Pahayag sa midya | Setyembre 21, 2018
Karlos Manuel | Spokesperson | Eastern Visayas Regional Operational Command (Efren Martires Command) | New People's Army
September 21, 2018
Mariing itinatanggi ng Bagong Hukbong Bayan-Efren Martires Command ang ignorante at malisyosong akusasyon ni Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Officer-in-Charge Forester Crisostomo Badeo Jr. na umuugnay sa BHB bilang protektor umano ng mga iligal na nagtotroso sa Lawaan, Eastern Samar.
Taliwas sa programa ng rebolusyonaryong kilusan ang malawakang pagtotroso, mapanirang pagmimina at iba pang pagdambong sa likas na yaman. Ipinagtatanggol ng mga Pulang mandirigma ang lupa at ang karapatan ng mamamayan na pakinabangan ito sa pangmatagalan.
Hinihimok namin si Ginoong Badeo na huwag nang isali ang BHB sa mga sarili niyang problema sa DENR.
Pahayag sa midya | Setyembre 21, 2018