Palakasin ang Partido! Pamunuan ang paglaban ng mamamayan sa pasistang pagdaluhong ng rehimeng US-Duterte!
(This is the preliminary statement on the 51st anniversary of the Communist Party of the Philippines. The more comprehensive statement of the Central Committee will be released soon.)
Taglay ang di-natitigang na paninindigan at kapasyahan, ginugunita ngayon ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang kanyang ika-51 anibersaryo ng pagtatatag sa panahong hinaharap ng mamamayang Pilipino ang pinabagsik na pasistang atake ng rehimeng US-Duterte at ang todo-atake laban sa mamamayan at kanilang rebolusyonaryong kilusan. Lipos ng Marxismo-Leninismo-Maoismo, taglay ang mahigpit na paggagap sa mga obhetibong kundisyon at ang di-nahahangganang pag-asa, ang Partido ay higit pang determinadong magpalakas at pamunuan ang mamamayang Pilipino sa kanilang pakikibaka laban sa lahat ng anyo ng pang-aapi at pagsasamantala at sa pagsusulong ng pambansa-demokratikong rebolusyon.
Ang pinatinding kampanya ng pasistang pagsupil ng rehimeng US-Duterte laban sa mamamayan ay manipestasyon ng malalim at pamalagiang krisis ng naghaharing sistema. Sinasalamin nito ang desperasyon ng naghaharing reaksyunarong estado na panatilihin ang nagnanaknak nang malakolonyal at malapyudal na sistema. Sa harap ng walang-kalutasang krisis ng naghaharing sistema at maging ng nagpapatuloy na pagdausdos ng pandaigdigang sistemang kapitalista, isinasadlak ang malawak na masang Pilipino sa mas malalalang anyo ng pagpapahirap at pagsasamantala at inuudyukang maglunsad ng lahat ng anyo ng pakikibaka para ipagtanggol ang kanilang pambansa at demokratikong interes.
Ang nagpapatuloy at lumalalang depresyon sa ekonomya ng pandaigdigang sistemang kapitalista ay nagluluwal ng di mabilang na kontradiksyon. Noong nakaraang taon, nagpasiklab ito sa umiigting na tunggalian ng mga imperyalista sa mga patakaran sa ekonomya at kalakalan at sa pinagkukunan ng mga hilaw na materyales. Nagkaroon ng malalaking demonstrasyon sa iba’t ibang bansa at pag-aaklas ng mga manggagawa; at sa kabilang banda, tumitinding pasismo at panunupil ng estado.
Patuloy na lumalala ang lokal na krisis sosyoekonomiko habang pinaaarangkada ng rehimeng Duterte ang pagpapatupad ng matagal nang itinatakwil na mga patakarang neoliberal na itinutulak ng IMF at World Bank, at iba pang ahensyang imperyalista. Ipinagpapatuloy ng rehimen ang pagsalalay ng bansa sa dayuhang-utang at imported na kalakal at kagamitang pamproduksyon. Nananatiling di-industriyal at atrasado ang ekonomya. Maliban sa pailan-ilang sentro ng mala-pagpoproseso at malalaking agribisnes na kunektado sa internasyunal na operasyon ng mga korporasyong multinasyunal, nananatiling atrasado at maliitan ang lokal na pagmamanupaktura at agrikultura. Malaking rekurso, kabilang ang dayong utang, ay winawaldas sa impraistruktura, enerhiya, turismo at ibang proyekto na lumilikha ng dambuhalang tubo para sa malalaking dayuhang korporasyon at mga kasosyong lokal na malalaking negosyo. Papalaki ang disempleyo dahil ang kapasidad ng ekonomya na lumikha ng trabaho ay hindi makaagapay sa bilis ng paglobo ng sarplas na paggawa. Ang labis na suplay ng paggawa, sa kabilang banda, ay nagdidiin sa sahod. Ang pag-eeksport sa paggawa sentral na pantapal na patakaran pa rin ng reaksyunaryong estado sa ilalim ng rehimeng Duterte.
