Parusang-Kamatayan Kay Lusing Ibarle Ipinatupad, Gayundin Sa Malisyosong Kalakasan ni Magsie Peña Kinokondena ng LPC-NPA
Batay sa masusing imbestigasyon at paghuhusga ng rebolusyonaryong Korte ng mamamayan, tagumpay na ipinatupad ang parusang kamatayan kay Lusing Ibarle, residente ng So. Bongao, kahapon Marso 26, 2019 alas 4:00 ng hapon, sa So. Bongao, Brgy. Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental.
Si Lusing ang nahaharap sa kasong murder sa pagpatay at pagtadtad sa katawan ni George Landisa noong taong 1997. Dinesisyunan na palayasin sa kanilang baryo sa loob ng isang taon dahil hindi ito umamin sa nagawang krimen sa rebolusyonaryong Korte noong 2017. Lumabag sa probisyon ng kaniyang kaso dahil bumalik sa nasabing lugar na wala pa sa itinakdang panahon. Gayundin nahaharap sa kasong pagnanakaw sa pagnakaw ng alagang baka ng pamilya Seropil, at nahuli mismo ng mga nakakilala na binenta ito sa halagang Php. 14,000.00. At marami pang mga naging biktima sa kaparehong kaso ang nasabing pinarusahan sa krimen.
Sa kabilang banda, lubos na kinokondena ng LPC-NPA ang kalakasan ni Magdaleno “Magsie” Peña, alkalde ng Moises Padilla, Negros Occidental sa panggigipit katulad sa nangyari kay Kgwd. Junjun Opiar at iba pang opisyal ng Brgy. Macagahay sakop ng nasabing bayan para gamiting witness sa pagpatay kay Nonong Grande, laban sa kalaban niya sa pulitika na sina Ian Villaflor at Ella Garcia- Yulo, Bise- alkalde at tumatakbo sa pagka-alkalde sa paparating na mid-term election. Nagpapakita lamang ito ng sobrang pagkadesperado ni Peña na dominahin ang buong sakop ng Bayan.
Gayundin, mahigpit na kinokondena ng rebolusyonaryong kilusan ang hindi makatarungang pag-aresto kay NDFP Consultant ng Negros Island Ka’ Frank Fernandez at sa 2 pa niyang kasamahan kag sa malisyoso at panay kasinungalingang mga pahayag ni Peña na pinabayaan ng NPA si Ka’ Frank sa kaniyang nakakaawang kalagayan sa kaniyang ipinagmamayabang na “harap-harapan na pagkikita” sa consultant. Gayundin, sa pag red-tag nito sa mass media katulad ng pamamaratang sa Aksyon Radyo na mga NPA sa isa niyang panayam.
Kahit ilan pang mga NDFP consultant ang maaaresto katulad ng illegal na pagdakip kay Frank Fernandez at sa iba pa, segurado ang LPC-NPA na magliliyab at magpapatuloy pa rin ang armadong rebolusyon sa isla ng Negros. Ilunsad ang laganap at magpunyagi sa mga taktikal na opensiba para sa pangdepensa at pagkamit sang tunay na hustisya para sa malawak na sambayanan!
Isulong ang armadong pakikibaka hanggang sa maabot ang tunay na tagumpay!