Pahayag ng Pakikiramay sa Pamilya ng Pinaslang na Lider ng Samahan ng Maliliit na Maggiginto na si Kasamang Adonis Shu
Nais ipaabot ng BVC ang pakikiramay sa mga kaibigan, kamag-anak at pamilya ng pinaslang na lider-maggiginto sa Sitio Iraan, Magara, Roxas, Palawan.
Labis-labis ang aming kalungkutan sa balitang pinaslang ng mga ahente ng militar si kasamang Adonis Shu. Isang mahusay na lider-masang naninindigan upang ipaglaban ang kanilang karapatan sa paghahanap-buhay bilan mga “small gold panner” at nagsisikap mabuhay nang marangal.
Dahil sa kanyang pagiging aktibo sa pagtatanggol ng kanilng karapatan, ikinategorya ito ng mga awtoridad na kasapi diumano ng NPA o kung hindi man ay aktibong suporter ng rebolusyonaryong kilusan. Isa siyang lider-masa na napabilang at biktima ng red-tagging na ipinatutupad ng PTF-ELCAC at JTF-Peacock.
Bago pa tuluyang naganap ang pagpaslang kay She, maraming beses na ring nakarating sa BVC ang impormasyong lagi itong nakakatanggap ng mga “death threat” mula sa mga ahente ng militar hanggang sa tuluyan s’yang pinuntahan sa kanilang bahay ng mga ahenteng ito kasama ang dating NPA na si “alyas Vinzon” upang pasukin. Hinihimok s’ya na sa pamamagitan lamang diumano ng kanyang pagsuko ay mawawala ang hinala ng mga pulis at militar sa kanya at aalisin sa listahan ng mga kasapi at suporter ng NPA. Bagay na hindi naman n’ya ginawa sa pag-asang umiiral pa naman siumano ang hustisya at dahil wala naman s’yang ginagawang masama kaya wala s’yang dapat na ikatakot.
Ito ang mga nakikitang dahilan ng BVC upang tapusin ng mga mersenaryong militar ang buhay ni kasamang Adonis. Ginawa s’yang halimbawa ng kanilang mga taktikang “dalawang ibon sa isang putok” (two birds in one shot). Malinaw ang dalawang mensaheng nais iparating ng mga tagapagpatupad ng PTF-ELCAC. Una ang mga hindi makuha sa mahinahong paraan ay dadaanin sa karahasan at pangalawa ay magsisilbing babala sa lahat ng mga lider masa, sa mga kasapi ng progresibong samahang masa at mga indibidwal na nagpapahayag ng pagtutol sa hindi makataong pammaahala ng diktador-militaristang rehimeng US-Duterte. Ito ay patunay na walang balak ang rehimeng tapusin ang armadong tunggalian sa Pilipinas. Sa halip ay lalo pa nitong ginagatungan ang mga nag-aalab na damdamin ng mamamayan upang humawak ng armas at ipagtanggol ang sarili.
Bigyang-katarungan ang kamatayan ni kasamang Adonis Shu… isang lider at bayani ng sambayanan!
Mamamayan ng Palawan… ipaglaban ang inyong karapatan, sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!
Mabuhay ang CPP-NPA-NDFP!
Mabuhay ang rebolusyon!