Patuloy na lumalala ang panlipunang kundisyon ng malawak na masang anakpawis dahil di na kayang makaagapay ng sahod at kita sa tumataas na gastos sa pamumuhay. Ang mga pabigat na buwis ay nagresulta lamang sa pagtaas ng presyo ng pagkain at ibang batayang pangangailangan. Pinalala ito ng pagsalig sa pag-aangkat at todo-todong librealisasyon sa pag-import ng bigas na naging banta sa lokal na produksyon ng agrikultura at seguridad sa pagkain. Milyun-milyon ang nagdurusa sa kawalan ng mga tirahan, kakulangan ng pampublikong serbisyong pangkalusugan at pang-edukasyon at pagkabulok ng kalunsuran. Sa kanayunan, milyung magsasaka ang nagdurusa sa pyudal, malapyudal at ibang anyo ng pagpapahirap. Laganap ang kawalan at pang-aagaw sa lupang agrikultural at lupang ninuno sa harap ng agresibong panghihimasok at pagpapalawak ng mga operasyong multinasyunal sa minahan at plantasyon, maging sa enerhiya, turismo at ibang proyektong imprastruktura. Malala ang kawalan ng serbisyong sosyal sa kanayunan laluna sa lugar ng mamamayang minorya.
Ang kalunos-lunos na kalagayang panglipunan at pang-ekonomya ng malawak na masang Pilipino ay matingkad na taliwas sa pagkamal ng yaman at mataas na antas ng pamumuhay ng mga burgesyang kumprador, malalaking panginoong maylupa at burukratang kapitalista. Nangangayupapa sila sa karangyaan at winawaldas ang kanilang salapi sa alahas, paggala sa abroad, malapalasyong mga tirahan, real estate at mamahaling mga kagamitan. Ang papalalang kalagayang panlipunan at pang-ekonomya ng mamamayan at matalas na di pagkakapantay ay tanda ng malalim na krisis ng naghaharing sistemang sosyal. Lalo itong nabubuyangyang ng krisis ng naghaharing sistemang pampulitika at paghantong nito sa lantarang pasistang pamumuno.
Ipinailalim ng rehimeng Duterte ang buong bansa sa hindi deklaradong batas militar simula Disyembre 2018 sa pamamagitan ng Executive Order 70, kasama ng Mindanao martial law at Memorandum Order 32. Ang buong reaksyunaryong estado ay isa na ngayong huntang sibil-militar sa porma ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na pinangungunahan ni Duterte at dating AFP chief Gen. Hermogenes Esperon. May lambat ito ng mga regional task force na pinamumunuan ng mga aktibo at retiradong upisyal miltar at pulis. Ang buong reaksyunaryong estado sa pagtitimon ng mismong punong ehekutibo ay nakatuon ngayon sa kontrainsurhensya sa paraang di pa nagawa mula panahon ng diktaduryang Marcos. Sa pamamagitan ng intimidasyon (red-tagging at pagsangkot sa droga) at banta ng pagpatay, ang mga lokal na upisyal ng gubyerno, maging mga husgado ng mga korte, ay pinipilit na magsilbing utusan para sa tulak ng AFP ng pagsupil at maging bahagi ng AFP “persona non grata” na kampanya laban sa BHB at mga organisasyong may pang-masang oryentasyon.
Ang liberal na ganyak ng naghaharing sistema ay unti-unting natutunaw sa pagkuha ng buong kontrol ni Duterte sa buong reaksyunaryong sistemang pampulitika. Sa nagdaang nilabusaw na eleksyon, minanipula ng pagkontrol sa sa demakinang sistema ng pagbibilang, nakuha ni Duterte ang mayorya sa Sendo at Mababang Kapulungan. Ang mga progresibong pwersa sa Kongreso ay itinataboy palabas ng Batasang Pambansa at walang puknat na inaatake at nireredtag. Kalakhan sa mga husgado ng Korte Suprema ay itinalaga ni Duterte.
Nahuhubad ang kabulukan ng reaksyunaryong estado habang ang mga burukrata-kapitalista at mga sindikatong kriminal ay nagsisikuhan para sa mas malaking parte sa mga operasyon sa ilalim ni Duterte. Nalantad ang huwad na gera sa droga ni Duterte na pumatay sa ilampung libong ordinayong mamamayan ng pagkakasangkot ng mataas na opisyal ng pulis sa pagre-recycle ng droga. Layunin lamang ng gera sa droga ni Duterte na itatag ang pamumuno niya sa bentahan ng iligal na droga sa bansa.
