Pinakamataaas na pagpupugay at pulang saludo kay Felina ‘Nieves’ Mendres, rebolusyonaryong huwaran at bayani ng sambayanang Pilipino
Ipinapaabot ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-National Democratic Front of the Philippines (PKM-NDFP) ang pinakamataas na pagkilala at pagpupugay kay Felina ‘Nieves’ Mendres, 63 taong gulang — lider kababaihan mula sa sektor ng mga magsasaka at mangingisda.
Nakikiramay ang PKM-NDFP sa naiwang pamilya, mga kaanak, mga kasamahan at kaibigan ni Ka Nieves. Isang malaking kawalan sa rebolusyonaryong kilusan si Ka Nieves.
Bilang isang huwarang rebolusyonaryo, nagsisilbing halimbawa si Ka Nieves sa mga kapwa rebolusyonaryo at aktibista, lalo na sa mga kabataan na lubos na humahanga sa kanyang rebolusyonaryong aktitud, mabuting ugali at puspusang pakikibaka.
Inilalarawan siya bilang masipag, determinado at masigasig na kasama na walang pagod na gumagampan sa lahat ng kanyang mga gawain.
Si Ka Nieves ay isang mahusay na organisador na nagsimula sa hanay ng mga kababaihang magbubukid sa Visayas noong dekada ‘70s hanggang sa huli niyang gawain na pag-oorganisa ng mga mangingisda sa Cavite at Navotas. Mataas din ang kakayanan ni Ka Nieves sa alternatibong panggagamot at gawaing pangkalusugan na kanyang ginagamit sa pag-oorganisa at pag-aalaga sa mga kasama at masa.
Isang masayahing kasama si Ka Nieves na palaging may alay na mapagkalingang ngiti sa mga kasama at masa. Pinakasamaya siya sa piling ng masang anakpawis na kanyang pinag-alayan ng kanyang buong buhay.
Ibaling natin ang pagdadalamhati dulot ng biglaang pagpanaw ni Ka Nieves sa ibayong rebolusyonaryong lakas upang higit na palakasin ang rebolusyonaryong kilusang magsasaka, paigitingin ang pakikibang anti-pyudal at anti-pasista sa buong kapuluan.
Pag-ibayuhin pa ang rebolusyong agraryo at armadong pakikibaka upang pahinain hanggang sa gapiin ang mga panginoong maylupa, burgesya kumprador at mga buhong na imperyalista.
Mabuhay ang rebolusyonaryong alaala ni Ka Nieves!
Mabuhay ang rebolusyong Pilipino!