Pambobomba sa Lidong, Dagang, Caramoan, Tuntungan para sa Pinatinding RTFECI sa Rehiyong Bikol

 

Tumitilaok na parang tandang si Maj. Ricky Anthony Aguilar sa paghahambog sa matagumpay diumanong taktikal na opensiba ng Bagong Hukbong Bayan kahapon, Agosto 13, alas-dos ng hapon sa Lidong Dagang, Caramoan. Sa loob ng isa’t kalahating oras, isinagawa ng 83rd IB at Air Force of the Philippines ang pinakamagastos na moro-moro sa kasaysayan ng 9th ID ngayong taon. Daig pa ang pangbiyernes na edisyon ng Ang Probinsyano ni Coco Martin, binomba ng helicopter at pinagbabaril ng mga elemento ng militar ang mahawang bulubundukin ng nasabing baryo – – nang walang BHB sa target na lugar.

Iyan ba ang ipinagmamayabang nilang presisong operasyon, husay ng kagamitang militar at suporta sa masa? Saan magtatago ang walumpung Pulang mandirigma matapos ang pambobomba at pagpapaulan ng bala? Bakit bakas lamang ng dugo ang naiwan sa lugar gayong itinodo nila ang kanilang lakas militar?

Totoong sa bibig nahuhuli ang isda. Malinaw na ligalig at takot ang pangunahing tunguhin ng pahayag ni Aguilar upang bigyang matwid ang paglalatag at pagpapatupad ng MO32 at EO70 sa rehiyon.

Nananawagan ang TPC sa lahat ng kagawad ng midya at mga tagapagtaguyod ng karapatang tao na suportahan ang mga Caramoanon na ilabas sa madla ang mga tunay na pangyayari sa lugar upang mapanagot ang 83rd IB at Air Force of the Philippines sa hatid nitong terorismo sa bayan ng Caramoan at mga karatig bayan nito ng kanilang mga residente at pigilan ang malaganap na pinsala sa buhay at kabuhayan ng sibilyang junta sa ilalim ng MO32 at EO70.

Pambobomba sa Lidong, Dagang, Caramoan, Tuntungan para sa Pinatinding RTFECI sa Rehiyong Bikol