Pekeng Engkwentro sa San Fernando Camarines Sur
Matapos ang SONA ni Duterte nitong nakaraang buwan at kasunod ng nalalapit nitong pagtatapos ng kanyang termino, sunud-sunod ang pekeng engkwentrong hinahabi ng mga yunit ng sundalong AFP-PNP-CAFGU partikular sa Bikol.
Kahapon, August 9, nagpalabas muli ng pekeng balita ang sundalong AFP partikular sa Camarines Sur. Nagkaroon diumano ng engkwentro sa pagitan nila at ng yunit ng NPA sa Brgy. Tagpukol, San Fernando, Camarines Sur. Pinalabas na napatay dito ang isang Arnel Olitoquit, finance officer diumano at nasa pamumuno diumano ng isa pang Randy Olitoquit. Walang yunit ng NPA sa lugar na nabanggit.
Dagdag na naman ito sa listahan ng kanilang “accomplishment”, peke man o hindi, kasunod nitong kukubrahin ang halagang katumbas ng mga ganitong pangyayari. Ito ay ayon sa kanilang mapanlinlang na NTF-ELCAC/PTF-ELCAC. Walang anumang idinudulot na katiwasayan ang NTF-ELCAC kundi militarisasyon, batas-militar na patakaran at mga paglabag sa karapatang tao ang hatid nito sa mamamayang nagsisikap mabuhay at makatawid-gutom sa kanilang araw-araw na pamumuhay dahil sila’y matagal nang pinabayaan ng rehimeng US-Duterte.