Sagot ng LPC-NPA sa mga Kasinungalingan na mga Pahayag ni Col. Benedict Arevalo Commanding Officer ng 303rd Bde PA sa Negros
Nagmistulang inahin na manok na putak ng putak sa pagsisinungaling si Col. Benedict Arevalo sa kaniyang mga pahayag sa isang bayarang programa sa isang radio station sa Bacolod kahapon araw nglinggo, Nobyembre 4, 2018. Desperado, malisyuso at lunsay kasinungalingan ang pamamamaratang ni Col. Arevalo sa CPP/NPA na siyang nagmasaker sa 9 lahat ng magsasaka na mga kasapi ng National Federation of Sugar Workers (NFSW) sa Purok Fire Tree, Hda. Nene, Brgy. Bulanon, Sagay City noong Oktubre 20, 2018 alas 9:30 sang gabi.
Drawing lamang ang pang-aakusa at pagfile ng PNP ng kaso sa 2 mga lideres ng NFSW at paghahabol sa iilan pa’ng mga organizers nito, lalo na ang pag-ugnay sa pinapakana at maniobra ng utak-pulbura at pasistang militar sa pangunguna ni Lorenzana ng Department of National Defense, Gen. Galvez ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Gen. Albayalde ng Philippine National Police (PNP) at iba pa sa isyu ng “Red October Plot” sa kuno pagdiscredit sa gobyernong Duterte.
Higit pa sa “kuris-kuris” pa ang pag-aakyat ng kaso ng Sagay PNP sa isa ka abogado ng National Union of People’s Lawyer (NUPL) at KARAPATAN na nagcostudy sa 14 anyos na survivor sa nasabing Sagay Masaker sa pangunguna ni PSupt. Mansueto.
Malinaw na may malaking interes ang PNP at AFP na mahawakan ang survivor na minor de edad. Nilalayon nito na rebisahin at ilihis ang tunay na mga pangyayari at sirkumstansya. Dagdag pa, para sa AFP, PNP at iba pa na awtoridad ng gobyerno, madali ang pagblack-mail at pang-iintimida sa pamilya at mismo sa biktima lamang ma-justify ang mga pamamaratang ng AFP, PNP, probinsyal at lokal na burukrasya ng gobyerno sa pangunguna ni Gobernador Alfredo Marañon ng Negros Occidental, Mayor Fredie Marañon III ng Sagay City at iba pa ng naghaharing uri-panginoong maylups sa isla ng Negros doon sa mga nabanggit na legitimate legal democratic people’s organization katulad ng NFSW, KARAPATAN at NUPL.
“Maliwanag pa sa liwanag ng buwan” ang pagdemonisa ng mabangis na estado ni Rodrigo Duterte sa mga organisasyon at asosasyon ng mga saligang sektor saan yaon ang kongkreto at praktikal na tumutulong sa uring anakpawis saan kadalasan naging biktima ng pang-aapi at pananamantala sa kanilang sosyo-ekonomiko, demokratiko at pampulitikang mga karapatan.
Ang pagposisyon sa “nakatiwangwang” na lupa sa pamamagitan ng “Bungkalan” ng mga magsasaka katulad ng sa Hda. Nene sa Sagay City, isang lehitimong karapatan at pakikibaka ng uring anakpawis para mabuhay, sa kabila ng pagka-inutil ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa. At ang pagkamit ng tirahan sa “nakatiwangwang” na pabahay program ng estado, karapatan din ito ng mga maralitang taga-lunsod at homeless people na makamtan ang bahay tuluyan resulta ng laganap na demolisyon, eviction at ejection para palayasin at idislokar ang mga maralitang taga-lunsod ng inutil na housing agency ng gobyerno pabor sa mga dayuhan na kapitalista at imperyalistang Estados Unidos at China. Gayundin, sa katuparan ng nagpatong- patong na korapsyon sa Build..Build..Build na programa ng US-Duterte na rehimen.
Ang tunay “lipsync” na lamang ang pagkanta ar pagputak ni Col. Benedict Arevalo sa unang kinankanta at konklusyon nina Gen. Galvez at Col. Desoyo ng AFP, Gen. Albayalde, Gen. Bulalacao, Col. Castil at PSupt. Masueto ng PNP.
Kasabay din nito ang iresponsable na pagkorus ni Gov. Alfredo Marañon at Mayor Fredie Marañon III. Imbes na tulungan agaf ang mga biktima, una pa ang pagpangako na magbigay ng P500K ngla cash bounty sa makapagtuturo ng mga perpetrators. Ang ganitong aksyon ni Governor Marañon at Mayor Fredie Marañon, isa ka malinaw na pagkukubli sa tunay na isyu sa problema sa lupa, kabuhayan at pamamaslang ng mga magsasaka sa kaniyang sariling balwarte.
Nakakahiya sa isang gobernador ng probinsya nga nagsabing habang nanglalagkit pa ang imbestigasyon; na “Scripted ang nangyari na pagmasaker at pamamaslang sa 9 na mga magsasaka sa Sagay City.” Ang gantiong katangian ni Gobernador Alfredo Marañon, isang elitista, iresponsable, tamad magkunot-noo at mag-aral, umiiwas sa katotohanan at kampante na lamang sa pagpahid ng kanilang dumi sa iba lalo na sa mga biktima hanggang maalimunaw na ang hinihinging hustisya ng mga biktima at ng mga pamilya nito.
Matapos ang Oktubre 20, 2018 na Sagay Masaker, si Pres. Rodrigo Duterte hindi mapigilan ang sintonado nitong mga pahayag sa publiko, nananakot at nangdidikta sa AFP at PNP na simula ngayon “wala na ng mang-aagaw ng lupa” at wala na mang-aagaw ng mga bahay” dahil aarestuhin… kung tatanggi, babarilin at papatayin.
Kayaa, tama lamang ang mga kasabihan ng mga matatanda na nagsasabing: “Ang isda hindi mahuli sa kaniyang buntot kundi sa kaniyang baba” at “Kung sobra na sa Gantangan..dapat nang bawasan”
Kaya hinahamon ng LPC-NPA ang lahat na Negrosanon na magkiisa sa rebolusyonaryong kilusan. Buuin ang malawak na nagkakaisang prente laban sa US-Duterte na rehimen at iba pang naghaharing sahi ng malalaking Komprador Burgesya at despotikong Panginoong maylupa. Suportahan ang biktima ng Sagay Masaker at isiwalat ang katotohanan sa pagitan ng pag-unos ng mga kasinungalingab at panglilinglang na pinapakalat ng AFP at PNP.
Dapat intindihin natin, ang tunay na reporma sa lupa at ang hustisya para sa mga biktima ng pasismo ng estado magmumula sa Demokratikong Rebolusyong Bayan.