Sa mga syudad at sentrong bayan, naglunsad ng tuluy-tuloy na atake ang rehimeng Duterte laban sa ligal at demokratikong mga organisasyong maka-masa gamit ang red-tagging, pagmamanman at intimidasyon, pag-aresto at pinatagal na detensyon, pagsampa ng gawa-gawang kaso, at ekstrahudisyal na pagpatay. Ang mga atake ay matindi sa mga pagawaan, kampus, at mga komunidad ng maralitang lunsod. Mahigit 600 na ang bilanggong pulitikal ngayon, mahigit kalahati nito ay inaresto mula 2016. Sa kanayunan, walang tigil ang mabangis na pasistang atake ng rehimen sa masang magsasaka. Inilulunsad ito sa mga lugar na may malakas na pagtutol sa pagmimina, plantasyon, at iba pang nakasisirang proyekto na may interes ng malalaking korporasyon.
Ginamit nito ang todo-largang terorismo ng estado para pilitin ang mamamayan na isuko ang kanilang demokratikong karapatan at supilin ang kanilang pakikibaka para sa lupa at para itaguyod ang kagalingangn pang-ekonmya. Buu-buong komunidad ng mga magsasaka na nagtatanggol sa kanilang karapatan at kagalingan ang ginawang iligal at ipinailalim sa pagsupil militar. Tadtad ng hindi bababa sa 730 detatsment at kampo ng paramilitar at regular na tropa ng AFP at pwersang panlaban ng PNP, kalahati nito simula nang ipataw ang martial law noong 2017, ang mga komunidad sa kanayunan at mga interyor na lugar sa Mindanao. Ang mga sibilyan ay inaakusahang sumusuporta sa BHB at pinagbabantaang arestuhin o patayin kung hindi makikipagtulungan sa AFP. Para lokohin ang mamamayan, iprinisinta ni Duterte ang sarili bilang kampyon ng reporma sa lupa, namahagi ng mga walang silbing titulo, sa desperasyong hamigin ang suporta ng magsasaka mula sa mga BHB. Dagdag dito, ipinatutupad ng AFP ang binubuhusan ng pondo ng pondo at batbat sa korupsyon na E-CLIP na may pangakong P50,000 para sa sinumang “sumurender,” sa desperasyong ikubli ang malalim na panlipunan at pampulitikang ugat ng armadong tunggalian.
Ang pangmatagalang layunin ng rehimeng Duterte sa kampanyang pagsupil laban sa masang magsasaka ay ihiwalay ang hukbong bayan at ilagay ito sa purong sitwasyong militar, pwersahin ang BHB sa makikipot na lagusan sa mahihirap na tereyn upang ipitin ito sa nakapokus na mga opensibang militar gamit ang superyor na pwersang militar. Lubusang ginamit ang taktikang ito sa Mindanao simula 2017 at isinasagawa na ngayon sa ibang bahagi ng bansa. Gumamit ang AFP ng walang-humpay na pambobombang artileri at panghimpapawid (mga rocket at 500-librang bomba na isinusuplay at pinondohan ng US military) at istraping sa mga malapit sa mga komunidad ng mga sibilyan para takutin at pahinain ang determinasyong ng masa at ng mga Pulang mandirigma na lumaban.
Ang mga opensiba ng kaaway ay malawakang binigo ng BHB. Ang hukbon bayan ay gumamit ng mga taktikang gerilya ng konsentrasyon, dispersal at paglilipat at ng malalim at malapad na suporta ng masang magsasaka at mamamayang minorya. Ang mga yunit ng BHB ay matagumpay na nakakontra-maniobra at nakapaglunsad ng mga taktikal na opensiba. Sa unang hati ng 2019, mahigit 353 ang kaswalti (252 killed-in-action) ng AFP sa Mindanao, ibig sabihin, hindi bababa sa isang batalyong ng pasistang tropa ang nalupig.
