Panghahalihaw ng 62nd IB sa mga barangay ng Vallehermoso, Negros Oriental
Kasalukuyang nag-operasyon ang teroristang tropa militar sa ilalim ng 62nd Infantry Battalion Philippine Army na sinakop ang Sityo Suha, Brgy. Malangsa, Sityo Bogho, Brgy. Tabon sa bayan ng Vallehermoso, Negros Oriental.
Gayundin sa Sityo Binitibotan, Brgy. Calupaan at Sityo Kamunsil sakop ng Brgy. Hibaiyo, Guihulngan City.
Tinatayang mahigit sa 80 ang nasabing tropa na nagkampo sa mga komunidad at nang-iimbestiga sa mga residente.
Nangangamba ang mga naturang residente sa kanilang seguridad sapagkat nangunguna ang 62nd IBPA sa rekord ng paglapastangan sa karapatang pantao laluna ng mga sibilyan. Nananatiling sariwa sa kanila ang alaala ng madugong SEMPO/Oplan Sauron, pangbobomba sa kagubatan at lupang sakahan, pananakot, panlilinlang, pangtotortyur, pamamaslang at illegal na pag-aresto at pagkakulong ng mga inosenteng sibilyan.
Mariing kinokondena ito ng mamamayan ng kasama ang rebolusyonaryong kilusan sa Central Negros.
Hustisya para sa mga biktima ng Oplan Sauron at paglabag ng mga AFP at PNP sa karapatang pantao!