Sa patapos nang panunungkulan ni Duterte, wala pa ring hustisya ang mga biktima ng Marawi Siege
Read in: Bisaya
Ika-apat na anibersaryo na ngayon matapos ang madugong gyera sa Marawi City sa Mindanao. Ano na nga ba ang kaunlaran ng 325,294 indibidwal o 27,000 pamilya ng 11,000 kabahayan na napilitang nagsilikas? Ano na ba ang meron sa pamilya ng 368 napatay na mayrong sibilyang kababaihan at menor de edad na kabataan, at ang higit 3,000 nana-missing sa gyera. Ang mga gusali na winasak ng kanyon at bomba at ang naglahong kabuhayan ng lahat, nagkaroon na ba ito ng hustisya?
Nagsisirating na ayuda mula sa dayuhan. Merong P1.4B mula US, P1.1B sa China at bilyon din sa Russia para sa rehabilitasyon ng Marawi, ngunit nasaan naba ito? Maliban sa ayuda umutang pa si Duterte sa China ng $7.34B para sa imprastraktura at rehabilitasyon ng syudad. Ngunit bakit hanggang ngayong apat na taon na ang nakaraan nanatiling wasak parin ang Marawi, walang livelihood budget at lubosan nang hindi nakabalik ang mga residente.
Malinaw ngayon na ipinagpalit ang buhay ng mamamayang Moro upang lubosang agawin ang 24 ektaryang lupain para sa kampo ng AFP. Hindi ba’t patunay lamang ito ng sadyang pag- papaalis ng mga residente upang sila ang papalit sa posisyon nito? Batas militar ang lalong nagpapatibay nito.
Sa patapos nang panunungkolan ni Duterte, nanatiling hindi masolusyonan ang relokasyon ng mga bakwit. Mayroon lamang 113 ka pamilya ang nakauwi sa Tolali, Marawi City mula sa 17, 768 at 100 pamilya lamang ang naroon sa relokasyon ng Pagalatan, Saguiaran. Habang meron pang 2,943 pamilya sa Boganga Transitory Sites at marami pang nakakalat doon sa Lungsod ng Baloi at Rogongon Iligan City, Poona Bayabao ug Piagapo Lanao del Sur. Ang 24 o halos 200 indibidwal ang naiwan pa ngayon sa CBEC (Community Based Evacuation Center) lligan City; Ang 4 na nakilalang indibidwal sa 1,000 parte ng buto na hinukay ng PNP SOCO noon pang 2017 ay napako narin; Ang ipinangakong livelihood program lalo pang naging misteryo kung saan na ito ngayon.
Naghubad na ng maskara ang dating nagpakanang “dugong Muslim” na presidente. Hindi lang magnanakaw sa pera ng sambayanan, hindi lang ahenteng ikinolateral ang kanyang pinaglilingkoran sa dayuhang pangungutang, mas lalong hindi lang mang-aagaw ng lupa, kundi siya ay utak sa lahat ng kriminal na pagpaslang ng mga sibilyan. Hindi na maipagtataka kung bakit ikinuwestyon ng internasyunal ang Pilipinas sa laganap na EJK–kabilang na rito’y mga Muslim na tinokhang. Lahat ng ito’y nagtatampok lamang bilang isang kontra-mamamayan.
Ang COVID 19 pandemya na pumatong sa dati nang mahirap at gutom na pamumuhay, lalo pang sumasakal sa kanila. Biktima sila ng militaristang lockdown at pagkokontrol ng populasyon. Wala na ngang hanap buhay sa evacuation centers pinagbabawalan pang magtipon at magbyahe upang dumiskarte paano makaahon sa gutom. Ang inutang na dugo, winasak na masayang pamumuhay ang lumigalig sa damdamin nila kung bakit hanggang ngayo’y hindi kailanman makalimutan ng mga biktima.
Sa loob ng limang taong paghahari ni Duterte. Mas kinahihibangan nito ang pagpapatibay ng kanyang pwersa, haytek na kagamitang militar, pagsasanay at iba pang rekursong pang- militar. Hindi, upang labanan ang US at China sa panghihimasok ng ating soberanya, kundi para ito sa kontra-ensurhensiya katambal ang pagsasatupad ng kontra-mamamayang batas at alituntunin. Kung saan, mamamayan ang pangunahing target nito. Layunin nito’y palanatin ang kontrol ng kanyang paghahari kapalit ang paglabag ng karapatang pang-tao.
Para sa lahat ng biktima sa Marawi Siege, walang humpay kaming patuloy na sumosuporta sa inyo. Puno kami ng determinasyong ipaglaban ang inyong karapatan at walang-tigil na maghahabol ng hustisya sa gitna ng masinsing atake-militar ni Duterte. Napatunayan na natin ngayon sa loob ng kanyang limang taong panunungkulan na walang mabubuting nagawa ang gobyernong Duterte matapos ang gyera sa Marawi.
Hinihimok namin ang mamamayang Moro na maging mapagmatyag sa pakana ng gobyerno. Maasahan na posibleng mayroon pang malalaking gyera na mangyayari higit pa sa Marawi dahil patuloy itong diniklara ng rehimen na ang “terorista” ay nasa lugar ng Moro. Hindi bibitiwan ng dayuhan at gobyernong Duterte ang Bangsamoro dahil naririyan ang maraming minerales na kanilang pinaglalawayan. Dahil dito, pinanatili ang pwersang militar upang depensahan ang kanilang ekonomikong interes at pigilan ang armadong pakikibaka ng mamamayang Moro.
Kaya, naririyan ang batayan upang labanan at pabagsakin ang inutil at traydor na rehimeng US-Duterte. Magkaisa tayo upang lalong palakasin ang Demokratikong Rebolusyon ng Bayan, ang kuta ng lahat nang inaapi at pinagsasamantalahan, na siyang makapangyarihang makapagbabago ng bulok na lipunan!
Hustisya para sa biktima ng Marawi Siege!
Isulong ang Demokratikong Rebolusyon ng Bayan!
Traydor na rehimeng US-Duterte, Ibagsak na!