Panagutin ang rehimen sa lahat ng sala at krimen nito sa masang Pilipino! Wakasan ang paghahari-harian ng tiraniko! Duterte, wakasan na!

Sa araw ng huling State of the Nation Address (SONA) ni Duterte ay magiting na sinuong ng malawak na hanay ng mga demokratikong mamamayan ang mga lansangan sa iba’t ibang panig ng bansa para kalampagin ang gumuguhong palasyo ni Duterte at singilin ito sa lahat ng pagkakautang nito sa sambayanan.

Bitbit ng nagkakaisang tinig ng masang magsasaka, manggagawa, maralita, malaproletaryado, kabataan, at ibang sektor sa lipunan ang dumadagundong na panawagan para sa ganap na pagpapatalsik sa kapangyarihan ni Duterte at ng lahat ng kanyang kasapakat.

Ang sigaw ng Kabataang Makabayan at buong sambayanan: wakasan ang paghahari-harian ng rehimeng Duterte! Panagutin ang pasistang rehimen sa lahat ng pagkakasala nito sa masa!

.

Singilin si Duterte sa kriminal na kapabayaan sa gitna ng lumalalang pandemya at sunud-sunod na kalamidad!

Sa kabila ng nalalapit na pagtatapos ng tiranong Duterte, nananatiling walang silbi ang gubyerno nito sa pagharap at pagresolba sa krisis COVID-19. Pinili nitong maging bingi sa mga panawagan ng mamamayan para sa agarang solusyong medikal, at sa halip ay ipinag-bahala ang mga problemang kinakaharap ng bansa.

Higit pang ikinagagalit ng taumbayan ang pagwaldas ng rehimeng Duterte sa bilyun-bilyong inutang nito sa prente ng pagresponde sa pandemya. Sa pamamagitan ng Bayanihan 1 at 2, nabigyan ang diktador na si Duterte ng kalayaan na magdesisyon hinggil sa alokasyon ng pondo sa iba’t ibang proyekto o hakbangin na diumano’y tutugon sa kasalukuyang krisis pangkalusugan.

Gayunpaman, nanatiling lubhang kapos ang mga kagamitan para sa malawakang testing at mga pasilidad para sa epektibong isolation ng mga pasyente, mababa at hindi makatarungan ang sweldo ng mga manggagawang pangkalusugan, at walang nakitang pag-unlad ng sitwasyon sa mga pampublikong ospital kung saan patuloy na nagkakaubusan ng mga gamit, espasyo, at rumerespondeng medical frontliners panahong magkaroon ng pagsirit sa mga kaso ng COVID-19.

.

Kasabay nito, naghahasik ng lagim ang mga armadong berdugo ni Duterte na mahigit 1 milyon na ang naitalang sinita, hinaras, o binigyan ng ‘babala’ dahil sa mga paglabag sa protokol pangkalusugan tulad ng hindi pagsusuot ng face mask at face shield. Umaabot naman sa 42,000 ang inaresto sa parehong paglabag – kalakha’y umaaray sa dagdag gastusin na dala ng pangangailangan bumili ng mga personal protective equipment (PPE).

Imbis na tugunan ang suliranin ng bansa, ginagamit nitong sandata ang paghihirap at krisis na pinagdaraanan ng taumbayan para higit na isandal sa alanganin ang masang Pilipino.

Samantala, sa pagwawakas ng Bayanihan 2 ay nasa ₱18-bilyon ang tinatayang pondo sa ilalim nito ang hindi nagamit ng rehimen.

Kasabay nito, nag-astang bulag ang rehimeng Duterte sa mga pangangailangan ng mamamayan sa gitna ng tila walang pahingang hagupit ng mga sakuna sa bansa. Mula sa pagputok ng bulkang Taal nitong 2020 at muling pagbabadya nito kamakailan lamang, hanggang sa grabeng pinsalang dala ng malalakas na bagyo nitong nakaraang dalawang taon – ipinagkibit balikat ng diktador sa palasyo ang mga banta sa buhay at kabuhayan ng sambayanan.

