Pahayag at Panawagan sa mga Palaweño
Alinsunod sa whole of nation strategy ng Campaign Plan “Kapanatagan” binuo ng rehimeng US-Duterte ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa ilusyong ganap na tapusin ang limang dekadang armadong tunggalian sa Pilipinas sa pagitan ng mga rebolusyonaryong grupo na kinakatawan ng CPP-NPA-NDFP laban sa mga malalaking burgesya kumprador, panginoong may-lupa, burukrata-kapitalista at alipures nitong AFP at PNP.
Ang hakbang na ito ay asal-maton na tugon ng rehimen sa sinserong alok ng NDFP na magkaroon ng seryosong usapang pangkapayapaan upang hanapan ng angkop na solusyon na lulutas sa ugat ng nagaganap na armadong tunggalian sa bansa upang makamtan ng sambayanan ang mithing kaginhawahan at tunay na hustisyang panlipunan.
Hindi inisip ni pinag-aralan ng militaristang rehimeng Duterte ang maningning na kasaysayan ng makatarungang pakikibaka ng sambayanang Pilipino na nakatungtong sa pagpawi ng pang-aapi at pagsasamantala sa lipunan—isang katotohanan na habang may pagsasamantala at pang-aapi naroon ang paglaban ng mamamayan. Sa loob ng limampung taon, buong giting na hinarap at binigo nito ang iba’t ibang mga Oplan at Task Force ng bawat nagdaang rehimen na nagmistulang inutil at isang kastilyo sa buhangin lamang.
Kasunod ng NTF-ELCAC ay ang pagtatayo naman ng mga RTF-ELCAC (Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict) na ang pangunahing nagsusulong ay ang mga lokal na kumand ng AFP/PNP. Itinutulak nito ang mga LGU na magpasa ng mga resolusyong nagdideklara sa CPP-NPA bilang mga “persona non grata”.
Ang pagtutulak ng RTF-ELCAC at mga teritoryal na kumand ng AFP/PNP gayundin ng katumbas nito sa mga probinsya ay naglalayong lumikha ng ilusyon ng isang bandwagon effect para pagmistulaing nagtatamasa ng popular na suporta ang pakanang ito at nagtatagumpay ang whole of nation strategy sa ilalim ng Campaign Plan “Kapanatagan”.
Sa Palawan, ang Sangguniang Bayan ng Brooke’s Point ay nagpasa ng Resolution No. 2019-77A nuong Marso 13, 2019 na nilagdaan ni Mayor Maryjean D. Feliciano noong Marso 18, 2019 na sinundan naman ng Sangguniang Bayan ng Taytay na nagpasa rin ng kahalintulad na resolusyon na nilagdaan ni Mayor Romy L. Salvame nitong Mayo. Ang Sangguniang Bayan ng Quezon, Palawan sa ilalim ni Mayor Joselito O. Ayala ay nagpahayag na ring tutugon. Samantala, ang Palawan Provincial Peace and Order Council (PPOC) ay nagpasa na rin ng resolusyon na nagdideklara sa CPP-NPA bilang persona non grata.
Nais naming ipaaabot sa lahat lalo na sa mga nasa lokal na pamahalaan na dapat ay pag-aralan ninyong mabuti bago kayo gumawa ng anumang hakbang katulad ng pagpapagamit sa mga reaksyonaryo at mersenaryong militar at pulis na inyong ideklara bilang mga persona non grata ang CPP-NPA dahil ang pagdedeklara nito ay kasingkahulugan na rin ng inyong
tahasang paglaban at pagdedeklara ng gyera laban sa rebolusyonaryong kilusan. At kung gayun ay maaaring maglagay sa inyo sa isang peligrosong sitwasyon. Gayundin, magkakaroon ng pananagutan sa rebolusyonaryong kilusan ang lahat ng mga nasa pribadong sektor at mga negosyanteng nagtataguyod at nagsisilbing mga padrino upang linlangin ang mga dating NPA at masa na pumaloob sa pakanang pagpapasuko at ECLIP.
Alalahanin ninyo na ang rehimeng US-Duterte ay may hangganan ang kapangyarihan at pawang pansamantala lamang. Subalit ang rebolusyon ay nagpapatuloy hanggat naririyan ang mga ganid na nagpapahirap sa taumbayan. Naniniwala kami na marami sa nasa Sangguniang Bayan at lokal na upisyal ng Brooke’s Point, Taytay at Quezon ay walang hangad na sumangkot at lumaban sa rebolusyonaryong armadong kilusan at marami sa kanila ay nabitag at nalinlang lamang ng mersenaryong tropa
at panggigipit ng rehimeng Duterte. Binibigyan pa namin kayo ng puwang at pagkakataon na ituwid ang inyong pagkakamali, bawiin ang inyong lagda sa ipinasang resolusyon at iatras ang nasabing resolusyon. Dapat nyong tularan ang ginawa ng Sangguniang Lungsod ng Iloilo City na hindi bumigay sa presyur ng AFP at PNP na magpasa ito ng resolusyong
nagdideklara sa CPP-NPA na persona non grata.
Ang aming panawagan sa mga LGU’s na nakapagdeklara at balak pang magdeklara na persona non grata ang CPP-NPA ay may panahon pa upang kayo’y mag-isip. Kung binabalak pa lamang ninyo ay huwag na ninyong ituloy at kung nakapagdeklara na ay pwede pa ninyong bawiin at magtuwid bago mahuli ang lahat. Inuulit namin na ang pagdedeklara bilang persona non grata sa CPP-NPA ay tuwirang pagdedeklara din ng gyera laban sa kilusan. Ang mga magpapatuloy sa landas ng kontra-rebolusyonaryong paglaban ay lilitisin at pananagutin ng hukumang bayan ng Demokratikong Gubyernong Bayan.
Mabuhay ang CPP-NPA-NDFP!
Mabuhay ang Sambayanang Lumalaban para sa Tunay na Kalayaan, Demokrasya at Makatarungang Kapayaan!