Tugon ng Mount Baloy Command sa Pagwakas ng Unilateral Ceasefire ng Partido Komunista ng Pilipinas
Mahigpit na sumunod at tumupad ang Mt. Baloy Command sa pagpapatupad ng tigil putukan at hindi nagsagawa ng anumang armadong operasyon at pag-atake sa mga yunit ng AFP, PNP, CAFGU at mga paramilitar.
Translation/s: English | Hiligaynon
Ang Mt. Baloy Command sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas ay nakikiisa sa lahat na mga pulang mandirigma at kumander ng New People’s Army sa matagumpay na paglunsad ng pambansang unilateral ceasefire mula noong Marso 26 hanggang Abril 30.
Mahigpit na sumunod at tumupad ang Mt. Baloy Command sa pagpapatupad ng tigil putukan at hindi nagsagawa ng anumang armadong operasyon at pag-atake sa mga yunit ng AFP, PNP, CAFGU at mga paramilitar. Nagsumikap din ito na umiwas sa engkwentro sa panahon na naglulunsad ng combat operation ang yunit ng 61st IB Philippine Army sa mga area na nasasakupan ng operasyon ng mga yunit ng Mt. Baloy Command, sa kabila na may sariling deklarasyon ng ceasefire ang pamunuan ng AFP sa utos ni Duterte.
Sa panahon ng tigil-putukan, naglunsad ang NPA sa sentral na prente ng kampanya upang tulungan ang mga mamamayan sa pagharap sa pandemya na COVID-19, nagbigay ng mga edukasyon sa pag-iwas sa pagkalat ng virus, pangangalaga sa kalusugan, kalinisan, pag-alaga at panggagamot sa mga maysakit, pagtulong sa mga magsasaka sa kanilang gawain sa pagsasaka at pagpapataas ng kanilang produksyon bilang solusyon sa gutom na resulta ng military lockdown.
Maigting na kinokondena ng NPA ang paglabag ng AFP sa kanilang sariling ceasefire na makikita sa patuloy na operasyong combat, intel at pagpasok sa mga mabundok na area upang atakehin ang NPA at lumikha ng takot sa mga sibilyan.
Noong Marso 16, dahil sa kanilang paglabag sa ceasefire, nangyari ang mis-encounter sa pagitan ng yunit ng 61st IB PA at CAFGU sa Sitio Agtaraw, Brgy. Binolusan Pequeño na nagdulot ng takot sa mga residente sa mga magkalapit na baryo. Upang pagtakpan ang kanilang kapalpakan, pinalabas ni Col. Benedict Batara at ng 3rd ID mismo na ang nangyari ay isang engkwentro sa pagitan ng AFP at NPA.
Maigting ding kinokondena ng NPA sa Central Panay ang pagpatay ng mga ahente ng estado sa isang lider aktibista sa lungsod ng Iloilo na si Jory Porquia, Coordinator ng Bayan Muna Partylist at ang pagpatay din ng 61st IB sa isang lider magsasaka na si John Farochilin, Chairman ng Asosasyon sang Mangunguma sa Miag-ao at pag-aresto sa 11 pang mga sibilyan kasama ang limang menor de edad.
Dinagdagan pang lalo ng rehimeng Duterte ang mga krimen nito sa pag-aresto sa 42 na mga aktibista noong Mayo Uno na nagprotesta upang manawagan ng hustisya para sa mga biktima ng EJK at siniglin ang kriminal na kapabayaan ng gobyerno sa mga serbisyo sosyal.
Mula nang ipinatupad ang lockdown, maraming magsasaka at manggagawa na nasa mga baryo at bayan na nagsasakupan ng CPP-NPA Central Panay ang naapektuhan ng gutom, kahirapan at kakulangan bunga ng kawalan ng trabaho, kabuhayan, kakulangan sa serbisyo sosyal at puno ng anomalya na implementasyon ng Special Amelioration Program. Imbes na tutukan ang pagbibigay ng ayuda sa naapektuhan ng pandemya, pagpatay, pag-aresto at harasment ng mga lider at kasapi ng mga organisasyon na nagbibigay tulong sa mamamayan ang ginawa ng mga kapulisan at militar.
Malayang gumagala ang mga mersenaryong AFP, PNP at paramilitar sa paglulunsad ng todo-gyera sa kanayunan habang ikinukulong ang minilyong nagugutom na mamamayan sa mga komunidad sa pamamagitan ng padeklara ng pambansang ala-martial law na lockdown.
Sa kabilang banda, dahil sa krisis sa Covid 19 patuloy ang NPA sa pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan upang makaiwas sa pagkakasakit at pagtulong sa kanilang kabutihan upang pangibabawan ang krisis na pinapalubha ni Duterte. Bukas ang NPA sa mga ahensiya ng gobyerno na magparating ng kanilang serbisyo upang tulungan ang mga mamamayan na nagugutom at naghihirap sa krisis lalo na sa mga mabundo na komunidad. Tinitiyak ng Mt. Baloy Command na ligtas kayo sa anumang pag-atake. Subalit, mahigpit na ipinapaalala na dapat ito ay purong sibilyan na aktibidad at dapat iwasan ninyo ang pagsama o pag-escort ng AFP, PNP o anumang armadong pwersa ng gobyerno upang hindi kayo malagay sa panganib ng posibleng engkwentro.
Bukas ang Mt. Baloy Command sa pagtanggap sa lahat ng aktibista na nasa panganib ng pagtugis ng pasistang estado upang magpa-safety o lumahok sa mas mataas na porma ng pakikibaka sa pamamagitan ng pagsapi sa NPA. Sa paraan ng armadong pakikibaka lamang mabibigyan natin ng hustisya ang mga biktima ng ekstrahudisyal na pagpatay at paglabag sa karapatang pantao.
Nananawagan ang Mt. Baloy Command sa lahat ng mamamayan na magkaisa at buong tapang na isulong ang kanilang mga lehitimong karapatan at demanda. Manindigan at labanan ang martial law at diktadurya ni Duterte. Kumilos upang singilin at panagutin si Duterte sa kanyang mga katiwalian at krimen laban sa mamamayang Pilipino.
Isulong at iabanse ang armadong pakikibaka at palakasin ang NPA na inyong tunay na hukbo upang ibagsak ang bulok, traydor at pasistang rehimeng US-Duterte.