Pulang saludo at pinakamataas na pagpupugay, Ka Maymay!
Pulang saludo at pinakamataas na pagpupugay ang iginagawad ng Kabataang Makabayan-Demokratiko a Tignayan dagiti Agtutubo iti Kordilyera (KM-DATAKO) kay Pamela “Ka Maymay” Peralta, isang pulang mandirigma ng New People’s Army at isang tunay na anak ng bayan! Namartir si Ka Maymay noong ika-8 ng Agosto dahil sa papatindi at walang tigil na atake ng mga pasistang militar sa Ilocos Sur.
Buong pusong pakikiramay ang ipinapaabot ng KM-DATAKO sa kanyang pamilya, at mga kaibigan. Ang KM-DATAKO ang rebolusyonaryong organisasyon ng mga kabataan sa Kordilyera.
Isang matapang at masiyahing rebolusyonaryo si Ka Maymay. Inalay niya ang buong buhay sa pagpapalaya ng sambayanan. Sumapi si Ka Maymay sa NPA noong Mayo taong 2014.
Magaling na manunulat at layout artist si Ka Maymay, associate editor siya ng publikasyon sa isang unibersidad sa Baguio. Masikhay na nag-organisa si Ka Maymay sa hanay ng mga kabataan at estudyanye. Nang lumaon ay naging aktibong kasapi at opisyal ng balangay ng KM-DATAKO. Matiyaga at pasensyoso siyang nagpapaliwanag sa mga kasapi ng KM-DATAKO sa mga pag-aaral kaugnay sa digmang bayan.
Dahil sa kanyang masikhay na pagkilos at seryosong pagtupad sa kanyang rebolusyonaryong tungkulin, naimbitahan siyang maging kasapi ng Partido Komunista ng Pilipinas. Buong puso niyang tinanggap ito at lalo pang nagpalalim at isinapraktika ang mga turo sa Marxista-Leninismo-Maoismong pag-aaral.
Nang magkaroon ng pagkakataon na dumalo sa isang pagtitipon sa sonang gerilya at makahalubilo ang mga pulang mandirigma, napagtano niya na hindi sasapat ang pakikibaka sa kalunsuran. Kaya naman, nakita at niyakap niya na ang problema ng kabataan at ng mamamayan ay nakaugat sa sistematikong inhustisya sa lipunan at ang tanging sagot lamang dito ay ang pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan. Sa kanayunan ay buong puso siyang lumaban kasama ang maralita’t mga magsasaka.
Mananatiling buhay na inspirasyon si Ka Maymay sa mga kabataan para patuloy na isulong at ipagtagumpay ang rebolusyon. Kahanga-hanga ang desisyon niyang talikuran ang burgis na pamumuhay at buong tapang na tanganan ang armas para sa pagbabago ng lipunan.
Buong diwa niyang inalay ang kanyang talino, kakayahan, at sigla sa sambayanan. Ang pagtanggap sa rebolusyonaryong landas na malayo sa burgis na indibidwalismo at ideyalismo ay nararapat lamang kilalanin at tularan ng bawat kabataan bilang pinakawastong landas sa pagpawi ng sistematikong pananamantala.
Ang pagkamatay ni Ka Maymay ay maaaring bilang o materyal lamang ng mga pasista para sa kanilang kontra rebolusyonaryong propaganda. Ngayon pa lamang ay ikinalat na ng kaaway ang kanyang mga lawaran bilang isang kabataang nasira ang kinabukasan, ngunit ang lahat ng ito ay papawiin ng mga tunay na naratibo ng kanyang buhay bilang isang aktibista at rebolusyonaryo! Pinakamakabuluhan ang buhay na inalay para paglingkuran ang sambayanan.
Sa ilalim ng nagpapatuloy at tumitinding krisis ng sistemang mala-kolonyal at mala-pyudal, masikhay na susundan ng marami pang kabataan ang landas na kanyang tinahak. Mabuhay ang rebolusyonaryong diwa ni Ka Maymay!
Patuloy na pagsilbihan ang sambayanan!
Patuloy na pagsilbihan ang rebolusyon!
Kabataan, sumapi sa NPA!