Pagsilbihan ang Aping Masa, Hindi ang Naghaharing Iilan! Sumapi sa NPA!
Ang kasiglahan at lakas ng kabataang Pilipino ay nasasayang kung nagagamit ito sa walang katuturang sakripisyo gaya ng pagtatanggol sa interes ng ilang mayayaman at naghaharing uri.
Sa serye ng mga taktikal na opensibang inilunsad ng NPA upang parusahan ang AFP at PNP noong Marso 29, Marso 31 at Abril 2 sa Bauko at Tadian, Mt. Province , nakakalungkot na karamihan sa mga nasugatan at namatay ay mga kabataan at baguhang opisyal ng PNP at Philippine Army. Inuutusan ng mga senior na nakakataas na opisyal ang mga nakababatang opisyal ng pulisya at militar sa mga operasyong militar na walang pakialam sa panganib na kanilang susuungin. Ang puersa ng pulisya ay naging utusan ng AFP, at handang-handa sa anumang oras. Ano ang kinabukasan ng mga kabataang nagpapalista sa serbisyo ng reaksyunaryong armadong puersa at pulisya? Wala silang pagpipilian kundi ipatupad ang duwag na kuman ng kanilang superyor, na nakaluklok sa kanilang mga burukratikong posisyon.
Nagawaran ng Medalya ng Kagitingan ang mga namatay at nasugatang opisyal na nakipagbakbakan sa NPA. Subalit mayroon bang dangal ang mamatay na nagtatatanggol sa ganitong sistema na nagtataguyod lamang sa interes ng mga naghaharing uri ng malalaking panginoong maylupa at burgesya kumprador, samantalong lalong nalulugmok sa kahirapan ang mamamayan? Matatawag ba nating karangalan ang pagsisilbi sa mga korap na superyor na tuta ng mga mayayaman? Ang bulag na pagsunod ay hindi nangangahulugan ng disiplina, sinusupil lamang nito ang kritikal na pagsusuri na nagpapalakas sa pyudal na pang-aapi. Ang mga medalya at parangal ay walang kabuluhan kung ang ancestral na lupain at kultura na nagpapakilala sa ating identidad bilang pambansang minoryang Igorot ay inaagaw ng mga halimaw na ating pinagsisilbihan. At hindi ba’t ang mga medalya at parangal na mga ito ay nangangahulugan lamang na tayo ay nagpakahusay sa pagsasamantala at pang-aapi sa ating mamamayan?
Ang lumalalang sosyo-ekonomikong kalagayan ay nagtutulak sa mga kabataan upang maghanap ng madaling pagkakitaan. Habang ang mga kabataang Pilipino ay nabibiktima ng mga patakarang neoliberal at pagluluwas ng lakas-paggawa ng Rehimeng US-Duterte, tayo ay nalilinlang ng pagtaas ng buwanang sahod at combat pay sa pulisya at armadong puersa. Tayong mga kabataan ng Cordillera, ay dapat na magsuri na sa pamamagitan ng pagrerekluta sa atin sa kanilang hanay, ay ginagawa tayong kaaway ng ating sariling tribu at mamamayan. Ang maramihang pagrerekluta ng mga kabataang Igorot sa AFP at PNP ay ang kontra-rebolusyonaryong taktika nila sa panghahati sa mamamayang Igorot, sa pandadahas at pagdurog sa rebolusyonaryong kilusan na tunay na nagtataguyod sa interes ng pambansang minorya para sa sariling pagpapasya at demokrasya.
Ang konsentasyon ng mga pasistang tropa sa ating mga komunidad at ang kanilang walang-puknat na operasyong kombat ay walang idinudulot na kabutihan kundi kaguluhan. Ang pulisya at millitar na mapanlinlang na natatawag na “nagsisilbi at nagtatanggol”, sa aktwal ay lumalabag sa karapatang pantao ng mamamayan sa mga komunidad. Nararapat na itakwil at hindi pangarapin ng masisiglang kabataang Igorot na sundan ang mersenaryo at pasistang tradisyon ng mga AFP at PNP at ng kanilang paramilitar na utusan sa pang-aapi sa ating mga tribu at mamamayang Pilipino.
Nararapat lamang na ilaan ng mga kabataang pambansang minorya ang kanilang kasiglahan, katalinuhan at panahon sa pagtataguyod sa pakikibaka ng mamamayan para sa pagkilala sa kanilang kolektibong karapatan sa ansestral na lupain at sariling pagpapasya. Ang mamamayan ng Cordillera ay nahaharap sa panganib ng pang-aagaw ng mga malalaking minahan at konstruksyon ng mga dam sa kanilang lupain at kabuhayan. Dapat tayong matuto sa katotohanang kahit maraming nakatayong highcapacity dam sa rehiyon, ang ordinaryong Igorot ay nagbabayad pa rin ng mataas na buwanang bayad sa kuryente. Gayon ding ang mga mineral na namimina sa ating kabundukan ay napupunta lamang sa mga dayuhang kumpanya at ng kanilang imperyalistang dayuhan, at walang naiiwan sa atin kundi mga tiratira.
Nararapat lamang na ipagpatuloy ng mga kabataang Cordilleran ang makasaysayan at mahalagang papel nito sa pakikibaka ng pambansang minorya sa pagtatanggol sa ating ansestral na teritoryo laban sa pang-aagaw ng mga imperyalista at sa pagwawakas sa pambansang pang-aapi, hanggang sa rebolusyonaryong armadong pakikibaka. Isang karangalan at inspirasyon sa atin ang istorikal na katotohanang ang mga kabataang Igorot ang nagbukas sa mga rebolusyonaryong larangan ng Cordillera, na nagpatuloy sa pakikibaka ng ating mga ninuno laban sa pagtatangka ng mga dayuhang mananakop na kontrolin ang ating ansestral na lupain. Ang ating mayamang kabundukan at natural na rekurso ay nararapat na maalagaan para sa pambansang industriyalisasyon at para sa mamamayang Pilipino. Ang masiglang kabataan ay ang dugo’t buhay ng ating lipunan at sa pamamagitan lamang ng pambansa demokratikong rebolusyon mahuhubog at mapapaunlad ang kanilang mga potensyal upang magsilbi ito sa layunin ng pagkakamit ng tunay na kalayaan at demokrasya hanggang maitayo ang sosyalistang lipunan.#
Ang Kabataang Makabayan – Demokratiko a Tignayan Dagiti Agtutubo iti Cordillera (KM-DATAKO) sa Mt. Province ay nananawagan sa mga kabataan ng Cordillera na ialay ang kanilang buhay sa tunay na paglilingkod sa aping pambansang minorya at masang Pilipino!
Manguna sa pambansa demokratikong rebolusyon! Sumapi sa New People’s Army!