Sigaw ng mga Artista ng Bayan: Rebolusyon, Hindi Eleksyon!

,

Ika-1 ng Mayo matagumpay na mapagpasyang itinatag ng mga kabataang artista ang ARMAS balangay Ernie Pefiaranda sa ilalim ng isang puno sa loob ng isang pamantasan sa Kalakhang Manila.

Patuloy ang pagtindig ng mga artista sa katotohanang tanging ang pambansa- demokratikong rebolusyon na may sosyalistang perspektiba lamang ang paraan upang maiwaksi ang bulok na sistemang ating ginagalawan. Habang mahigpit itong pinanghahawakan, ating kinikilala ang kakayahan nitong magpakilos ang mamamayan kung kaya’t dapat itong samantalahin upang pakilusin at direksyunan ang mamamayan.

Tayo ngayon ay kumakaharap sa matindihang tagisan sa propaganda kung kaya’t nangangahulugan ito ng matibay na pagsandig sa masa at sa mga kasama. Susi ang ating pagsusumikap sa pagtuklas ng iba’t ibang kaparaanan at atake sa propaganda upang pangibabawan ang panliliniang sa mamamayan ng pangkating Marcos-Duterte at sa buong reaksyunaryong pwersa.

Ang pagtatatag ng bagong balangay ng ARMAS ay takda ng pag-ibayo sa pagsulong ng kultura at interes ng mamamayan. Walang pagbabansag sa mga rebolusyonaryong organisasyon bilang mga terorista ang makakapagpaatras sa ating hanay bagkus tayo ay lalo lamang lumalalim at lumalawak.

MABUHAY ANG MGA MANGGAGAWANG PANGKULTURA!

KABATAAN AT ARTISTA NG BAYAN, SUMAPI SA BAGONG HUKBONG BAYAN!

Sigaw ng mga Artista ng Bayan: Rebolusyon, Hindi Eleksyon!