Pagpapahirap, Pasismo’t Karahasan sa Gitna ng mga Sakuna
Sa mga nagdaang mga buwan, lalo lamang lumalala ang pamamasista ng rehimeng Duterte at ginagamit pa ang panahon ng pandemya upang paigtingin ang kanilang pasistang paghahawak sa lipunan.
Mula sa kabi-kabilang pag-atake sa mga progresibong organisasyon at indibidwal, hanggang sa pagpapatahimik ng walang kuwentang rehimen na ito sa mga kritiko niya gamit ang Anti-Terror Law. Noong nakaraang Oktubre 14, 2020 lang (isang buwan na halos ang nakalilipas), inaprubahan na ng Department of Justice (DOJ) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Anti-Terror Law. Sa gitna ng sunod-sunod na mga sakuna, walang ibang inasikaso ang rehimeng Duterte kundi ang pagpapalaganap ng takot sa mga kritiko at mga mamamayang nais ilabas ang dismaya nila sa gobyernong ito. Tila ba nais lagpasan ni Duterte ang pinsala ng bagyo, dahil sunud-sunod na mga paglabag sa karapatang pantao ang nangyari noong mga nakaraan lao na mula noong Oktubre hanggang Nobyembre.
Noong Oktubre 25, inaresto ang isang lider-kababaihan mula sa Kalinga dahil sa gawa-gawang kaso ng Illegal Possession of Firearms. Noong Oktubre 30, kinasuhan ng terorismo at Illegal Possession of Explosives at Violation against Comprehensive Firearms and Ammunition ang tatlong lider-katutubo na Ayta na mga nagpahayag ng galit laban sa pagpapatayo ng gusali para sa SEA games noong nakaraang taon. Noong Nobyembre 12, habang nagbabarikada ang mga maralitang tagalungsod sa Cebu, sinapak at sinakal ng pulis ang isang highschool student na nakikisama sa laban nila. Noong Nobyembre 14, pinaslang naman ng armadong kalalakihan ang isang lider-magsasaka sa Quezon. Ngayong Nobyembre 17, dinala naman ng pulisya sa pinakamalapit na barangay hall ang 20 volunteers ng community kitchen sa Valenzuela City. DInisperse din ng pulisya ang isang candle lighting ceremony sa Tondo, Manila ngayong araw. Kahit nga ngayong panahon na ang mga progresibo at aktibista na ang nagpasimula ng iba’t ibang relief drives para sa mga nasalanta, sila pa itong nireredtag ng kampo ni Duterte partikular ng spokesperson ng NTF-ELCAC. Kulang pa ang listahan na ito.
Ayon kay DOJ undersecretary na si Adrian Sugay, sisiguraduhin daw na maayos na maiimplementa ang Anti-Terror Law ng mga law enforcers pati na rin ng mga huwes at mga prosecutors. Sa panahon ngayon sino pa bang magtitiwala sa mga salita ng mga berdugong walang hiyang ikinukulong ang mga kritiko at binabansagang terorista? Sa puno’t simula pa lang ng walang kuwentang batas tulad ng Anti-terror Law, hindi na malinaw ang mga pinagbabawal nitong “Acts of terrorism” na tila ba’y paglabas mo lang ng galit ay maaari ka nang bansagang terorista. Kung sa gayon, sa ilalim ng batas na ito, lahat ng sino mang galit sa gobyerno at kung sino mang mapagsususpetsahan ay maaari nang makulong at binabalewala ang demokratikong karapatan ng mamamayan.
Isa lang ang malinaw sa ATL at ito ay isang batas na pilit na ginagawang legal ang pamamasista sa mga mamamayan. Ang lahat na ito ay patunay lamang na ang rehimeng Duterte ay isang anti-mamamayan at pyudal na rehimen na binabalewala ang lakas at galit ng mamamayan—at higit sa lahat, nagagawa niya ito kahit sa gitna pa ng sakuna.
Sa lahat ng pinaggagawa ng gobyernong ito, lalo lang lumalakas at umiinit ang galit ng mamamayan. Lalo lang lumalakas ang rebolusyunaryong kilusan sa lunsod at sa kanayunan. Aba, kung hindi man lang isa’t kalahating duwag ang rehimeng Duterte, dapat ang kanilang hinaharap ay ang Bagong Hukbong Bayan na kayang makipagharapan sa kanila. Palibhasa kasi, alam nilang matatalo sila ng lakas ng Hukbo, at takot na takot sila. Dahil dito, sa kalunsuran sila naghahasik ng lagim—sa lugar na kung saan walang kahit anong armas na dala ang mamamayan. Ang hindi alam ni Duterte, mapakanayunan man o kalunsuran, hinding-hindi mapipigilan o mapapatahimik ng anumang batas ang rebolusyon!
Ang KM-DATAKO Balangay Ka Elvira ay nanawagan sa mga kabataan na gamitin ang galit na ito para patuloy na mag-organisa sa sektor ng mga manggagawa’t magsasaka pati na rin sa kanilang sektor ng mga kabataan. Doon tayo patuloy na magpalakas—sa hanay ng mga anakpawis!
Mapapatahimik lang natin nang tuluyan sina Duterte at maging ang buong sistemang malakolonyal at malapyudal sa pamamagitan ng paglulunsad ng digmaan. Ipalaganap ang rebolusyunaryong kaisipan at ang DRB sa inyong mga hanay. At sa huli, makiisa sa armadong pakikibaka at sumapi sa NPA.