Panagutin ang 203rd Brigade at PNP-Pinamalayan sa panghaharas sa pamilya Andal!
Noong Agosto 15-19, apat na araw na isinailalim ng 203rd Brigade at PNP-Pinamalayan sa iligal na house arrest ang pamilya Andal at kasambahay nila. Hinaras, tinakot at binantaan ang pamilya at pilit na pinasusuko ang kasama nila sa bahay na 17 taong gulang na si Karla May Rivera. Si Karla May Rivera ay estudyante ng Pinamalayan National High School.
Dahil sa ginawa ng mga pulis, nagdulot ito ng matinding takot sa menor de edad at may-ari ng bahay na tinutuluyan nito. Naapektuhan ang pakikisalamuha ni Karla May sa kapwa niya kabataan at ang hanapbuhay ng mag-asawa sa takot na basta na lamang sila dukutin.
Hindi makatarungan ang karahasang ito ng PNP-Pinamalayan. Naganap pa ito sa panahong hikahos na hikahos ang lahat dulot ng pandemyang COVID-19. Lalo lamang nitong pinabibigat ang patung-patong na kahirapang dinaranas ng mamamayan.
Sa ngalan ng NDF-Mindoro, nananawagan kami sa mga mapagmahal sa mamamayan ng Pinamalayan, mapagmahal sa kapayapaan at katahimikang grupo at indibidwal na tulungan ang pamilyang Andal upang makamit nila ang katarungan sa kanilang sinapit. Magkaisa at kumilos laban sa karahasan! ###