.

Imbis na pagtuunan ng pansin ng rehimen ang pagpapaunlad sa larangan ng siyensya at pananaliksik at kahandaan para sa sakuna para maabagan ang pagkasirang idinudulot ng mga bagyo at iba pang kalamidad sa bansa, lalo lang nitong kinakaltasan ang pondong nakalaan para sa mga departamentong ito. Sa kabilang dako, patuloy na lumulobo ang badyet ng gubyerno para sa turismo at imprastraktura.

Kimi din si Duterte sa patong-patong na mga kaso ng kurapsyon na bumabagabag sa kanyang rehimen. Sa kabilang ng hambog nitong mga patutsada ukol sa ganap na pagwawakas sa kurapsyon sa burukrasya, patuloy itong nagtatapon ng pera sa mga proyektong tulad ng ₱389-milyon Dolomite sand sa Manila Bay at ₱50-milyon SEA Games cauldron noon 2019, habang wala pa ring ibinubunga ang imbestigasyon sa pandarambong sa PhilHealth na nagkakahalaga ng ₱15-bilyon.

.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa ₱11.07-trilyon ang pangkabuuang utang ng bansang Pilipinas – ang pinakamataas sa kasaysayan ng bansa.

Pagbayarin ang diktador sa sukdulang pagpapahirap sa masa at pagpapalubha sa krisis sa ekonomya at edukasyon!

Bagama’t pumostura bilang isang makamasang lider sa pagkakandidato, walang ibang idinulot si Duterte sa mamamayang Pilipino kung hindi ang lalong pagkasadlak sa hirap, gutom, at krisis mula nang maluklok ito sa poder noong 2016.

Lalo lamang nalantad ang kainutilan at kabulukan ng rehimen sa pagpasok ng taong 2020. Sa harap ng pagbabadya ng krisis pang-ekonomya dala ng pandemya at magkakasunod na mga sakuna sa bansa, walang nakitang anumang mapagpasyang hakbangin mula kay Duterte para solusyunan ang mga ito.

Ang militaristang lockdown sa buong bansa ay nagdulot ng grabeng pagkalugi sa libo-libong mga magsasakang napilitang itapon o ipamigay ang mga aning hindi maibiyahe patungo sa mga lunsod. Bilang resulta, mabilis at matarik ang naging pagsirit ng presyo ng gulay sa pamilihan.

Sa parehong panahon ay nagsimulang lumitaw ang mga unang senyales ng krisis sa suplay ng karneng baboy dahilan sa African Swine Fever (ASF).

Sa pagsisimula pa lang ng nakaraang taon ay meron nang pagtataya ang rehimeng Duterte na babagsak nang lubos ang suplay ng karneng baboy. Maaga pa lang ay nagkaroon ng ito ng pagkakataon na maglaan ng pondo at rekurso para mabawasan ang negatibong epekto sa ekonomya ng pagkalat ng ASF sa buong bansa.

Taliwala sa pag-uudyok ng buong bansa, tumanggi ang rehimen na magbigay ng nararapat na suportang pinansyal sa mga nag-aalaga ng baboy na apektado ng ASF – laluna sa mga magsasakang maliit lang ang operasyon – at hindi pinagtuunan ng pansin ang suliranin.

Hindi magtatagal ay lolobo ang presyo ng karneng baboy hanggang sa mahigit ₱400 – halos katumbas ng isang araw na sahod ng karaniwang manggagawang Pilipino.

.

Kasabay ng patong-patong na problema ng masa sa arawang pantustos at pangkain, makadagdag pasanin pa ang palpak na distance learning scheme ni Duterte na walang ibinunga kung hindi ang higit na gastos para sa mga kagamitang kinakailangan sa online classes at higit ding pangamba at kawalang katiyakan ng masang kabataan-estudyante.

