Pagwasak sa itinayong tulay at proyektong imprastruktura sa Lagonoy, sagot sa huwad na kaunlarang ilinalako ng gubyerno at mga lokal na naghaharing-uri
November 23, 2019Pahayag sa Midya Ka Baldomero ArcanghelTagapagsalita, Tomas Pilapil Command BHB-East Camarines SurPagwasak sa Itinayong Tulay at Proyektong Imprastruktura sa Lagonoy, Sagot sa Huwad na Kaunlarang Ilinalako ng Gubyerno at mga Lokal na Naghaharing-UriTumitindig ang buong rebolusyonaryong kilusan ng Partido Area-4th District ng Camarines Sur na walang idudulot na kaunlaran ang mga kasalukuyang proyektong imprastruktura sa lugar. Hindi ito magsisilbi sa mamamayan kundi sa mga lokal na naghaharing-uri at kasabwat nitong kapitalista at burgesya kumprador na may interes sa lugar tulad ng pagmimina, pagtotroso, turismo at iba pang negosyong magdadala ng malaking ganansya at tubo.Hindi nilalayon ng itatayong tulay, kalsada at pier na pagdugtungin ang mga komunidad sa lugar at pagsilbihin sa interes ng taumbayan. Sa katunayan, hindi na kinakailangan ng iba pang ruta o kalsada para magdugtong sa mga bayan ng Garchitorena, Presentacion at Caramoan. Kasalukuyan nang nagagamit ang kalsada na tumatagos at dumudugtong sa mga bayan ng Partido District o Caramoan Peninsula patungong kalunsuran para sa transportasyon, komunikasyon, kabuhayan at araw-araw na mobilidad ng mga naninirahan sa buong Peninsula. Binibigyang-daan ng binuksang bagong kalsada sa bayan ng Lagonoy na tatagos sa liblib at magubat na bahagi sa Garchitorena at Presentacion ang walang habas na pagputol ng kahoy sa kagubatan at madaling paglalabas nito patungong mga komersyanteng nagpopondo ng illegal logging. Magsisilbi at papabor din ito sa mga kapitalistang may-ari ng mga kumpanya sa mina na matagal nang pinagbabawalan ng rebolusyonaryong kilusan na makapag-opereyt sa lugar.Bukod dito, isa rin ang proyekto sa kasalukuyang pinagmumulan ng malalaking pondong nakukurakot ng mga nasa poder at upisyales ng gubyernong nangangasiwa at nagpapatupad sa mga proyekto kasabwat ang mga napaburang kontraktor ng mga kumpanya. Masahol pa, ilinalagay ng proyrkto sa ibayong peligro ang mamamayan. Padadaliin nito ang walang habas at mapanganib na pagputol ng kahoy sa kagubatan at pagsasagawa ng mining exploration na magdudulot ng matinding pagbaha at pagguho ng lupa laluna kapag may bagyo.Buu-buong mga komunidad ang palalayasin sa lupang kanilang binubungkal sakaling matuloy ang pagpasok ng malalaking minahan. Sa ganitong kalagayan, malinaw na hindi magsisilbi ang naturang mga proyekto sa naghihikahos at api. Nananawagan ang BHB-TPC na tutulan at labanan ang mga kontramamamayang programa at proyekto ng rehimrng US-Duterte at kaakibat nitong pasistang atake. Ilantad ang todong-pagsisilbi sa mga kapitalistang namumuhunan sa tabing ng mapanlinlang na paghahambog ng kaunlaran at reporma sa lupa. Ang mga yunit ng BHB ay magpapatuloy sa pagtataguyod sa interes ng uring api at hindi kailanman pahihintulutang mamayani ang interes ng naghaharing-uri sa lugar. Kaagapay ng nagkakaisang hanay ng mamamayan ng buong Partido District ang BHB sa pagkakamit ng kaunlarang tunay na magtataguyod sa interes ng mamamayan sa ilalim ng isang lipunang walang nagsasamantala at nang-aapi. Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan! Mabuhay ang masang api!
Geplaatst door Baldomero Arcanghel op Maandag 25 november 2019
Tumitindig ang buong rebolusyonaryong kilusan ng Partido Area-4th District ng Camarines Sur na walang idudulot na kaunlaran ang mga kasalukuyang proyektong imprastruktura sa lugar. Hindi ito magsisilbi sa mamamayan kundi sa mga lokal na naghaharing-uri at kasabwat nitong kapitalista at burgesya kumprador na may interes sa lugar tulad ng pagmimina, pagtotroso, turismo at iba pang negosyong magdadala ng malaking ganansya at tubo.
Hindi nilalayon ng itatayong tulay, kalsada at pier na pagdugtungin ang mga komunidad sa lugar at pagsilbihin sa interes ng taumbayan. Sa katunayan, hindi na kinakailangan ng iba pang ruta o kalsada para magdugtong sa mga bayan ng Garchitorena, Presentacion at Caramoan. Kasalukuyan nang nagagamit ang kalsada na tumatagos at dumudugtong sa mga bayan ng Partido District o Caramoan Peninsula patungong kalunsuran para sa transportasyon, komunikasyon, kabuhayan at araw-araw na mobilidad ng mga naninirahan sa buong Peninsula. Binibigyang-daan ng binuksang bagong kalsada sa bayan ng Lagonoy na tatagos sa liblib at magubat na bahagi sa Garchitorena at Presentacion ang walang habas na pagputol ng kahoy sa kagubatan at madaling paglalabas nito patungong mga komersyanteng nagpopondo ng illegal logging. Magsisilbi at papabor din ito sa mga kapitalistang may-ari ng mga kumpanya sa mina na matagal nang pinagbabawalan ng rebolusyonaryong kilusan na makapag-opereyt sa lugar.
Bukod dito, isa rin ang proyekto sa kasalukuyang pinagmumulan ng malalaking pondong nakukurakot ng mga nasa poder at upisyales ng gubyernong nangangasiwa at nagpapatupad sa mga proyekto kasabwat ang mga napaburang kontraktor ng mga kumpanya. Masahol pa, ilinalagay ng proyrkto sa ibayong peligro ang mamamayan. Padadaliin nito ang walang habas at mapanganib na pagputol ng kahoy sa kagubatan at pagsasagawa ng mining exploration na magdudulot ng matinding pagbaha at pagguho ng lupa laluna kapag may bagyo.
Buu-buong mga komunidad ang palalayasin sa lupang kanilang binubungkal sakaling matuloy ang pagpasok ng malalaking minahan. Sa ganitong kalagayan, malinaw na hindi magsisilbi ang naturang mga proyekto sa naghihikahos at api. Nananawagan ang BHB-TPC na tutulan at labanan ang mga kontramamamayang programa at proyekto ng rehimrng US-Duterte at kaakibat nitong pasistang atake. Ilantad ang todong-pagsisilbi sa mga kapitalistang namumuhunan sa tabing ng mapanlinlang na paghahambog ng kaunlaran at reporma sa lupa.
Ang mga yunit ng BHB ay magpapatuloy sa pagtataguyod sa interes ng uring api at hindi kailanman pahihintulutang mamayani ang interes ng naghaharing-uri sa lugar. Kaagapay ng nagkakaisang hanay ng mamamayan ng buong Partido District ang BHB sa pagkakamit ng kaunlarang tunay na magtataguyod sa interes ng mamamayan sa ilalim ng isang lipunang walang nagsasamantala at nang-aapi. Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan! Mabuhay ang masang api!