Tindig ng KM-Bikol at KAGUMA-Bikol sa pagkakansela ng UP-DND Accord
January 23, 2021
Hindi mapipigilan ng uhaw-na-dugong sandatahan ng rehimeng US-Duterte ang paglalim ng kamulatan ng mamamayan hinggil sa kronikong krisis sa lipunan. Sa bawat kanto, tahanan, komunidad at iba pang lugar matatagpuan ang mga obhetibong kondisyong nagtutulak at higit na nagbibigay ng katwiran para lumaban at mag-armas.
Sa pagkakansela ng Sotto-Enrile Accord, pinatunayan lamang ni Duterte at ng kanilang mga alipures na linalamon sila ng takot sa harap ng mga mag-aaral at gurong nagtataguyod at nagpapalaganap ng kritikal na pagsusuri. Ito ang tiyak na magiging mitsa ng kanilang rehimen at hudyat ng tagumpay ng matapang na pagharap ng mamamayang Pilipino para sa katarungan at kalayaan.
Tindig ng KM-Bikol at KAGUMA-Bikol sa pagkakansela ng UP-DND Accord