Taas kamaong nagpupugay ang Edmundo Jacob Command sa ika-50 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Pilipinas!
Dakilang ginintuang taon ng pamumuno ng PKP sa mahigpit na pagtangan ng teoritikang gabay ng Marxismo Leninismo Maoismo (MLM) sa praktikal na paglalapat ng mga prinsipyo at taktika sa kongkretong pagsusulong digmang bayan, sa buhay at kamatayang pamumuno sa rebolusyong Pilipino. Sa mga taong ito, inspirasyon natin ang walang pag-iimbot na sakripisyo at pag-aalay ng buhay ng mga kadre, mandirigma at mga rebolusyonaryong martir na naging bahagi ng mga pagpupundar, pag-unlad at pagsulong ng ating rebolusyonaryong base, rebolusyong agraryo at pagsulong ng armadong pakikibaka sa isang antas ng ating digma. Sila ang ipinagmamalaking mga pinakamabubuting anak ng bayan na huwaran at dapat tularan sa kanilang naging pag-aambag.
Sa harap ng hamon ng maigting na krisis ng reaksyunaryong sistema at mas pinatitindi pang pambubusabos at panunupil ng pasistang rehimeng US-Duterte, na kinatatangian ng todong kontra-rebolusyunaryong opensiba ng pasistang rehimeng US-Duterte. Ang rebolusyonaryong kilusan at ang sambayanan ay walang ibang tugon kundi higit pang palawakin at patindihin ang mga rebolusyonaryong paglaban. Konsentrahan ng pinakamalakas na hambalos ang naghaharing pasista at reaksyunaryong rehimeng US-Duterte, at itaguyod ang pambansang kasarinlan at tunay na demokrasya.
Sa gabay ng MLM, ubos kayang isisingkad ng EJC na tupdin ang mabilis na pag-abot sa gawaing rekoberi ng ating baseng masa na pilit winawasak ng panunupil ng kaaway at abutin ang isang antas ng konsolidasyon nito. Muling pagyamanin ang nasimulang pagsulong at palagiang itaguyod ang rebolusyonaryong agraryo sa lugar. Susing kawing upang mailuwal ng pinakamabubuting anak ng bayan na tunay na hukbo ng mamamayan at tutupad sa dakilang misyon na palakihin at palakasin ang hukbo upang makaambag ng bigwas sa kabuuang pagdurog sa kaaway. Sa kagyat, paghahanda ng baseng masa, bagong hukbong bayan, kasapian ng Partido at buong rebolusyonaryong kilusan sa pagtatanggol at aktibong paglaban sa nagbabantang todong kontra rebolusyonaryong atake ng pasistang rehimeng US-Duterte
Sa ika-50 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng PKP, kumpyansado sa taglay na dagdag na puhunan ang mga lagom na aral ng Partido sa ikalawang kongreso nito na kaya nitong labanan at biguin ang pasistang todong gyera at pakanang pasistang diktadura ng papet na rehimeng Duterte at tupdin ang mga tungkulin sa gitnang subyugto ng estratehikong depensiba at sumulong sa abanteng subyugto ng estratehikong depensiba at mailatag ang batayan sa pag-abante sa estratehikong pagkakapatas.
Mabuhay ang ika-50 taong anibersaryo ng PKP!
Mabuhay ang sambayanang Pilipino!!
Mapagpasyang isulong ang digmang bayan hanggang sa tagumpay!!