Relief Operations para sa CoVid19, Pantabing ng JTF – Peacock sa Operasyong Militar

 

Habang matapat na tumatalima ang New Peoples Army sa patakaran ng Partido Komunista ng Pilipinas na hindi magiging taget ng mga taktikal na opensiba ang elemento ng militar, pulis at reaksyunaryong gobyerno na nagsasagwa ng humanitarian response kaugnay ng CoVid19, ang lokal na pamahalaan naman ni Jose Chavez Alvarez at Lucilo Bayron ay garapalang ginagamit ang krisis na ito upang maisakatuparan ang mala-demonyo nilang plano para sa 20 milyong piso bounty hunting price laban sa mga di umano ay lider ng rebolusyunaryong kilusan.

Napatunayan ng BVC na ginagamit lamang ni Alvarez at ng Joint Task Force Peacock ang mga relief operations upang maisagawa ang kanilang kontra-rebolusyunaryong mga pakana at maghasik ng takot sa mamamayan. Tulad ito ng nangyaring pabalat bungang pamamahagi ng relief goods sa Brgy. Marufinas at Panggangan ng Puerto Princesa City kung saan habang namamahagi ng relief ay nagpapakita sila ng mga larawan ng mga pinaghihinalaang kasapi ng NPA. Kalinsabay ang propagandang may patong ang ulo ng mga ito at maaaring pagkakitaan. Hindi lamang ito sa Puerto Princesa City nangyari, naganap na rin ang mga kahalintulad sa mga baranggay ng Iraan at Bunog sa Rizal, sa mga bayan ng Brooke’s Point at Sofronio Española, San Vicente, Roxas at Taytay.

Habang nananawagan ang mga Palawenyo ng bigas at ayuda sa kabuhayan, mga naka-imprentang tarpaulin at flyers ng mga di umano ay lider ng rebolusyunaryong kilusan ang isinusubo sa kanila ng JTF – Peacock. Sa halip na ilaan sa Social Amelioration Program ang natitirang kabang yaman ng mga Palawenyo, inaksaya na ito sa mga flyers, tarpaulin at kung anu-ano pang propagandang pang-saywar.

Iginigiit ng mga tutang tagasunod ni Rodrigo Duterte na walang umiiral na Martial Law; ngunit sa panahong hindi na pinapagana ang gobyernong sibil at militaristang pamumuno ang namamayani tulad ng kasalakuyang umiiral, ano pa nga ba ang tawag dito? Tila pilit na ipinapalunok sa mamamayang Palawenyo na magiging ‘New Normal’ na ang Martial Law.

Muli, nananawagan ang BVC sa mga makabayang pulitiko na igiit ang kasarinlan ng gobyernong sibil laban sa militaristang paghahari ng pangkating Alvarez at Duterte. Dapat higit kailanman ngayon nila ipagtanggol ang mandatong ipinagkaloob sa kanila ng mamamayan. Manindigan laban sa JTF – Peacock at Oplan Kapanatagan na ginagamit lamang sila para sa kontra-rebolusyunaryong kampanya at panunupil sa mamamayang dapat una nilang pinagsisilbihan.

Relief Operations para sa CoVid19, Pantabing ng JTF - Peacock sa Operasyong Militar