Bagama’t tahi-tahing kasinungalingan ang isinusumbat ni Duterte hinggil sa panukala nitong ‘libreng matrikula’, ramdam ng mga mamamayan ang sumisidhing krisis sa edukasyon. Ngayong taon ay bumaba ng 2.8 milyon ang bilang ng mga mag-aaral ng primaryang edukasyon, samantalang tinatayang nasa 36% lamang ng mga junior high school ang nag-enrol bilang senior high.

Habang ipinipilit na ng rehimen ang pagbubukas ng ekonomya sa mukha ng turismo at mga negosyo, patuloy nitong ipinagkakait sa kabataan ang matagal na nitong panawagan para sa ligtas na pagbabalik sa mga eskwelahan.

Isakdal ang rehimen sa tahasang pagtatraydor at paglalako sa soberanya ng bansa sa imperyalistang bayan!

Salungat sa walang puknat na pakikibaka ng mamamayang Pilipino para sa kanyang karapatan at kagalingan, patuloy na ipinagkakanulo ng rehimeng Duterte ang kalayaan at soberanya ng bansa sa mga imperyalistang amo nito.

Mahigit limang taon na mula noong pagkapanalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration na naglilinaw na ang West Philippine Sea ay saklaw ng soberanong teritoryo ng bansa at exclusive economic zone (EEZ) nito. Gayunpaman, tila doble kayod ang papet na si Duterte para ipasawalang bisa ang makasaysayang desisyong ito.

.

Imbis na determinadong panghawakan ang Hague ruling at igiit ito laban sa patuloy na agresibong panghihimasok ng China sa teritoryo ng Pilipinas, pinipili ni Duterte na talikuran ito kapalit ng pagpabor ng isang imperyalistang amo at ng mahihitang pampulitikang bentaha sa kanyang layunin ng pagkonsolida at ibayong pagpapatibay sa kapit sa estado poder.

Ang numero unong nagdurusa sa epekto ng kataksilan ni Duterte sa sambayanang Pilipino ay ang masang mangingisda na nalalagay sa alanganin ang hanapbuhay sa kaligtasan dahil sa presensya ng maritime militia ng China na tumatayong guwardya ng malalaking barkong pangisda nito. Puno ng pangamba ang bawat pagpalaot ng mga mangingisda sa West Philippine Sea, laluna’t malinaw sa mga ito na wala silang maaasahang tulong at suporta mula sa rehimeng Duterte.

.

Ipinagmamalaki ni Duterte ang bakunang ‘donasyon’ ng China sa Pilipinas pero tikom ang bibig nito sa grabeng pagkasirang nililikha ng walang pakundangang pandarambong ng China sa soberanong karagatan ng bansa.

Humigit kumulang 3 milyong metriko tonelada ng isda ang ninanakaw ng China sa Pilipinas sa loob lang ng isang taon – ito ay pumapalo sa halaga ng ₱300-bilyon kada taon. Gayundin, lantaran ang pagtatayo nila ng mga pasilidad at istrukturang militar sa loob ng EEZ ng Pilipinas.

Panagutin si Duterte at igiit ang hustisya para sa lahat ng biktima ng diktadura at tiraniya ng rehimen nito!

Sa loob ng bansa, patuloy na dumadanak ang dugo ng masa sa kamay ni pasistang rehimen.

Kabaligtaran sa mga naunang pangako ni Duterte hinggil sa pagwawakas ng endo, pagpapatupad ng reporma sa lupa, at pagbibigay ng karapatan ng kabataan sa libre at kalidad na edukasyon, ang una niyang naging hakbang sa pagkakahawak sa kapangyarihan ay ang gera kontra droga na kumitil sa buhay ng libo-libong maralita sa buong bansa. Ito ang magmamarka ng simula ng walang humpay na kampanya ng karahasan ng rehimeng Duterte.

Sa loob ng nakaraang halos tatlong taon, ipinuwesto ni Duterte ang EO 70 para maging gulugod ng kanyang tiraniya at pasistang pamamalakad. Buhat sa pagkakabup ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ginamit ng rehimeng Duterte ang lahat ng kritiko, aktibista, progresibo, at oposisyon para pagtakpan ang sarili nitong mga krimen at pagkakasala sa masa.

