Pekeng pagpapasuko pinagmumulan ng korapsyon
Translation: Bisaya
Ang nabunyag na modus ng 11th IB na pagpapasuko ng mga sibilyan sa kanayunan sa pamamagitan ng paglilinlang at pananakot ay pinagmumulan ng korapsyon.
Ito ang pahayag ni Ka Estrella Banagbanag, tagapagsalita ng RMPC-NPA Southeast Negros, matapos maiulat ng media na may 40 milisya ng NPA ang sumuko at nakatanggap ng benepisyo sa pamamagitan ng E-CLIP.
“Ang pinalabas na sumuko na NPA ay mga karaniwang sibilyan na nalinlang ng mga livelihood programs na ipinatutupad sa ilalim nga Community Support Program ng NTF-ELCAC (National Task Force to End Local Communist Armed Conflict) at mga na-blackmail na gagawaran na warrant o tokhangin nga militar. Marami sa tumanggap sa proyekto ay walang ka-alam-alam na naisali ang kanilang pangalan sa listahan ng mga sumuko,” ani Banagbanag.
Ayon sa iniulat ng media nakatanggap ang bawat isa sa sinasabing sumuko na aabot sa P10,000 na cash assistance.
Pero ayon sa probisyon ng 2018 IRR (Implementing Rules and Regulations) ng E-CLIP (Enhanced Comprehensive Local Integration Program) bawat isa na susuko ay makatatangap ng P50,000. Ibig sabihin, aabot ang lahat ng P2,000,000. Ang naibigay ng militar ay aabot lang sa P400,000. Kulang ito ng P1.6 milyon.
Samantalang may probisyon naman ang IRR ng E-CLIP na nagbiibigay sa unit na hahawak sa sumuko ng 21,000 kada tao para sa board & lodging. Suma total P840,000 ang makuha ng militar. Pero hindi ito napunta sa sinasabing milisya dahil pinauwi lang sila sa kani-kanilang bahay.
Sa kabuoan, aabot sa P2,440,000 ang naibulsa ng militar galing sa peke na pagpapasuko.###