Ubos-lakas na manindigan at makibaka para wakasan ang pasistang rehimeng US-Duterte!
Ubos-lakas na manindigan at lumaban sa pasistang pang-aatake sa mga sibilyan sa paglabag ng karapatang pantao sa pamamagitan ng panghaharas ng mga mamamayan, panggigipit, pang-aaresto sa mga gawa-gawang mga kaso at pamamaslang ng mga berdugong pwersa na AFP at PNP sa ilalim sa dikta ng papet na rehimeng US-Duterte.
Sa pagpapatupad ng hindi makataong MO#32, napasailalim ang isla ng Negros sa de facto Martial Law . Nalagay na sa peligro ang buhay at seguridad sa pamumuhay ng mamamayang Negrosanon dahil sa marahas nga kalakasan ng kinikilalang “tagaprotekta at naglilingkod sa sambayanan” na mga AFP at PNP.
Napapahayag ng lubos na pagkondena ang Leonardo Panaligan Command- New People’s Army sa mga kalakasan ng mga uhaw sa dugo at mayayabang na mga tropa ng 94th IBPA, 62nd IBPA at ng iba pang mga mersenaryong elemento sang reaksyonaryong estado sa sakop ng Central Negros sa pagpatay sa 1 inosenteng sibilyan na si Lito Itao ng Brgy. Buenavista, Guihulngan City, na pinaslang kahapon lamang ng hapon (Hunyo 27, 2019). Isang awditor si Itao ng Guihulngan City Habal-habal United Operators and Drivers Association (GHOUDA-PISTON), magsasaka at namumunong brgy. Tanod sa kaniyang nasakupan na baranggay. Gayundin sa paghuli sa mga inosenteng sibilyan at mga ordinaryong magsasaka na sina Arnel Namu at Francisco Alagban at kaniyang asawa noong nagdaang mga araw, sa isang magkahiwalay na pangyayari noong Hunyo 25-26, alas 12:00 sang hating gabi. Sila ang iilan sa datos ng naging biktima sa nagawang ekstra-hudisyal na pamamaslang, payurak sa karapatang pantao ng sang rehimeng US-Duterte sa buong bansa.
Mahigpit din na pagkondena ng LPC-NPA sa nagpapatuloy na militarisasyon sa kabundukang sakop ng Guihulngan City sa Oriental na bahagi. La Castellana, Isabela, at Moises Padilla sa Occidental na parte.
Gayundin, kinokondena rin ang paggiit at pag-aakusa nina Mayor-elect Ella Garcia-Yulo at Vice Mayor-elect Ian Villafor na sila ang utak ng serye ng pamamaslang sa Bayan ng Moises Padilla sa pamamagitan ng paggamit ng Special Partisan Unit (SPARU) ng NPA. Purong kasinungalingsn lamang ito at ang NPA nagpapatupad ng Hustisya ayon sa prinsipyo at masusing imbestigayon base sa bigat ng kaso na nagawa laban sa mamamayang pinagsasamantalahan. Sa katunayan, iniipit lamang ng isang despotiko at utak-pulbura na si Magdaleno “Magsie” Peña, dating alkalde ng nasabing bayan ang mga naging testigo nito sa ganitong kalakasan ngña sina Junjun Opiar na kagawad ng Brgy. Macagahay, sakop sng nasabing Bayan at ni Roberto Sualog. Hindi makatanggap ng pagkatalo si Magsie Peña sa nagdaang eleksyon at gusto niyang ipaiwan ang poder upang dominahin ang Bayan ng Moises Padilla.
Ang Bagong Hukbong Bayan (BHB)ay isang hukbo ng sambayanan at inaalagaan ang kapakanan ng malawak na mamamayan laban sa pananamantala at pang-aapi ng naghaharing uri sa lipunan—uring Panginoong Malua, Malalaking Burgesya Komprador at Imperyalista. Layunin na mapaglingkuran ang sambayanan nañng walang anumang kapalit at maisulong ito hanggang sa tagumpay sa ilalim ng absolutong pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas- Marxismo-Leninismo- Maoismo (PKP-MLM). Hindi nagpapagamit sa naghaharing uri ang BHB na iyon ang pinamalaking kaibahan nito sa AFP at PNP.
Desperado lamang kag nasa sobrang krisis na ang pasistang rehimen na wasakin nag-aapoy na pakikibaka ng sambayanan. Sa kabila ng kanilang pangdarahas, laganap
na militarisasyon sa kanayunan, patuloy pa rin na lumalakas ang suporta ng mamamayan sa rebolusyonaryong kilusan, laluna na nagpamulat na ipasulong pa sa mataas na antad ang kanilang paglaban sa pagkamit ng hustisya.
Sa kabila nito, huwag matakot na igiit ang mga karapatang pantao. Singilin ang mga berdugo na AFP at PNP na may utang na dugo sa mamamayan. Huwag tumigil sa paglaban hanggang sa maabot ang hustisya sa mga biktima ng SEMPO 1 at 2.
Pinapanawagan din sa buong yunit ng BHB sa ilalim ng Leonardo Panaligan Command na depensahan ang kabuhayan at buhay ng mamamayan at ibigay ang karampatang hustisya sa inaaping mamamayan. Biguin at tapusin ang tiraniya at militaristang paghari ng US-Duterte na rehimen. Ibasura ang pahirap na MO #32!
Sgd: JB Regalado
Tagapagsalita
Leonardo Panaligan Command
New People’s Army
Central Negros Guerrilla Front