Ito rin ang naging pundasyon ng Anti-Terror Act of 2020 na isang direktang atake at pagyurak sa mga demokratikong karapatan ng mamamayang Pilipino.

.

Binibigyan ng ATA ang estado ng kakayahan na ideklara bilang terorismo ang anumang gustuhin nito. Epektibo nitong binabaluktot ang batas at karapatan ng masa para gawing kriminal at parusahan ang anumang organisasyon, mga indibidwal, o mga aktibidad na nagbabantang biguin ang pasistang paghahari ni Duterte.

Pinanday ni Duterte ang kanyang gubyerno at kapangyarihan sa imahe ng hindi maikakailang diktadura. Ginasgas nito ang huwad na naratibo ng komunismo bilang nangungunang problema sa bansa para intimidahin ang ligal na kilusang masa, pakitirin ang mga demokratikong espasyo sa kalunsuran, at dahasin ang mga kabataan at mamamayan sa buong bansa.

Bagama’t tunog sirang plaka ang tiraniko – walang ibang bukambibig kung hindi ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), Bagong Hukbong Bayan (BHB), at buong rebolusyonaryong kilusan – sa tuwing humaharap sa madla, ang tinututukan ng buka ng baril ng mga pasistang galamay ni Duterte ay ang masa at mga sibilyan sa kanayunan at kalunsuran na patuloy na nakikibaka para sa kanilang mga karapatan at pangangailangan.

.

Hindi matanggal na mantsa ng dugo sa kamay ni Duterte, mga kasapakat nito sa administrasyon, Armed Forces of the Philippines (AFP), at Philippine National Police (PNP).

Ang kolektibong kamulatan ng masang Pilipino ay pinapaso ng alaala ng mga pinaslang ng rehimen sa Dolos massacre, Oplan Sauron sa Negros, Tumandok massacre, ST Bloody Sunday, Lianga massacre, at daan-daan pang mga biktima ng pampulitikang mga pagpatay.

Tuldukan ang pagdurusa ng sambayanan! Duterte, wakasan na!

Ang huling SONA ng diktador na si Duterte ang tuldok sa mahaba at masahol na salaysay ng pasismo, krimen, kasinungalingan, kurapsyon, at tiraniyang tampok sa mahigit limang taong pananalasa ng rehimeng ito.

Malinaw sa sambayanan ang pag-aasam ng pasistang diktador na takasan ang kabayaran sa kanyang mga krimen at pagkakasala sa pamamagitan ng patuloy na pananaig ng kanyang rehimen sa kapangyarihan.

Gayunpaman, hindi na papayag pa ang sambayanan na madugtungan ang naghihingalong buhay ng rehimen – ang rehimeng nagnakaw ng buhay at nagpadanak ng dugo ng libo-libong mamamayang Pilipino!

Sa paghihingalo ng pasistang rehimen, tungkulin ng lahat ng demokratiko at patriyotikong kabataan at mamamayan na lalong paigtingin ang pakikibaka para sa ganap na pagkadurog ng tiraniya ni Duterte. Mapagpasyang tanganan ang malawak na pagkakaisa ng masa sa pagtatapos ng bangungot na dinaranas ng sambayanan.

Higit sa lahat, hamon at panawagan sa lahat ng kabataang makabayan na tupdin ang makasaysayan nitong papel sa pagtubos at paniningil sa mga berdugo, pasista, at diktador, at lumahok sa armadong pakikidigma kasama ang Hukbo ng mamamayan.

Dinig na ang mga huling hininga ng pasistang rehimeng Duterte.

Duterte, wakasan na!
Patalsikin ang pasistang rehimen!
Sumampa sa Bagong Hukbong Bayan!

Panagutin ang rehimen sa lahat ng sala at krimen nito sa masang Pilipino! Wakasan ang paghahari-harian ng tiraniko! Duterte, wakasan na!