerno ng rehimeng US-Duterte sa pagharap sa COVID – 19 at sa matagal nang mga sakit ng lipunang Pilipino. Lalong napapatunayan na walang kakayahan ang estado sa isang malakolonyal at malapyudal na lipunan na harapin ang pamalagiang krisis na humahambalos dito.
Hindi kaylanman itataguyod ng mapanghati at reaksyunaryong estado ng mga naghaharing uring panginoong maylupa at burgesya kumprador at kanilang alipures ang mga demokratikong interes ng mamamayan. Walang ibang aasahan ang mamamayan kundi ang nagkakaisang lakas para harapin ang COVID – 19, krisis sa kabuhayan at pasismo ng estado.
Upang maharap ang COVID – 19 kailangan g palakasin ng mamamayan ang koordinasyon para pagpapalaganap ng mahusay na pamamaraan at programang pangkalusugan at pangkalinisan para makaiwas sa virus at anu pa mang pagkakasakit. Mahusay na palakasin ang resistensya sa pamamagitan ng pag-ehersisyo, kumain ng sapat at iwasan ang mga maaaring magpababa ng resistensya.
Upang harapin ang krisis ng kabuhayan dahil limitado ang pagkukunan ng resorsang pangkonsumo ng mamamaya n dahil sa lockdown na pinaiiral ng mga militar at pulis, pinakamahusay na maglunsad ng grupong tulungan sa bawat barangay para sa produksyon ng pag-tanim na makokonsumo o makakain, okupahin at bungkalin ang mga tiwangwang na lupa para sa kapakinabangan ng komunidad na lilikha ng mga alternatibong pagkukunan ng makakain.
Upang mabigo ang pasismo ng estado o militarisasyon, mag lunsad ng kampanyang edukasyon upang maipalaganap ang demokratikong karapatan ng mamamayan. Maging mapagmatyag at i-lista ang mga paglabag sa karapatang tao at pangalan ng mga ahenteng militar at pulis at kinauukulang komand, iulat sa mga grupong pangkarapatan, at kagyat na ipaabot sa mga kagawad ng midya o ipost sa inyong social media acc o unts para mapa tampok ang lahat ng kaso ng paglabag ng mga ahente ng estado.
Matagal nang programa ng rebolusyunaryong kilusan ang paglulunsad ng progresibong hakbang para sa kabuhayan, kalusugan at kagalingan ng mamamayan at hustisyang panlipunan sa mga sonang gerilya, naglulunsad ng mga grupong tulungan at kooperatibisasyon ng mga sakahan, aksyong medikal, pag-aaral at mga pagsasanay sa iba’t ibang larangan ng gawain at higit sa lahat paglulunsad ng mga taktikal na opensiba laban sa mga kaaway ng sambayanan.
Higit na kinakailangan ang malaking pwersa sa kanayunan na tutulong sa mga hakbang para lalo ng mapalakas ang muog ng kapangyarihang pang – ekonomya at pampulitika ng mamamayan sa isang agri k ultural na bansa. Nananawagan ang Tomas Pilapil Command na patuloy na suportahan ang armadong pakikibaka na inilulunsad ng Bagong Hukbong Bayan at sumampa ang libo-libong mamamayan sa NPA para gapiin at ibagsak ang naghaharing pangkatin ng Rehimeng US-Duterte.
PAGLINGKURAN ANG SAMBAYANAN!
ISULONG ANG DEMOKRATIKONG REBOLUSYONG BAYAN!
Pagharap sa Pasismo ng Estado at Krisis sa Kabuhayan sa Likod ng COVID19 -- NPA-East Camarines Sur