Reaksyon sa Deklarasyong Kontra-Kapayapaan ni Lorenzana
Pinalawig ni Gen. Lorenzana, defense secretary, ang patakarang kontra-usapang
pangkapayapaan ng rehimeng Duterte. Sa sulating “The Public Should Know,” na may
pangalan niya, may walo siyang dahilan “bakit ititigil namin ang Usapang
Pangkapayapaan.” Sadya ngang matagal-tagal nang si Lorenzana ang totoong
nagtatakda ng patakarang anti-kapayapaan ng rehimeng Duterte batay sa kanyang
makitid na militaristang utak.
Kay Lorenzana at katulad niyang mga pasista, kabilang na si Duterte, ang tanging
solusyon sa gera sibil sa bansa ay ang solusyong militar. Ito ang dogma mula pa
dekada 1930 na itinataguyod ng US military, na naglalaway sa tubo saan man sila
mag-udyok at manggatong ng gera.
Si Lorenzana ay tagapag-udyok ng gera at pinaka-militarista. Ayaw niya ang
di-militar na solusyon sa gera sibil sa Pilipinas. Takot siyang mawalang-saysay
kung magwakas ang gera sibil sa paraang pulitikal sa pamamagitan ng usapang
pangkapayapaan. Sa kanya, ang tanging solusyon ay magrekrut ang AFP nang parami
nang paraming sundalo para kubkubin ang libu-libong baryo sa buong bansa at
maghasik ng terorismo sa mamamayan. Sa malawak na masang manggagawa at
magsasaka, si Duterte, Lorenzana at ang AFP ang tunay na mga terorista.
Si Lorenzana, na minsang nagsilbing military attaché sa Washington (at minsang
tinawag mismo ni Duterte na CIA agent), ay isang malaking sales agent ng US
military sa gubyerno ng Pilipinas (tandaan noong minsan na idinispatsa niya sa
PNP ang 5,000 AK mula sa China na para dapat sa AFP). Isa siyang masugid na
bantay ng US na nagtitiyak na ang AFP ay palaging mananatiling susing haligi ng
hegemonismo ng US sa Pilipinas.