Parusahan ang mga pasistang kriminal sa likod ng maramihang pagpaslang sa Southern Tagalog
Read in: English
Para sa mamamayang Pilipino at rebolusyonaryong kilusan, kriminal ang mga pulis sa ilalim ng PNP-Calabarzon at pwersang militar sa ilalim ng Southern Luzon Command na tuwirang sangkot sa madugong maramihang pagpaslang noong Marso 7 sa siyam na lider manggagawa at magasasaka, at mga aktibsita sa Southern Tagalog.
Mayroong malawak na panawagan para sa hustisya at kahilingan mula sa iba’t ibang sektor para umaksyon ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) at parusahan ang mga kriminal na nagsagawa at utak ng mga pagpaslang sa Calabarzon, gayundin sa magkakasunod na masaker at pagpaslang sa Bicol simula Marso at koordinadong mga pagpaslang sa Panay at Negros.
Kaugnay ng pangkabuuang plano na bumuo ng mga yunit partisano para maglunsad ng piling mga taktikal na opensiba para parusahan ang mga pasistang kriminal, ang kinauukulang mga yunit ng BHB ay maaaring mag-inisyatiba para ilunsad ang mga aksyong ito sa lalong madaling panahon.
Dapat kagyat na likumin ng mga rebolusyonaryong pwersa at mamamayan ang lahat ng ebidensya at testimonya at isumite ang mga ito sa BHB. Lahat ng mga tauhan ng pulis at militar na nakapaloob sa mga yunit ng AFP at PNP na naglunsad ng madugong mga pagpaslang ay dapat matukoy at parusahan.
Batid namin na mayroong lumalaking bilang ng mga pulis at militar na nagrereklamo sa walang pakundangang mga krimen ipinagagawa sa kanila. Kaya naman, hinihimok namin ang lahat ng mga pulis at militar na hindi tuwirang sangkot ngunit pinilit na sumuporta sa mga kriminal na operasyong ito, na lumantad at magsilbing mga saksi. Kung nanaisin ninyo, hindi malalantad ang inyong pagkakakilanlan.
Subalit, ang mga nag-utos, nagdirehe at tuwirang nagsagawa ng mga pagpaslang ay hindi maaaring umiwas sa paniningil ng sambayanan. Kabilang sa mga ito si Duterte at ang kanyang pasistang pangkatin sa loob ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na sa katunayan, ay ang mga utak sa likod ng kampangyang ito ng maramihang pagpaslang.
Nais tiyakin ng Partido at rebolusyonaryong kilusan ang malawak na masang manggagawa at magsasaka na ang mga krimen ng pasistang rehimeng US-Duterte ay hinding-hindi palalampasin. Gagawin ng Bagong Hukbong Bayan ang kanyang makakaya para tulungan ang mamamayan sa kanilang paghahanap ng hustisya.