Patuloy na pananalasa ng teroristang 2nd IBPA, MICO at PNP Masbate sa ilalim ng Oplan Kapanatagan bilang pampalit sa Oplan Kapayapaan ng pasistang diktadurang rehimeng US-Duterte na ang mga biktima ay mahihirap na magsasakang Masbatenyo sa kanayunan
Kaisa ng masang Masbatenyo ang Jose Rapsing Command (JRC-BHB Masbate) sa pagkundina sa nagpapatuloy at tumitinding militarisasyon sa walong(8) mga barangay, (Dalipe, Panan-awan, RM. Magbalon, Guiom, Taberna, Cabayugan, Calumpang at Iraya) sa bayan ng Cawayan, Masbate. Ito ay malinaw na paglabag sa karapatang tao ng mga residente na mabuhay ng mapayapa at ligtas sa anumang kapahamakan, ngunit lansakang itong linalabag ng mga sundalo at pulis sa ilalim ng Oplan Kapanatagan na kumbinasyong 2nd IBPA, MICO at PNP Masbate na pinamumunuan ni Sgt. Rico Amaro (@ Puma) ng MICO.
Ilang kabahayan sa So. Jamorawon, Brgy. Dalepe at Brgy. Rm. Magbalon ang pnasok at kinuha ang mga personal na gamit, kabilang ang 80 kaban ng palay, alagang hayop at perang nagkakahalaga ng P11,000.00.
Pwersahan nilang pinasok ang mga bahay nina Rosemarie Guererro, Nilo Guererro, Jr., Nilo Guererro, Sr.,Baby Baybayon, Rosa Baybayon, Baby Empas at iba pang residente. Walang magawa ang mga residente habang tinatangay ng mga sundalo at pulis ang kanilang personal na kagamitan. Ayon pa sa mga residente ay kasa-kasama parati ng mga sundalo at pulis sa pag-iikot ang punong barangay ng Brgy. Dalepe na si Boyet Besana na dating kasapi ng Philippine Army.
Ayon sa ulat koresponsal ng mga yunit ng JRC-BHB sa lugar ay iniikot ng mga sundalo at pulis ang walong barangay para hikayatin ang mga punong barangay nito na pirmahan ang Memorandum of Agreement (MOA) at binababalaan ang mga residente na huwag sumali sa mga rally.
Para sa kaalaman ng mga Masbatenyo, ang mga ninakaw na mga palay at alagang hayop ang siyang ginagamit na kunsomo ng mga sundalo at pulis sa kanilang operasyon. Nakakalungkot lang isipin na ang mga magsasakang lumilikha ng pagkain ng mga Pilipino ang siya ngayong walang makain dahil sa kagagawan ng mga gutom at tulisang sundalo at pulis.
Nananawagan ang JRC-BHB Masbate sa mga nanalong kandidato na tulungan ninyo ang mga biktima ng pang-aabuso ng mga sa sundalo at pulis dahil ang ugat ng kaguluhang ito ay ang nakaraang eleksyon kung saan natalo ang kandidatong mayor na sinusuportahan ni PB Boyet Besana ng Brgy. Dalipe, Cawayan. Nananawagan din ang JRC-BHB Masbate sa lahat na mga Masbatenyo na ilantad ang lahat na pang aabuso sa karapatang tao ng mga pasistang kasundaluhan at kapulisan.