Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict: Pag-ligalisa sa mga teroristang aktibidad ng 9th IDPA at PNP Region V sa Masang Bikolano.
Kasama ng rebolusyonaryong kilusan sa probinsya ng Masbate ang mamamayang Masbatenyo sa pagkundena sa bubuuing Regional Task force to End Local Communist Armed Conflict(RTF-ELCAC) sa Kabikulan. Sa pangunguna ni DILG Sec. Eduardo Ano, sapliltang kinukuha ang kooperasyon at suporta ng mga lokal na opisyal sa lubusang pagpapatupad sa paggigiit sa EO 70. Itinayo sa Masbate ang “USAP TAYO” bilang makinarya sa Localized Peace Talks na sa esensya papagaway-awayin ang rebolusyonaryong pwersa na taliwas sa pinag-usapan at pinirmahan ng GRP at NDFP sa tamang proseso at kondukta sa usapang pangkapayapaan para makamit ang makatarungan at pangmatagalang kapayapaan sa ilalim ng isang malaya at maunlad na demokratikong bansa.
Walang idinulot ang inilabas ng rehimen na mga pasistang atas na MO 32 at EO 70 at mga makinarya nitong NTF-ELCAG/ RTF-ELCAC at PTF-ELCAC kundi pinatinding pang-aatake at pandarahas ng militar at pulis sa buhay at karapatan ng nakikibakang mamamayang Masbatenyo. Matingkad na halimbawa na operasyong PDT ng 2nd IBPA sa 23 barangay sa mga bayan ng Cawayan at Isla ng Ticao na nagsimula noong Mayo 23, 2019. Kamakailan, sa inisyal na 11 baryo sa bayan ng Cawayan, pinasok na rin ang mga barangay ng Tuburan, San Jose, Palobandera at Brgy. Campana na saklaw na ng bayan ng Uson. Kasabay ang mga nalansing barangay opisyal, talamak na pandarahas, kaguluhan at paglabag sa karapatang tao ang dinaranas ng mga komunidad sa kamay ng militar na pinamumunuan ni Lt. Col. Fabon, ang bagong Batallion Commander ng 2nd IBPA. Ipinagkakait sa kanila ang mamuhay ng tahimik at karapatan nilang magsaka sa munting lupain nilang binubungkal.
Sa ilalim ng pinatinding operasyong militar ng rehimeng US- Duterte sa probinsya, naitala ang humigit kumulang 30 pamamaslang o EJK. Ang mga biktima ay mga magsasakang mapayapang naghahanapbuhay upang mabuhay ang kanilang pamilya, kabilang rito ang sunod-sunod na pamamaslang kina Arnie Espenilla, Sando Alconvendas at Pizo Cabug sa kasagsagan ng nagaganap na PDT sa San Fernando, isla ng Ticao. Upang pagtakpan ang kanilang pasistang krimen, gumagawa ng mga orkestradong engkwentro ang militar at palalabasin ang mga biktima na mga kasapi ng NPA na napatay sa labanan, tulad ng kaso ni Nelson Rabino na isang parakopra sa Brgy. Cabas-an , Aroroy.
Bilang tugon sa panawagan ng masang Masbatenyo at Bikolano na wakasan ang militarisasyon at pagtutol sa pinatinding pandarahas sa ilalim ng RTF-ELCAC, naglunsad ng walong (8) sunod-sunod na mga matataginting na taktikal na opensiba ang JRC-BHB Masbate ngayong buwan ng Agosto. Kabilang dito ang matagumpay na ambus sa Brgy. Alegria, Pio Vo. Corpus noong Agosto 21 na nagresulta sa pagkasawi ng tatlong pulis habang apat (4) naman ang sugatan kabilang sina Patrolman Dexter A. Navarro at Patrolman Jemerick O. Manongsong mula sa PNP PVC na aktibo sa kontra-insurhensyang operasyon. Kinagabihan hinaras ng isang tim ng JRC ang dalawang sasakyan ng 2nd IBPA sa Brgy. Dapdap, Uson, Masbate. Taliwas sa pahayag ng kaaway na ang mga kaswalti ay mula sa pulang mandirigma, kasalukuyan pang inaalam ang kaswalte sa kanilang panig.
