Sagot ng LPC-NPA sa mga Kasinungalingan ni Col. Igberto Dacoscos ng 62nd IBPA
Maalala noong Enero 22, 2019 tinakot at pinwersa na pinadalo ng combined forces ng 62nd IBPA at 94th IBPA ang mga residente ng sityo ng Acasia, Tubod, Brgy. proper ng Brgy. Macagahay sakop ng Magallon, Negros Occidental at mga residente ng sityo Cambairan, Amumuyong, Calambia at iba pang mga sityo ng Brgy. Trinidad, Guihulngan, Negros Oriental sa isinagawa nitong pagpupulong sa sityo Cambairan, Trinidad, Guihulngan.
Sa masinsin na imbestigasyon ng LPC, consistent ang mamamayan na nagsasabi na ginamit ng militar ang mga 4P’s beneficiaries lamang upang palakihin ang numero ng dadalo sa nasabing aktibidad. Dagdag pa nila, pinangakuan sila na bigyan ng mga gamit pangsaka katulad ng sarol, guna, pala at iba pa.
Ayon din sa mga residente, kung susuko sila bilang mga suporter ng NPA, bibigyan sila ng tag P450,000 na cash incentives. Ito ay isang malinaw na pangloloko, panlilinlang at pangungumbinsi sa sambayanan para sa dagdag na naman na sandamakmak na kaso ng korapsyon at pangungulimbat ng militar sa kaban ng gobyerno mula sa buwis ng mamamayang Pilipino.
Dito rin na pagpupulong, nagalit ang mga kasapi ng militar na humarap sa mga dumalo at sapilitang pinasigaw na “MGA NPA MAGNANAKAW!” dahil ang mga baboy at baka ng mamamayan ang sinasabing kuno ninakaw ng NPA. Sa una at ikalawang beses sa pagpapasigaw sa kanila, hindi tumupad ang mga residente ngunit sa ikatlo’y napilitan ang iilan sa kanila na sumigaw dala ang pang-iismid dahil sa namwersa na ang mga opisyal ng 62nd IB at 94th IB habang pilit din silang kinukunan ng video at litrato.
Ito’y malinaw na human rights violation at paglabag sa mga kasunduan sa CARHRIHL. Nagmistulang psywar at deception ang ginawa ng 62nd IB at 94th IB sa mamamayan ng Magallon at Guihulngan.
Kasinungalingan din ang tinatahol ni spokesperson Benedict Arevalo ng 303rd BdePA na tinakot ng NPA ang mga kabataan sa Magallon at Guihulngan. Ang totoo’y natakot lamang si Arevalo na sumapi sa NPA ang nasabing mga kabataan. Segurado ang LPC-NPA ngña kung magpatuloy ang militarisasyon, pamiminsala sa kabuhayan at buhay ng mga magsasaka at iba pang porma ng kalakasan ng militar sa kanayunan, uusbong ang digmang bayan at armadong pakikibaka sa Central Negros na papasakupan ng mga kabataan, aktibista at iba pang mga demokratikong pwersa para kamtin ang tunay na hustisya batay sa proseso ng rebolusyonaryong hustisya.
Nangangahulugan na militar mismo at si Duterte ang nangrerekrut sa NPA at nagpapatibay nito.
Parang asong-baliw rin si Col. Dacoscos ng 62nd IBPA na tumatahol gamit ang iginuhit na istorya na kuno ang NPA nagdetain ng 3 araw sa isang magsasaka na si alyas “Dodong” sa sityo Cambairan, Trinidad, Guihulngan. Ngayon din nagkuha at sumira raw ng cellphone nito. Ito’y malinaw na lunsay kasinungalingan at panlilinlang.
Lip serving din ang panghahamon ni Col. Dacoscos ng 62nd IB sa mga human rights advocates na mag-imbestiga ng mamamayan sa kanayunan laluna sa Magallon at Guihulngan. Ang totoo’y militar din ang pumipigil mismo sa nasabing mga human rights organizations noong Enero 3, 2019 sa pagkuha sana ng aktwal na sitwasyon ng mga magsasaka matapos ang nangyari na SEMPO at Oplan Sauron ng joint forces ng AFP CenCom at PNP Region 7 noong Disyembre 27, 2018 na nagresulta ng pagkamatay ng 6 na mga inosenteng magsasaka at habal-habal drivers, ilegal na pang-aaresto at pagkukulong, pangraransak ng mga kabahayan at pagnanakaw ng mga pera at kagamitan ng mga maralitang magsasaka.
Mahigpit na hinahamon ng LPC ang lahat na mamamayan sa Central Negros. Mahigpit na magkaisa. Makibaka huwag matakot! Labanan ang militarisasyon sakop sa larangang gerilya. Hubaran ang mga pakana ng pasistang AFP at biguin ang Oplan Kapayapaan ng US-Duterte na rehimen!