Panagutin ang Duwag na Pasistang si Duterte!
Kinukundena ng Kabataang Makabayan DATAKO ang naganap na mala-Tokhang na pagpatay at iligal na pag-aresto sa mga aktibista sa Timog Katagalugan (TK).
Kahapon, hindi bababa sa anim na aktibista ang marahas na pinaslang at siyam naman ang inaresto sa operasyon ng mga pulis at militar laban sa mga ligal na demokratikong organisasyon sa TK. Bago pa man ang sunod-sunod na pagpaslang ay aktibo na si Duterte at ang kanyang mga kasapakat sa panreredtag, pamemeligro at pagsampa ng mga gawa-gawang kaso sa mga progresibong organisasyon sa buong bansa.
Kung sa Kordilyera, inaasahan ang papalalang atake na kamukha ng sa Timog Katagalugan sa paglabas ng resolusyon ng Regional Law Enforcement Coordinating Council – Cordillera. Hinihingkayat nito ang mga LGU na maglunsad ng “tokhang-style” operations laban sa “left-leaning personalities.’ Dagdag pa dito ang kampanayang ipersona non-grata ang 25 na ligal at lehitimong mga organisasyon na nasa kanilang listahan. Mayroon ding pagbabanta ang Police Regional Office ng Cordillera noong sinabi nilang mayroon na silang 300 na indibidwal sa kanilang “tokhang list”. Para mabigyang katuwiran ang sunod-sunod na pagpatay ay patuloy ang kampanyang pagmukhaing demonyo ang mga kritiko ng rehimen.
Ang malawakang pagpaslang at pagaresto ay marka ng mas papataas na krisis sa bansa na gustong pagtakpan ng rehimen sa mukha ng pasismo. Imbes na solusyonan ang mga problemang kinakaharap ng bansa ay inuuna pa ni Duterte ang paghahabol sa pagtatapos ng kanyang termino upang masigurong ang mga kasapakat niya ang hahalili sa pwesto. Wala ni isa sa mga pangako ni Duterte ang natupad. Matapos ang isang taon ay mayor pa ring problema ang pandemya; nanatiling gutom at sadlak sa hirap ang mamamayang Pilipino. Patuloy ang inhustisya sa bansa at malinaw na dahil dito kaya paparami ang sumasapi sa Bagong Hukbong Bayan!
Walang ibang pinatunayan ang mga atakeng ito kung hindi ang kabulukan ni Dutere bilang nangungunang terorista. Ginagamit niya ang kanyang mga mersenaryong AFP at PNP para takutin ang mamamayan. Ngunit sa pagpatay ng mga sibilyan, ang tunay na mensahe ni Duterte ay isa lamang siyang duwag na pasista. Kung tunay siyang matapang, nariyan ang tunay na hukbo ng mamamayan na handang handang harapin nang patas ang kanyang mga tutang pulis at sundalo.
Sa kagustuhan ni Duterte na pagtakpan ang korapsyon, pasismo, at kapabayaan niya sa pagharap sa pandemya ay papapalala din ang atake sa mamamayan. Hamon sa lahat ng kabataang makabayan na mas pagalabin ang paglaban. Ilaan ang buong talino, lakas at sikhay para pagbayarin si Duterte at ipagtagumpay ang pambansa demokratikong rebolusyon!