Pagkitil sa Malayang Pamamahayag at Bagong Buwis sa Panahon ng Epidemyang COVID-19 — NPA-Albay
Habang nananalasa ang epidemyang COVID-19 sa ating bansa, sumasabay din ang Duterte virus sa pag-atake sa kabuhayan at karapatan ng masang Pilipino. Sinasamantala nito ang umiiral na lockdown bilang tuntungan ng kanyang Batas Militar upang walang sagkang ipatupad ang kanyang mga pasista at neoliberal na hakbangin.
Kasabay ng paggunita ng World Press Freedom Day, tuluyan nang pinahinto ang operasyon ng ABS-CBN sa bisa ng cease and desist order na ilinabas ng NTC noong Mayo 5 matapos mapaso ang prangkisa nito. Walang ginawang hakbangin ang Kongreso para pahintulutang magpatuloy ang nasabing kumpanya. Bago nito, pinagbantaan ni Sol Gen. Calida ang NTC na sinumang magbibigay pahintulot na magpatuloy sa pag-ere ng ABS-CBN ay kanyang sasampahan ng kasong korupsyon. Matatandaang nagbanta si Duterte na kanyang ipasasara ang nasabing kumpanya.
Malinaw na ang hakbanging ito ng rehimen ay pagsikil sa malayang pamamahayag. Masahol, sa gitna ng krisis ng COVID-19, libu-libo pang manggagawa ang tinanggalan ng trabaho. Sa panahon ng rehimeng Duterte, hindi lang ABS-CBN ang kanyang napasara, maging ang Rappler ay nagawa niyang ipahinto. Ni-reyd din ang tabloid na pahayagang ABANTE at sinunog ang mga dyaryong ilalabas nito na nagsasaad ng pagtuligsa sa isang kabinete ni Duterte. Maging ang mga independyenteng midya gaya ng BULATLAT, Radio ni Juan, mga personaheng midya reporter at iba pa ay kanilang binabantaan na huminto sa pagtuligsa sa gobyerno at ang iba ay pinapaslang gaya ng isang mamamahayag sa Kabikulan. Hindi rin nakaligtas ang mga rebolusyonaryong pahayagan gaya ng PRWC, upisyal na pahayagan ng CPP na inatake sa pamamagitan ng pag-hack nito. Pinasara rin nito ang media outfit na Sine Proletaryo sa Youtube na nagpapalabas ng kalagayan ng ating bansa.
Kasabay nito, habang pinagdurusahan ng taumbayan militaristang patakarang lockdown dulot ng COVID-19 pinirmahan kamakailan ang batas na nagpapataw ng 10% import tax sa langis. Tiyak na magreresulta ito ng dagdag na pagtaas ng mga pangunahing bilihin. Higit pa nitong ilulugmok ang masa sa kanilang abang kalagayan.
Hindi epidemyang COVID-19 ang kalaban ng sambayanang Pilipino, mas malala ang Duterte virus dahil libo-libong Pilipino ang pinatay nito, at nagdurusa sa tumitinding hirap ng buhay, kawalan ng tirahan at lupang sasakahan.
Dapat magkaisa at tumindig ang mamamayang Albayano sa paglaban hindi lang sa COVID-19 kundi sa DUTERTE Virus.
Dapat palakasin ang pagkakaisa, paglaban sa pagpapatalsik sa kasalukuyang rehimen, at kasabay nito, dapat makiisa ang mamamayang Albayano sa rebolusyonaryong kilusan, sa pagsampa sa Bagong Hukbong Bayan, dahil tanging sa pagsusulong ng digmang bayan ang siyang lunas sa kronikong krisis ng lipunang mala-kolonyal at mala-pyudal na sistema.
Mamayang Albayano, Magkaisa!
Duterte Virus, Labanan!
Isulong Digmang Bayan!
Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!