PNP-SAF at PA Nagtamo ng Kaswalti sa Bigong Strike Operation sa yunit ng BHB-West Camarines Sur
Dalawa ang patay at dalawa ang sugatan sa hanay ng pinagsanib na pwersa ng PNP-SAF at Philippine Army nang biguin ng yunit ng BHB-West Camarines ang kanilang strike operation sa Brgy. Tigman, Sipocot Camarines Sur. Ang limang minutong sagupaan ay naganap noong Marso 4, 2021 bandang alas 11:11 ng tanghali.
Nasa tabi ng baryo noon ang isang yunit ng BHB para himukin ang masa para sa organisadong pagharap sa pandemyang Covid-19. Gayundin, ang matulungan sila sa kinakakaharap na sobrang krisis na dinaranas sa ilalim ng rehimeng Duterte kaalinsabay ng pangangalaga ng kagubatan. Bandang ikapito ng umaga nang mapag-alaman ng mga kasama na may nag-ooperasyong pulis at militar malapit sa kanilang base. Agad naghanda ang mga kasama at pumwesto sa magandang posisyon para dagukan ang papalapit na tropa. Alerto ang mga kasama at nakahanda anumang oras na makalapit sa kanila ang nag-ooperasyong pulis at militar. Bandang alas-11 na ng umaga nang makita ng mga kasama ang mga nag-ooperasyon sa may bahaging ibaba ng kanilang pusisyon. Sinipat ng kasama ang papalapit na tropa sa layong humigit- kumulang labin-limang metro bago pinakawalan ang signal fire. Sa unang bugso ng putok ng mga kasama ay agad tumimbuwang ang dalawang elemento sa hanay ng pulis at militar. Nagulantang sila at hindi agad naka-counter ng putok. Ligtas na nakamaniobra ang mga kasama at walang tinamong anumang pinsala sa kanilang hanay.
Dahil sa kabiguan ay sadyang inilingid ng pulis at militar ang naganap na engkwentro. Noong araw mismo matapos ang labanan ay pumunta ang isang opisyal ng police probinsya sa Brgy. Tigman at nagpatawag ng pulong sa mga taumbaryo para babalaan sila laban sa rebolusyonaryong kilusan.
Bago ito, matagumpay ang isinagawang kumpiskasyon ng armas ng BHB sa pamilya Villafuerte sa Brgy. Villazar, katabi ng Brgy Tigman noong Pebrero 1, 2021. Isang baby M16 armalite rifle, 2 Carbine at maraming bala ng iba’t ibang mataas na kalibre ng baril kabilang ang mga bala ng M16 , M203 at Garand ang nasamsam ng BHB sa compound ng mga Villafuerte.
Matagal nang inirereklamo ng mamamayan ang paghahari-harian ng pamilya Villafuerte sa lugar. Sila ay kilalang despotikong panginoong maylupa sa lugar. Si Maria Villafuerte y Elorde ay ang kasalukuyang kapitan ng Barangay Villazar, habang ang kapatid na lalaki na si Joey Villafuerte ay kagawad din ng barangay. Ginagamit ang matataas na kalibre ng armas para takutin ang mga masa na hindi sumusunod sa kanilang kagustuhan. Sa nakaraan isang kulumpon ng kabahayan ang kanilang ipinademolis dahil sinasabi nilang hindi bumoto sa kanila sa panahon ng eleksyon. Inangkin din ng pamilya Villafuerte ang malalawak na lupain sa lugar kasabay na ang lupang saklaw na timberland. Kaso ng pananakit at panunutok ng baril sa ilang indibidwal sa lugar. May kaso ding pangungutong sa may mga pwesto sa palengke at mga maliliit na negosyo sa baryo. Dahil sa mga nabanggit na pang-aabuso, pinagpasyahan ng BHB na dis-armahan ang pamilya para hindi na ito makapang-aabuso at makapang-api ng masa.
Tanging ang mga baril ang kinumpiska ng mga kasama, walang anumang gamit personal ng pamilya ang kinuha ng BHB. Walang nasaktan sa proseso ng pagdis-arma maging ang naiwang katiwala ng pamilya sa kanilang bahay. Para pagtakpan pagkakumpiska ng kanilang mga baril, pinalabas ng pamilya Villafuerte na nilooban ang kanilang bahay. Kinasuhan ng pamilya ng pagnanakaw ng ari-arian ang ilang indibidwal na malapit sa kanila. Ang kumpiskasyon ang magsisilbing babala sa pamilya para itigil ang pang-aabuso sa mga mamamayan sa lugar.