Sino ang nakapatay kay 1Lt. Romeo Sabio Jr.?
Mariing pinabubulaanan ng AMC-NPA-Quezon na nasundan pa ang labanan matapos nitong makaengkwentro ang 85IBPA noong alas kwatro ng madaling araw, Pebrero 5 sa Sityo Pung-uy ng Barangay Masaya sa bayan ng Buenavista.
Sa lumabas na balita sa pahayagang Inquirer na may pamagat na Army lieutenant, 2 NPA leaders killed in Quezon clashes, nalathala noong Pebrero 9:
“First Lt. Romeo Sabio Jr. was killed in an encounter with a group of NPA rebels at Sitio Flinapay in Barangay San Roque in Catanauan town of Quezon province at 6 p.m. on Friday, the Army’s 201st Infantry Brigade announced on Facebook late on Sunday.”
Laman pa rin ng balita ang, “Two soldiers were also killed and another was wounded in a clash in another part of the same subvillage at noon on Friday (February 5).”
Mahihinuha kung gayon na nagkaroon pa ng dalawang labanan matapos ang engkwentro noong alas kwatro ng madaling araw:
Una ay tanghali ng Pebrero 5, na kinumpirma rin sa pahayagang PDI noong Pebrero 6 sa balitang “2 soldiers killed, 1 wounded in second clash with NPA in a day in Quezon”.
Sabi sa balita, “Two Army soldiers were killed and another was wounded in a clash with New People’s Army (NPA) rebels in Quezon province on Friday (Feb. 5), the second to occur in the same vicinity in Catanuan town in just over six hours. The Army’s 201st Infantry Brigade operating in Quezon reported on its Facebook page on Friday night that two soldiers were killed while another was wounded during a clash with communist guerrillas fleeing the village of San Roque past 11 a.m.”
At ikalawa ay noong hapon ng Pebrero 5 kung saan nasawi si 1Lt Romeo Sabio Jr.
Malaking kasinungalingan ang mga inilabas na balita ng 85IBPA kaugnay sa mga naturang labanan. Tinitiyak ng AMC-NPA na walang labanan na naganap sa pagitan ng NPA at sundalo sa mga oras, petsa at lugar na sinasabi.
Ang tanging labanan sa pagitan ng pulang hukbo at pasistang sundalo ay naganap nang 3:51am noong Pebrero 5, Byernes sa Barangay Masaya, Buenavista.
Kung gayon ay hinihikayat namin ang iba’t-ibang grupong sibilyan, mga lingkod bayan sa naturang lugar, lalo na ang mga mamamahayag na imbestigahan ang tunay na pangyayari sa likod ng pagkakapaslang sa mga sundalo.
Kung hindi lehitimong engkwentro sa pagitan nila at ng yunit ng NPA — kailangang imbistigahan ang sumusunod na posibilidad:
• Misencounter sa hanay mismo ng nag-ooperasyong sundalo dahil sa dami ng ginamit nilang tropa para tumugis sa NPA
• Misencounter sa hanay mismo ng nag-ooperasyong sundalo dahil napagkamalan nila ang kapwa nila na nakapanggap/nakabihis NPA na karaniwan nilang ginagawa para linlangin ang sibilyang populasyon
• Friendly fire dulot ng walang tigil na pagpapasabog ng bomba at strafing ng helicopter sa lugar para sa clearing operations.
Hindi kalakaran sa rebolusyonaryong kilusan na itago ang mga pangyayaring labanan para pagtakpan ang kanyang pinsala o kaswalti.
Habang nakakasiguro ang taumbayan na kairalan sa AFP ang pagpapakana ng ganitong nilubid sa buhangin na kuwento. Hindi ba’t nakakapagtaka na sa dami ng hindi nabalitang labanan na naganap sa Quezon lalo kung may kaswalti sa sundalo ay ngayon lamang naging ganito kadetalye sa balita ang AFP?
Pinapalakpakan sigurado ni Heneral Antonio Parlade Jr. ang kanyang mga kusinero ng bulaang balita.
Matinding lungkot raw ang naramdaman ni Brigadier General Norwyn Romeo Tolentino, kumander ng 201st Brigade ng Philippine Army. Sabi pa niya sa isang pahayag, “…sumasaludo kami sa kanilang katapangan at kabayanihan. Inalay nila ang kanilang buhay sa paglilingkod sa bayan…”
Hindi katapangan at kabayanihan ang nangyaring pagkamatay ni 1LT Sabio at iba pa niyang kasamahan kundi mapait na kamatayan dahil sa terorismo ng sariling institusyong pinagsisilbihan. Pero nakakalungkot nga ito sa hanay ng karaniwang kawal na isinasabak sa maruming gera ni Duterte at ng kanyang mga Heneral.#