Dalawang taon matapos makaisang-panig na wakasan ang pakikipag-usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP), muling binuksan ng rehimeng Duterte ang daluyan para sa posibleng pagbalik ng usapan. Habang nanatiling mapagbantay sa tusong rekord ng pasistang rehimen sa nakaraang serye ng usapan, at batid ang katotohanang ang buong bansa ay nakapailalim sa hindi deklaradong batas militar sa pamamagitan ng EO 70, tinanganan ng NDFP ang isang prinispyadong nanindigan and NDFPtindig at tinanggap ang paglapit ng mga kinatawan ni Duterte. Inulit ng NDFP ang tindig nito na kinakailangang igalang ang mga naunang kasunduan at kinakailangang harapin sa darating na pag-uusap ang mga sosyo-ekonomikong ugat ng armadong tunggalian. Batid nito ang panawagan ng malawak na hanay ng masang Pilipino para sa ganap na reporma para wakasan ang de facto batas militar. Positibong tinugunan ng pamunuan ng Partido ang rekomendasyon ng NDFP panel na magdeklara ng unilateral na tigil-putukan mula Disyembre 23 hanggang Enero 7 para bigyang-tulak ang usapang pangkapayapaan at hikayatin ang suportang masa.
Ang umiiral na sosyo-ekonomikong krisis at ang masidhing pang-aapi at pagsasamantala sa mamamayan ay patuloy na lumilikha ng mga kundisyong pabor at kailangang para maglunsad ang sambayanan ng lahat ng anyo ng rebolusyonaryong pakikibaka. Batid ang mga kundisyong ito, dapat pag-ibayuhin ng Partido at ng lahat ng rebolusyonaryong pwersa ang kanilang pagsisikap para pukawin, organisahin at pakilusin ang milyun-milyong mamamayang Pilipino.
Sa mga lunsod, tiyak na darami ang mga welga ng mga manggagawa at ang iba pang porma ng demonstrasyon ng mga pampublikong manggagawa sa kalusugan, guro at empleyado habang lalong nagiging kagyat ang panawagan nila para sa mataas na sahod at seguridad sa trabaho sa harap ng tumataas na halaga ng pamumuhay at papabagsak na kalagayang panlipunan. Patuloy na iigting ang aktibismo sa hanay ng mga estduyante bilang tugon sa tumataas na halaga ng eduksayon at tumitinding atake ng mga pasistang ahente ng estado sa karapatang pangkampus. Sa kanayunan, ang ligalig ng mga magsasaka ay patuloy na lalawak at sisiklab sa mga protestang masa sa harap ng malawakang krisis na resulta ng pagkawala ng lupa, liberalisasyon ng importasyon ng bigas, pagpapalit-gamit ng lupa, maramihang pagkawala ng trabaho at pagsasaisantabi ng estado sa kalagayan ng mamamayan. Sa kabuuan, ang bandila ng patriyotismo ay patuloy na mamamayagpag sa harap ng agresibong pangangamkam ng malalaking dayuhang negosyo sa yamang-dagat at lupa ng bansa. Walang humpay na iigting ang pakikibaka ng mamamayan para sa demokrasya sa harap ng walang-lubay na pasistang panunupil.
Kinakailangang patuloy na lahatang-panig na palaksin ng Partido ang kanyang sarili—sa ideolohiya, pulitika at organisasyon, alinsunod sa Limang Taong Programa ng Komite Sentral. Dapat masigasig na pag-aralan at ilapat ng Partido ang Marxismo-Leninismo-Maoismo sa lahat ng larangan ng gawain, magsuma ng mga karanasan, ugatin ang mga dahilan ng kahinaan at kakulangan, at ibayong paunlarin ang mga pamamaraan sa paggawa at pamumuno. Kinakailangang palaparin at palalimin ng Partido ang pag-ugat sa masa para epektibong makapamuno sa mamamayan sa kanilang mga demokratikong pakikibaka at lahat ng porma ng rebolusyonaryong paglaban, at isustine at iabante ang digmang bayan sa mas mataas na antas.
Sa mga lunsod, dapat patuloy na itayo ng Partido ang mga sangay nito sa hanay ng mga manggagawa, malaproletaryado at petiburgesya. Dapat paigtingin ng malawak na masa ang pakikibaka para sa demokratikong reporma, palakasin ang panawagan para sa mas mataas na sahod at sweldo, seguridad sa trabaho, at dagdag na subsidyo para sa pampublikong kalusugan at edukasyon. Kasabay nito, dapat nilang itaas ang patriyotismo ng mamamayan sa pamamagitan ng pag-uugnay at pag-aangat ng demokratikong pakikibaka ng sambayanan sa usapin ng imperyalistang dominasyon at pangangailangang ipagtanggol ang soberanya at patrimonya ng bansa.
