Tuloy ang pakikibaka ng mamamayan sa ilalim ng bagong pasistang hepe ng SOLCOM
Tulad ng nagretiro at hambog na hepe ng SOLCOM na si Lt. Gen Antonio Parlade Jr., tiyak na mabibigo si MGen. Bartolome Bacarro na wasakin ang rebolusyonaryong kilusan sa Timog Luzon. Ipagpapatuloy lamang nito ang madugong rekord ni Parlade.
Bago maitalagang bagong hepe ng SOLCOM, naging superintendent si Bacarro ng Philip-pine Military Academy (PMA), ang pangunahing institusyon ng AFP para sa pasistang in-doktrinasyon. Sa panahong ito namatay sa labis na pagpapahirap ang kadeteng si Darwin Dormitorio bunsod ng hazing noong 2019.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno sa 2nd Infantry Division ng Philippine Army (IDPA) mu-la Abril hanggang Hunyo, nagpatuloy ang pananalasa ng mga FMO at RSCPO sa buong re-hiyon, laluna sa mga lugar na may ipinagtatanggol na interes ang rehimeng Duterte at mga kasabwat nitong burgesya kumprador. Sa kanyang pamumuno naganap ang mga pagdakip, iligal na pang-aaresto at pagpaslang ng mga elemento ng 2nd IDPA sa mga sibilyan at mga pinahihinalaang tagasuporta ng rebolusyonaryong kilusan.
Mula Abril hanggang Hunyo, aabot sa 41 sibilyan ang dinakip ng mga pwersa ng 2nd ID. Kabilang dito ang pag-aresto sa 30 Dumagat sa Barangay Calawis, Antipolo City na ina-kusahang kasapi ng NPA at ang pagdukot sa batang si MJ, anak ng health worker at ka-bilang sa Morong 43 na si Emilia Marquez, sa Rizal, Occidental Mindoro. Ni-re-red-tag din ang mga ligal na samahan at hinaharas ang mga kasapi nito katulad ng ginagawa sa mga unyon sa Laguna at Tanggol Quezon. Pinakahuling atrosidad ng AFP sa rehiyon ay ang pagpaslang kay Baduy dela Cruz, isang lider-katutubo sa Brgy. Gapasan, Magsaysay, Occi-dental Mindoro noong Hulyo 29.
Isa si Bacarro sa mga masugid na anti-komunista at pinaborang heneral ng pasistang re-himeng US-Duterte kaya siya itinalaga sa SOLCOM. At tulad ng mga heneral na nauna sa kanya sa SOLCOM, nangangarap si Bacarro na masusupil at madudurog niya ang rebo-lusyonaryong kilusan sa Timog Luzon. Subalit kagaya ng mga nagdaang heneral ng SOL-COM, kakaharapin din niya ang marubdob na pakikibaka ng mamamayan.
Nararapat na tuluy-tuloy at puspusang labanan ng mamamayan ng Timog Katagalugan ang pakanang terorismo ng SOLCOM sa ilalim ni Bacarro. Kailangang lalo pang pahigpitin ang bigkis ng NPA at mamamayan. Kapag nagkakaisa ang Pulang hukbo at sambayanan, tiyak na mabibigo ang mga imbing atake ng AFP-PNP.
Nakahanda ang mga yunit ng NPA sa ilalim ng Melito Glor Command na ipagtanggol ang mamamayan sa rehiyon at labanan ang mga atake ng AFP-PNP. Bilang pagsalubong sa pagkaupo ni Bacarro sa SOLCOM, inaatasan ng MGC na maglunsad ang mga yunit ng NPA sa rehiyon ng mga taktikal na opensiba para bigwasan ang palalong kaaway, samsamin ang kanilang mga armas at tanggalan ng kapasidad na lumaban. ###