Vincent “Vr” Garcia sagadsaring kontra-rebolusyon at kontra-mamamayan
Pinarusahan ng Special Operation Group ng Agustin Begnalen Command si Vincent Garcia alyas Vr, isang sagdsaring kontra-rebolusyon na miyembro ng CAA at sangkot sa iba pang kriminal na aktibidad. Bandang Alas 9 ng umaga noong Sabado ng April 24 matagumpay na iginawad ng ABC-NPA Abra ang dusang kamatayan kay Vincent sa kanyang piggery sa Sagang Brgy. Poblacion, Lacub, Abra.
Ang mga kontra rebolusyon na aktibidad ni Vr ay ang mga sumusunod:
1. Espiya ng 24th IB; Paggigiya sa mararahas na combat operation ng 24th IB sa Abra na nagresulta sa panggigipit ng militar sa mga sibilyan;
2. Pagpapanggap na NPA at pagnanakaw ng mga armas ng sibilyan at NPA sa Tubo, Abra noong 2016 kasama ng ilang pang ahente ng militar;
3. Tuluy-tuloy na harasment at paniniktik sa mga sibilyan sa paradahan ng jeep na biyaheng Bangued to Upland Municipalities.
Si Vr ay dating NPA, pero dahil sa mga paglabag niya sa disiplina at hindi pagwawasto sa mga ito nagpasya ang komite ng Partido na pabalikin siya sa baryo. Mula ng nasa komunidad nila naging pasimuno ito ng mga panggugulo, paglalasing at paggamit ng ipinababawal na droga. Noong 2011 kasagsagan ng pagpasok ng dayuhang eksplorasyon ng minas sa Lacub ay pinaigting ng reaksyunaryong gubyerno ang pagtatayo ng Special Civillian Auxillary Army (SCAA) at Police Auxillary Unit (PAU) upang maging dagdag security forces ng AFP-PNP na magpoprotekta sa interes ng malalaking kumpanya. Pawang mga goons ng pulitiko ang narekrut sa CAA upang maging legal ang paghawak nila ng Armas bilang goons.
Hanggang noong 2016 naglunsad ng strike operation ang militar sa Tubo Abra kung saan kabilang dito si Vr at isa pang “ex-NPA” bilang guide sa operasyon. Nakapasok na sa loob ng kampo ng NPA si Vr ngunit maagap na hinuli at inenteroga sya ng mga pulang mandirigma at agad na pinahigpitan ang depensa sa kampo. Sa pangyayaring ito nakatakas si VR. Nagpatuloy ang mga kontra-rebolusyong aktibidad nito hanggang sa huling sandali.
Iba pang kontra-mamamayang rekord ni Vr.
1. Talamak sa paggamit ng ilegal na droga,
2. Talamak na pagpapasimuno ng ilegal na pangingisda sa ilog
3. Kahalayan sa kababaihan kung saan nitong nakaraang buwan lamang ay inereklamo sya sa kasong Violence Against Women & Children (VAWC)
Walang naging aksyon ang mga pulis sa Lacub sa ganitong mga ilegal na gawain bagkus ay patuloy pa rin siyang ginagamit ng militar at PNP sa mga operasyon.
Bago pa man pumasok bilang CAA si Vr samu’t saring gulo at kaso ang inerereklamo ng mga mamamayan ng Lacub laban sa kanya tuwing nalalasing at lulong sa droga. Isa lang si Vr sa mga notoryus at sangkot sa maraming ilegal na gawain na narekrut sa CAA simula noong kainitan ng aplikasyon ng malalaking kompanya ng minas sa lugar. Mas lalong naging talamak ito mula ng marekrut sa CAA.
Ang pagpaparusa kay Vincent Garcia ay magsisilbing warning sa iba pang ex-NPA, CAFGU, sibilyan assets at mga “bonet gang” na patuloy na nagpapagamit sa anti-mamamayan at anti-rebolusyong programa ng AFP-PNP sa ilalim ng berdugong rehimen ni Duterte na OPLAN-Kapanatagan/ NTF-ELCAC.
Nananawagan ang ABC-NPA Abra sa mamamayan ng Abra na huwag magpalinlang at huwag magpagamit sa kurap na AFP-PNP. Ang mga masa mismo ang saksi sa kabulukang ipinalalaganap ng pulisya at militar sa ating mga komunidad. Alam ng lahat na ang AFP-PNP ang silang nagtataguyod ng mga illegal na droga, sugal, prostitusyon at gun-for-hire na sindikato ng mga warlord-pulitiko. Ang bilyong pondong hawak ng NTF-ELCAC ay ginagamit lang ng gubyerno ni Duterte para swelduhan ang mga kriminal na militar, pulis, CAFGU, at mga “death squads para sa layuning manatili ang paghaharing diktador sa gubyerno sa tabing ng “pederalismo”, at ang nalalapit na pandaraya sa susunod na eleksyon.
Ibagsak ang tiranong rehimeng Duterte!
Mamamayang Abrenio, labanan ang NTF-ELCAC!
Lumahok at ibayong isulong ang Digmang Bayan!