Hatinggabi ng Agosto 18, 2019, haras sa detachment ng PNP CPAC sa Brgy. Bayombon,Masbate City gamit ang pampasabog at ilang matataas na baril; Agosto 19, 2019, 4:05 ng hapon, nagsagawa ng operasyong isnayp ang mga kasama sa patrol base ng 2nd IBPA sa Del Carmen, Uson na ikinamatay ng isang sundalo na nagngangalang Tejada; Agosto 19, 2019, alas 11 ng gabi haras sa detachment sa Guiwanon, Brgy. Danao, San Jacinto na ikinasugat ng di mabilang na mga sundalo at Cafgu. Agosto 19, 2019, alas 9 ng gabi, haras sa detachment ng Reg. Mobila Force Battallion sa San Rafael, San Pascual.
Sa loob lamang ng tatlong taong panunungkulan ni Duterte ay napahaba nang listahan ng krimen na kinasasangkutan ng kanyang mga alipures na AFP at PNP laban sa mamamayang Masbatenyo. Nararapat lamang na tugunan ng rehimeng US-Duterte ang kahilingan ng mamamayang Masbatenyo, Bikolano at buong sambayanang Pilipino na paalisin ang pasistang militar at pulis na nanghahalihaw sa kanayunan.
Ang mga komunidad na ngayon ay sinasaklaw ng kanilang PDT sa bayan ng Cawayan ay kinabibilangan ng Dalipe, Iraya, Calumpang, Pin-as, Guiom, RM. Magbalon, Lague-Lague, Cabayugan, San Jose, Tuboran, Taberna, Palobandera at Polot, habang sa bayan ng Uson ay ang Campana.
Samantala, sa Isla ng Ticao naman ay kinabibilangan ito ng Talisay, Buenavista, Cawayan/Canielas, Del Rosario, Altavista, Progreso, Val Paraiso at Suwa, pawang sa bayan ng San Fernando.
Habang ang mga naging biktima ng ekstra-hudisyal na pamamaslang ay kinabibilangan naman nina 1. Jomar Escorel at 2. Reyando Almosara ng So. Kalaw-anan,Togoron,Monreal; 3. Ariel Bartolay at 4. Allan Bartolay, So. Palopino, Bartolabas, San Jacinto; 5. Johnel Dejucos at 6. Pablo Dilao ng So. Burgos, San Jacinto; 7. Dominggito Deinla at 8. Mari Deinla, Ressureccion, San Fernando; 9. Dingdong Escorel ng Cantorna, Monreal; 10. Ruel Nunez ng So. Lasagas, Biyong, Masbate City; 11. Rolly Arcenal ng Brgy. Barag, Mobo; 12. Nelson Rabino ng Aroroy, Masbate; 13. Nonong Capellan, So. Batuila, Madao,Uson. Lahat ng mga biktima ay pinaratangang mga NPA.
Dapat patuloy na ilantad ng mga Masbatenyo ang mga paglabag ng mga militar at pulis sa karapatang pantao at pagkakasangkot nito sa mga karumal-dumal na krimen laban sa kanila. Tuloy-tuloy na labanan ang pang-aatake ng mga militar at pulis sa mga inosenteng sibilyan.
Nananawagan ang JRC-BHB Masbate sa mamamayang Masbatenyo na ipaglaban ang kanilang karapatan sa buhay, mamuhay nang tahimik at sa lupang sinasaka na pinagkakait ng 2nd IBPA, MICO at PNP-PPO sa mga magsasaka, katulong ang kanilang mga kasabwat tulad ni Boyet Besana upang itaguyod ang interes ng rehimen at ilang lokal na panginoong may-lupa na magpasasa sa mga lupain na binibungkal ng komunidad .
Isulong ang Digmang Bayan – ito ang magpapabagsak sa diktadura at tiranikong rehimeng US-Duterte.
EO 70 at MO 32 SALOT SA BAYAN AT MAMAMAYAN, TUTULAN AT LABANAN!
ITIGIL ANG MILITARISASYON SA KANAYUNAN SA TABING NG PDT!
ILANTAD AT LABANAN ANG OPLAN KAPANATAGAN NG REHIMENG US-DUTERTE!
PATALSIKIN ANG PASISTA, TIRANIKO AT DIKTADURANG REHIMENG US-DUTERTE!