Tatlong armas, nakumpiska; dalawang ahente ng estado, napaslang sa matatagumpay na aksyon ng NGC-West Camarines Sur
Dumadagundong ang mga tagumpay ng digmang bayan sa Kabikulan! Maliban sa matagumpay na reyd ng Armando Catapia Command (ACC) -BHB Camarines Norte, sunud-sunod ang aksyon ng Pulang hukbo sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon upang makapaghatid ng rebolusyonaryong hustisya at mabigo ang mga pasistang atake ng AFP-PNP-CAFGU. Taas-kamaong nagpupugay ang RJC-BHB Bikol sa mga Pulang kumander at mandirigma ng Norben Gruta Command (NGC) – BHB West Camarines Sur. Kinumpiskahan nila ng isang M16, 2 carbine at iba pang gamit militar ang pamilyang Villafuerte, despotikong panginoong maylupa sa bayan ng Sipocot, Camarines Sur noong Pebrero 1. Nitong Marso 4 naman, nagitla sa mapagpasya at maagap na pagharap ng Pulang hukbo ang mga berdugong lumusob sa Brgy. Tigmang ng parehong bayan. Dalawa ang napaslang at dalawa ang sugatan sa panig ng kaaway sa naturang ambus. Walang napahamak sa Pulang hukbo sa parehong aksyon.
Ang 17 armas na nasamsam ng RJC-BHB Bikol sa iba’t ibang aksyon sa loob lamang ng dalawang buwan ay higit na makakapagpalakas sa kanilang kapasidad na maipagtanggol ang kanilang mga sarili at ang masang nakapalibot sa kanila mula sa mga pasistang atake ng kaaway. Tiwala na mayroong hukbong tunay na nagtataguyod sa kanilang interes, ibayong nag-aalab ang determinasyon ng masang inaapi’t pinagsasamantalahang kumilos at lumaban para sa kanilang mga karapatan at kagalingan. Ito – ang pagtutuwangan at pagpapalakas ng suporta ng masa at hukbo sa isa’t isa – ang pinakamabisang pamatay-dagok sa mga pasista’t diktador.
Hangga’t buhay ang mithiin ng mamamayang makamit ang hustisya, mananatiling hibang na pangarap para sa lahat ng pasistang rehimeng pulbusin ang rebolusyonaryong kilusan. Panata ng RJC-BHB Bikol na hindi ito maglulubay sa pag-aaral at pagpapakahusay sa taktikang gerilya upang higit na maitaas ang kanilang kakayahan at kapasidad na mabigwasan ang kaaway at maipagtanggol ang masa mula sa mga atake ng AFP-PNP-CAFGU. Patuloy nilang oorganisahin ang taumbaryo upang ibayo pang maitaas ang kapasyahan ng masang magkaisa at pumiglas mula sa pang-aapi at pagsasamantala.
Magkalda sa tingating! Talingkas sa pagkaoripon!
Tayo na sa kanayunan, sumampa sa Bagong Hukbong Bayan!
Ibagsak ang rehimeng US-Duterte!