Pagpupugay sa NDFP!
Binabati ng Santos Binamera Command – NPA Albay (SBC NPA – Albay) ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa ika-48 nitong anibersaryo ngayong Abril 24, 2021.
Higit na sumusulong ang gawaing pakikipagkaisang prente sa gitna ng pandemyang kinakaharap ng mamamayan. Ang patuloy na pagpapabaya sa mamamayan ng rehimeng US-Duterte ay lalong nagtutulak sa malawakang pagkakaisa ng mamamayan upang ipaglaban ang kanilang karapatan sa pamumuhay sa gitna ng panunupil ng gubyernong ito.
Hindi na lamang manggagawa’t magsasaka ang dahop sa kahirapan, maging ang mga panggitnang pwersa ay dumadaing sa epekto ng Covid19 at nangailangan na din ng ayuda mula sa gubyerno ni Duterte. Maging ang mga OFW na pangunahing inaasahan ni Duterte sa kanilang remittances ay apektado ng pandemya – nasa 680,000 ang humingi ng tulong kay Duterte noong 2020.
Sa kasalukuyan, isa din ang hanay ng mga nasa gawaing pangkalusugan ang may pinakamalaking tungkulin sa harap ng pandemya. Nagpupugay ang SBC NPA – Albay sa mga kasapi ng Manggagawang Samahang Pangkalusugan (MSP), kasapi ng NDFP at iba pang nasa hanay nila sa kanilang walang takot na pagharap sa pagsisilbi sa ating mga kababayan kahit nananatili silang underpaid at overworked sa sistema ni Duterte.
Kaakibat ng ganitong kalagayan, nagpupugay din ang SBC NPA – Albay sa malawak na pagkakaisa ng mamamayan sa maramihang pagtatayo ng community pantry ng mamamayang Bikolano at maging sa iba pang dako ng Pilipinas. Sa ganito, higit na napapanday ang pagkakaisa ng mamamayan na labanan ang kahirapan at krisis na dulot ng sistemang malakolonyal at malapyudal.
Higit tayong magkaisa sa panahong ito ng pandemya. Labanan natin ang dulot na delubyong krisis ng rehimeng US-Duterte.
Nasa satuyang pagkasararo ang pagkalda sa katingatingan!
Mabuhay ang ika-48 na anibersaryo ng NDFP!