Pahayag ukol sa ipinalabas na pekeng engkwentro ng AFP sa Igbaras, Iloilo — NPA-Southern Panay
Naglulubid ang dila at inakyatan ng hangin ang ulo ni Major Panchito nang kanilang pinalabas sa midya ang kasinungalingang may nangyaring enkwentro sa pagitan ng AFP at NPA noong Hunyo 6, 2020, sa boundary ng Brgy. Tigbanaba at Sityo Mahi, Corucuan, Igbaras, Iloilo, ilang metros lamang mula sa kanilang detatsment sa Brgy. Igtalungon, Igbaras, Iloilo. Base sa kanilang fake news, tumagal ng 20 minutos ang putukan sa pagitan ng kanilang pwersang 61st IB at ng Sibat Platoon ng NPA Southern Front-Panay. Nagsitakas daw sa takot ang 10 myembro ng NPA at naiwan pa ang mga gamit.
Walang enkwentrong nangyari. Ang nasabing lugar ay sakop ng aming ng area of operation at, sa panahong iyon, walang yunit ng NPA ang nandoon. Iyon ay isang rehearsed na aksyon. Maliban sa kanilang treyning militar, nagkukumahog din ang AFP na gawing artista ang kanilang mga sundalo sa kanilang mga dramang enkwentro. Marso 2019, pinalabas din nilang may enkwentrong nangyari bago nila dinakip ang 3 magsasaka sa Brgy. Mulangan, Igbaras, Iloilo. April 2020, pinalabas din nila na may enkwentrong nangyari sa boundary ng Miag-ao, Iloilo at Sibalom, Antique nang kanilang pinatay ang isang lider magsasaka at dinakip ang 11 pang sibilyan. Itong nangyari sa Brgy. Igbaras, Iloilo ay kanilang namang idadagdag sa kanilang Collection of Fake Encounters Series.
Naramdaman nila ang panganib sa mga pagmamaniobra ng NPA malapit sa kanila at naglibing ng pangamba sa kanilang isip ang mga pang-aatake sa kanila mismong mga detatsment. Ang katulad nitong mga drama, kaparte ng kanilang desperadong pagsisikap na magpakitang-gilas sa kabila ng lumalawak at lumalakas na rebolusyonaryong kapangyarihan sa kanayunan. Ginagawa nila ito para gawing lehitimo ang kanilang mga operasyong kombat sa erya at makapagtanim sila ng takot sa mamamayan na sumusuporta sa NPA. Pakay nito na mawalan ng baseng masa ang NPA.
Ngunit kun saan ang mga maralita, nandoon ang NPA para paintindihin, organisahin at mobilisahin ang mamamayan upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan. Patuloy na magpapalawak ang NPA sa pagmamaniobra sa erya lampas pa sa mga detatsment ng kaaway. Hindi kailanman mawawalan ng masa ang NPA sa halip patuloy itong susuportahan ng lumalawak at umiigting na paglaban nila.
Huwag maniwala sa mga drama at kasinungalingan ng AFP!
Alamin ang katotohanan sa pagsapi sa New People’s Army!