Pahayag ng BHB-Albay sa masaker sa limang magsasaka ng Brgy. Dolos Bulan Sorsogon
Muling umatake ang mga pasistang militar sa pangunguna ng 31st IBPA kalahok ang pinagsanib na Special Action Force (SAF) ng PNP at PNP Bulan, sa Brgy. Dolos Bulan Sorsogon noong Mayo 8, 2020 sa ganap na alas-singko ng umaga.
Pagsapit ng mga pasistang militar at kapulisan sa nasabing barangay, agad pinuntahan ang bahay ng limang magsasakang kalalakihan at saka pinagbabaril ang mga ito. Sila ay pinaratangan ng militar at pulis na kasapi ng NPA at tinaniman ng mga armas para masabing lehitimo ang kanilang ginawang operasyon at naglabas ng kwentong may naganap na engkwentro sa lugar.
Hindi na bago ang ganitong gawain ng 31st IBPA at PNP, pusakal na kriminal ang mga ito at pawang mga sinbilyang mamamayan ang kayang patayin ito ay nakabatay sa kanilang programang NTF-ELCAC, na dinisenyo ng rehimeng US-Duterte.
Sa Probinsya ng Albay ng inilunsad ang PDT noong 2014 sa mga Bayan ng Ligao, Pio Duran, Guinobatan at Jovellar ng 22nd IBPA (Philippine Army) sa ilalim ng 9th IBPA, tinakot nila ang mga mamamayan sa mga baryong nilunsaran ng operasyong militar sa pamamagitan ng pagpugot ng ulo sa isang magsasaka na si Ogis na taga kabaluaon bayan ng Guinobatan, habang ang ilang residente ay pinatawag sa brgy at inintoriga, may binatukan habang kinakausap, pagmarka sa kanilang tahanan, pagkuha ng litrato tinakot na papatayin kung ipagpapatuloy ang pagsimpatya sa rebolusyonaryong kilusan.
Hanggang sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang pananakot at paglulunsad ng operasyon ng 22nd IBPA, SAF, CAFGU sa buong probinsya ng Albay, nakakalat sa buong Probinsya ang kanilang destakamento, naglulunsad ng tsekpoint, nagsasagawa ng kombat patrol sa mga baryo, pananakot at pagpaslang.
Ang mensaheng nais ipaabot ng mga militar at kapulisan ay lumikha ng takot sa hanay ng mamamayan. Kailanman hindi mapipigil ng rehimeng Duterte, kasapakat ang mga berdugong militar at kapulisan ang nanggagalit na mamamayan na humihingi ng katarungan at hustisya. Pinakikita sa kasaysayan na wasto lang na maghawak ng armas ang mamamayan para ipagtanggol ang kanilang sarili at singilin ang mga pasitang militar kasama ang kanilang amo ng rebolusyonaryong hustisya.
Dapat palakasin ng mamamayang Albayano ang pagkakaisa, patatagin ang mga rebolusyonaryong samahan, magpasampa ng dagdag na kasapi sa BHB na siyang dudurog sa kasalukuyang estado at maniningil sa kasalanan ng mga militar at kapulisan.
Ibagsak ang rehimeng US-Duterte!
Singilin ang berdugong militar sa kanilang kasalanan sa mamamayan!
Ibagsak ang imperyalismong EU, Pyudalismo at Burukrata kapitalismo!
Mamamayan ng Albay sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!