PO1 Michael Villanobos, Intelligence ng PNP

Nagbubunyi ang mamamayang Sorsoganon sa pagpataw ng parusang kamatayan kay PO1 Michael Villanobos, intelligence ng Provincial Mobile Force (PMG) ng mga pulang mandirigma ng Celso Minguez Command BHB-Sorsogon. Naganap ang pamamarusa bandang alas-4 ng hapon, sa Brgy. San Pedro, Irosin, Sorsogon.

 

Ang pagparusa kay Villanobos ay pagtugon sa malaon nang hiling ng mga mamamayang Sorsoganon dahil sa mahaba nitong listahan ng pang-aabuso sa mamamayan. Bilang intelligence officer ay naglatag sya ng mga paniktik sa bayan ng Irosin na pawang mga target ay ordinaryong sibilyan.

 

Si Villanobos ay isa sa pumatay kay Ardy Enano, isang tricycle driver, taga Brgy. Monbon, Irosin noong Oktubre 2017. Habang siya ay namamasada ay bigla siyang binaril ng malapitan ng dalawang nakabonet na lalaki na nakasakay sa motor. Natukoy si Villanobos ng ilang residente sa barangay nang makita sya sa aktwal na nagsusuot ng bonet bago ang insidente. Upang pagtakpan ang kanyang krimen ay pinalabas nilang siya ay pinaslang dahil sa droga.

 

Siya din ang dumakip at umaresto kay Rowel Gepoleo, isang sibilyan, taga Brgy. Batang, Irosin noong Enero 2018. Kinasuhan si Gepoleo ng murder at aktibo daw na miyembro ng NPA. Taliwas dito, 15 taon na siyang namumuhay bilang sibilyan at nagtatrabaho bilang construction worker at manggagawa sa pabrika sa Maynila, ngunit pagdalaw nya sa kanyang pamilya noong Enero nitong taon ay agad syang inaresto ni Villanobos.

 

Nireklamo din si Villanobos sa munisipyo ng Irosin ng mga barangay officials ng Brgy. Batang dahil sa lantaran pagnanakaw ng mga coconut lumber na gamit bilang pamporma sa kalsada na proyekto ng barangay. Sa kabila ng reklamo na isinampa ay walang nangyari sa kaso.

 

Gamit ang kampanyang “kontra droga,” inaakusahan nya ang mga sibilyan na kaalitan nya sa baryo na imbwelto sa droga upang harasin ang mga ito at maghasik ng takot sa mga mamamayan.

 

Ang mga aktibidad ni Villanobos ay pagpapakita ng lantarang pasismo ng mga elemento ng PNP gamit ang Oplan Tokhang at Kampanyang Kontra Droga ng rehimeng US-Duterte upang supilin ang paglaban ng mamamayan at maghasik ng takot. Pagpapakita rin ito ng pagiging desperado ng rehimeng US-Duterte at ng mga alipores nito na supilin ang NPA, na kahit mga ordinaryong sibilyan ay aarestuhin o papaslangin at aakusahang miyembro ng NPA upang palabasing nauubos na diumano ang hanay ng rebolusyonaryong kilusan.

 

Ang mga ganitong hakbangin ng AFP-PNP-CAFGU ay lalo lamang magtutulak sa mamamayang lumaban at pumanig sa tunay nilang hukbo, ang Bagong Hukbong Bayan.

 

Sa papatinding krisis sa pulitika at ekonomiya, asahan din na hahaba ang listahan ng mga kaso sa paglabag sa karapatang-tao ng mga berdugong militar at pulis. Dapat ay higit na magkaisa ang mamamayan na ilantad, tutulan at labanan ang mga anti-mamamayang aktibidad ng AFP-PNP-CAFGU sa ilalim ng Oplan Kapayapaan at Oplan Tokhang.

 

Mamamayang Sorsoganon, Magkaisa at biguin ang Oplan Kapayapaan!

 

Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!

 

 

Samuel Guerrero

Tagapagsalita

BHB-Sorsogon

PO1 Michael Villanobos, Intelligence ng PNP