Kinakailangang patuloy na palakasin ng Partido ang BHB at isulong ang digmang bayan sa paraang komprehensibo. Habang nakapanindiganakapagpunyagi ang BHB laban sa todong-gera ng kaaway, dapatkinakailangang din nitong magbigyang-pansin ay ang tensyon sa higit na konsolidasyon para mapangibabawan ang mas malalaking atake ng kaaway sa hinaharap. Dapat palakasinaigtingin ng Partido ang pagsasanay sa pulitiko-militar ng kanyang mga kadre nito at mga Pulang mandirigma ng BHB para higit na pandayin ang kanilang disiplina at determinasyon, iangat ang kapasidad ng hukbong bayan para magsagawa ng malaganapasaklaw at magiting naat masidhing pakikidigmang gerilya at itaas ang kakayahan sa pagpukaw, pag-organisa at pagpapakilos sa paparaming bilang malawak na hanay ng malawak na masang magsasaka sa paparaming bilang.
Dapat mahusay na mapakilos ng Partido, ng BHB at ng lahat ng rebolusyonaryong pwersa sa kanayunan ang masang magsasaka, patikasama na ang mga malasemiproletaryado sa kanayunan, sa isang malawakang kilusan para isulonglunsad ang minimum na programa sa reporma sa lupa ng Partido at tugunan ang kagalingan ng mamamayan. Kung mas magiging masaklaw ang kilusang masang ito, mas makapagpapalawak ang BHB at mapalalapad ang teatro para sa paglulunsad ng armadong pakikibaka. Sa pag-Kung maaabot ito, magagawa nating biguin ang layunin ng kaaway na ihiwalay ang BHB at patahimikin ang masa. Kung gayon, kinakailangang maging mahusay ang Partido at BHB sa panlipunang pagsusuri, pagbibigay pansin sa malalaki at maliliit na problema ng mamamayan, at pakikipagtulungan sa masa para itaas ang kanilang kolektibong kapasidad para makibaka para sa kanilang panlipunan at pang-ekonomikong panawagan.
Dapat nating likhain ang malawak na kilusang anti-imperyalista at antipyudal para labanan ang pagkamkam at pagdambong ng mga korporasyong multinasyunal sa yaman at patrimonya ng bansa. Dapat labanan ng sambayanang Pilipino ang mapang-aping mga patakarang neoliberal at kundisyon sa utang na ipinapataw ng dayuhang malalaking bangko, kapwa yaong naka-ugnay sa China at sa mga imperyalistang US. Dapat nilang itaas ang kahilingan para sa tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon bilang mga susing patakaran para lutasin ang pamalagiang krisis ng naghaharing sistema.
Dapat din nating ilantad ang ugnayan sa pagitan ng tumitinding paggamit ng pasistang karahasan ng rehimeng Duterte para magsilbi sa interes ng dayong mga korporasyong multinasyunal, at malalaking kumpanya sa mina, agribusiness at enerhiya. Dapat militanteng makibaka ang sambayanang Pilipino para sa demokrasya at labanan ang kampanya ng panunupil ng rehimeng US-Duterte. Dapat pagbuklurin ng Partido at lahat ng demokratikong pwersa ang sambayanang Pilipino sa isang malapad na nagkakaisang prente para igiit ang katarungan para sa lahat ng biktima ng pasistang karahasan ng estado at makibaka para wakasan ang tiranikong rehimen.
Optimistiko ang Partido na patuloy na paiigtingin ng sambayanang Pilipino ang kanilang demokratiko ay rebolusyonaryong pakikibaka sa darating na taon. Tiyak na lalo pang mahihiwalay si Duterte dahil sa kanyang nga krimen, korupsyon at pag-abuso sa kapangyarihan. Mabilis na nalalantad ang pasistang mga kasinungalingan ng rehimeng Duterte sa harap ng lumalalang krisis ng naghaharing sistema at pagdurusa ng sambayanang Pilipino. Lalong lumilinaw ang pangangailangang magsulong ng pambansa-demokratikong rebolusyon. Wakasan ang de facto martial law at pasistang paghahari ng teror ni Duterte! Makibaka para sa pambansang demokrasya! Isulong ang digmang bayan! Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas! Mabuhay ang sambayanang Pilipino!